Sparks - 3

380 8 0
                                    

KATHRYN'S POV

Hindi ko mapigilang ngumiti. Naalala ko nanaman ang nangyari kanina,

*FLASHBACK*

"Friends?" Nakangiting sabi niya.

"Friends." I smiled back. Masaya pala pag wala ka ng kaaway 'no?

*END OF FLASHBACK*

Ewan ko nga ba't ang saya ko. Eh hindi lang naman siya ang kaibigan ko. Siguro kasi I found a new friend? Makulit nga lang. Napa-tawa ako. Tinignan ko ang orasan, 9:00 na pala. Maka-tulog na nga. Pero sabado naman bukas, walang class.

Binuksan ko muna yung facebook ko. Andaming friend request, matagal narin kasi akong hindi nakapag-open ng FB ko. In-open ko ang friend requests. I looked through. Mga hindi ko naman 'to kilala eh.

Nung eh co-close ko na sana eh may na kita ako na nakapag-pangiti saakin, friend request galing kay Daniel. I accepted it. At ni-log out ko na. Pinatong ko na yung laptop ko sa side table and went to sleep.

*ONE MONTH HAS PASSED*

DANIEL'S POV

Naka-lipas na ang isang buwan pero hindi parin ako maka-paniwala na ang taong dati inis na inis at kulang nalang patayin ako, ay matalik na kaibigan ko na ngayon. Nandito kami ngayon sa school at wala pa si Ma'am kaya naman ang ingay dito sa loob ng classroom.

"DJ," Tawag niya. "Ano nga ulit number mo? Na delete kasi eh." Ito talagang babaeng 'to.

"Isang buwan na tayong mag-kaibigan at halos araw araw tayong magka-text, hindi mo parin memorize?" I jokingly said to her.

"Eh kasi naman-" Pinutol ko yung sinabi niya,

"092936*****" Sinabi ko sakanya.

(A/N: Hindi ko alam kung ilan yung numbers, naka-limutan ko. Sorry.)

"Thanks!" Pinindot niya yung mga numbers at nag-smile saakin. I smiled back. Dumating na si ma'am. Nag-simula na siyang mag lecture. Hindi naman ako nakikinig, naka-tingin lang ako ng maiigi kay Kath. Ang ganda niya talaga--

"DJ, makinig ka kay ma'am. May homework daw." Homework? She gave me a piece of paper na may naka-sulat kung ano ang gagawin para sa homework.

Sa wakas! Na tapos na yung lecture na napaka-boring at andito kami ngayon nina Kath, Juls at ng barkada ko sa canteen. Kami nga ata ang pinaka maingay eh. Kasi naman,

"Tulalang tulala si Pareng Daniel kanina ah!" Sigaw ni Katsumi. Walang'ya, ano daw?