Betrayal? - 22

184 3 0
                                    

LESTER'S POV


"Hi, bestfriend
."

Parang naging statwa ako nung narinig ko ang mga katagang iyon. Parang.. parang kilala ko 'tong boses na 'to.

Pero, hindi maari iyon. Hindi siya 'to. Hindi.

"Oh? Ba't hindi ka sumasagot? Ha, bestfriend ko?" Sarcastic niyang sabi. Ano bang nangyayare? Ba't ganito?

Hindi pa rin ako umiimik pero nararamdaman kong lumalapit siya saakin. Anong gagawin niya?

Nagulat ako nung may naramdaman akong maiinit na hininga malapit sa tenga ko.

"Ano? Did I surprised you? Don't worry.. Nag-uumpisa pa lang ako."


DANIEL'S POV


Hindi ko namalayan, naka-tulog na pala kaming lahat. Siguro dahil narin sa pagod sa pag-hahanap kay Les.

Na-una akong nagising. Wala naman akong gagawin dito kaya lalabas na lang muna ako. Gabi na pala. Ang ganda ng simoy ng hangin. Maaring peaceful nga ang atmosphere dito, pero hindi niyo parin maalis ang takot na nararamdaman ko.

Una, si Lester nawawala.

Dalawa, ang text na 'yon.

Hindi ba pwedeng mamuhay ng walang mga problema? Nung elementary papuntang third year, wala naman kaming ganitong problema ah?

Nagsimula lang naman ito nung naging kami na ni Kath.

Hindi sa sinisisi ko ang relasyon namin ni Kath, pero hindi niyo maitatanggi ang katotohanan.

Umupo ako sa damo at pinikit ang mga mata ko, pero nagulat ako ng may papel na dumikit sa paa ko.

Huh?

Saan naman nanggaling 'to?

Binasa ko at bilang dakilang manggugulat si Lord, nagulat ako sa nakita ko.

Isang picture ni Lester na nakatali sa upuan, may tape sa bibig, at naka-takip ang mga mata niya. May naka-sulat sa baba:

"Come find him. -MAB"

Nanlaki naman ang mata ko. Tangna!

Sino si MAB?!

Teka? Parang alam ko 'tong lugar na 'to?

Tinignan ko ng mabuti ang larawan at oo nga.

Alam ko na kung saan 'to.

Hahanapin ko siya, ngayon na.

Bestfriend ko si Lester at hinding hindi ko hahayaang masaktan siya.

Tatayo na sana ako para pumunta sa sasakyan ko ng may tumawag saakin.

"DJ? Saan ka pupunta?" Lumingon ako. Si Kath. Gising na siya? Shit.

"A-ah. May pupuntahan lang." Sabi ko. Alam kong hindi ko sinabi sakanya kung saan talaga ako pupunta. Sobrang delikado kasi.

"Daniel. Kilala kita. Saan?"

"Hahanapin si Lester."

"Ano?! Sa gitna ng gabi?"

"Oo. Kath, pumasok ka na. Aalis na ako."


"Anong ikaw? Sasama ako!"

"Kath?! Please, pumasok ka na. 'Wag ka ng pasaway, please. Delikado kasi. Baka mapano ka pa. Hindi natin kilala kung sino 'tong nag-sesend ng mga kung ano-ano at hindi natin alam ang kaya niyang gawin kaya, please lang. Ayaw kong mapahamak ka."
Sabi ko sakanya.

"Kaya nga. Hindi natin alam kung ano ang kaya niyang gawin kaya, sasama ako. Kung gusto mo, gigising ko sina Kats." Sabi niya.

"Wag! Tara na." Napilitan na lang akong samahin siya, baka gisingin niya talaga sina Kats at baka magka-gulo pa. "Basta hindi ka lalabas ng sasakyan." Ngumiti naman siya at tumango.


LESTER'S POV


"Ano?! Hindi ko kayang gawin yan! Hindi!"
Sigaw ko bigla. Baliw ba siya?! Ay, oo nga. Baliw na talaga, pero hindi ko talaga kayang gawin 'yon!

"Gagawin mo. Ano mas gusto mo? Papatayin sila o susundin mo ang utos ko?" Sabi niya. Ang sama sama niya talaga. Hanggang ngayon may naka-takip parin sa mga mata ko kaya, hindi ko parin siya nakikita.

"Ang sama mo! Sino ka ba ha?!" Sigaw ko. Narinig kong tumawa naman siya.

"Oh, come on! I know you already knew who I am." Sabi niya habang tumatawa. Hindi ko siya sinagot. "So? Ano? Gagawin mo ba o baka gusto mong mag-papadala na ako ng mga tao sa bahay ng mga kaibigan mo? Oh and by the way, papalayain na rin kita once pumayag ka."

Hindi ko man gustong gawin 'to, pero ito na lang talaga ang paraan para mabuhay pa ang mga kaibigan ko. Sorry sa mga masasaktan ko..

"Sige.. payag na ako." Sabi ko ng mahina. Pumalakpak naman siya.

"Very good! I'll set you free, but don't ever think of betraying me because I have eyes EVERYWHERE. Oo nga pala, 'wag na 'wag mong sabihin sa kanila ang pangalan ko. Pag-nalaman ko lang na sinabi mo ang totoo? Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sayo at sa mga kaibigan mo." Pag-babanta niya. Tumango na lang ako.

Sorry, Daniel at Kathryn.. Sana mapatawad niyo ako sa mga gagawin ko..


DANIEL'S POV


Nandito na kami sa lugar kung nasaan si Les.

"Kath, dito ka lang. Naiintindihan mo?" Sabi ko. Tumango naman siya.

"Mag-ingat ka." Sabi niya at hinalikan ko siya sa noo at bumaba na ako.

Pumasok na ako sa pintuan. Ang dilim. Wala rin akong marinig na kahit ano. Sinimulan ko nang hanapin si Les.

"Les?" Tawag ko sakanya ng mahina. Paulit-ulit ko lang sinasabi yon hanggang sa may narinig akong kalabog. Sinundan ko at doon ko nakita si Les. Nakatali parin, naka-tape ang bibig, at may naka-takip na panyo sa mga mata niya.

Tumakbo ako papunta sakanya at dali-daling kinuha ang mga tali sa katawan niya.

"DJ? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya ng matamlay.

"Mamaya na lang tayo mag-usap. Dapat maka-labas na tayo dito." Sabi ko at tinulungan ko siyang maka-tayo. Pumunta na kami sa sasakyan. Binuksan naman iyon ni Kath at tinulungang ipasok si Les sa back seat para maka-higa.

Nag-drive na ako pabalik sa bahay namin kung saan natutulog sina Kats.


LESTER'S POV


Habang nag-dadrive si DJ, nag-papanggap akong tulog. Hindi ko kasi kayang humarap sa kanila. Hindi kaya ng consensiya ko. Paano kung tatanungin nila ako kung ano ang nangyare? Anong isasagot ko?

"Ah, wala. Trip niya lang akong kidnapin. Play lang yon para sa school."

Ganon? Shit. Nakaka-stress naman 'to. Bahala na nga. Kung ano na lang ang lalabas sa bibig ko. Gagamitin ko na nga lang ang acting skills ko.


KATSUMI'S POV


Nagising ako at tumingin ako paligid at napansin kong wala si DJ at Kath? Saan naman yung dalawang yon?

Teka? Baka.. baka nag-ano? Alam niyo na..

(A/N: Oy! Yung utak mo Katsumi Kabe ha! Ang green.)

Ha? Nag-ano ba? Sabi ko baka kako kumain sila. Ikaw yata ang green, Author, eh.

Pero, seryoso. Ba't nawala sila? Ginising ko sina Juls para ipaalam sa kanila na nawawala sina Kath at DJ.

Nagising naman sila at sinabi ko sakanila at unang nag-react si Juls,

"Huh?! May nawawala nanaman?! Bakit unti-unti tayong nawawala?! Si best ko! Oh my god! Baka kung ano na ang nangyare d-" Hindi niya naituloy ang mga sasabihin niya dahil tinakpan ni Diego ang bibig niya.

"Ang OA mo talaga, babe." Sabi ni Diego at nag death glare lang si Juls kay Diego. 'Tong mag-syota na to talaga.

"Guys, may naririnig akong tunog ng sasakyan sa labas." Sabi ko bigla. Tumakbo naman kami papuntang window at nakita namin sina Kath at DJ na lumalabas sa sasakyan at dala-dala si Les.

Lumabas kaming lahat at pinuntahan sila.

"Anong nangyare?!" Tanong ni Seth habang naka-tingin sa tulog na si Les.

"Hindi rin namin alam, pero sa nakita ko, parang may kumidnap kay Les." Sabi ni DJ.

"Kidnap?!" Tanong naming lahat. Tumango naman silang dalawa at ipinasok na si Les sa loob.

Pumasok na kami sa loob at nakita naming nakahiga na si Les sa sofa at mahimbing natutulog.

"Ano kaya yung nangyare?" Tanong ko.

"Hintayin na lang siguro nating magising si Les bukas at mag-uusap tayong lahat." Sabi ni Kath. Pumayag naman kami at natulog na.


-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

May sense ba 'tong chapter na 'to sa inyo? Hahaha. Wala kasi akong maintindihan eh.

Don't forget to vote and comment! Mwehe. Thank you. :*

Oh and by the way,

Read between the lines.

YOU CHANGED MY LIFE (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon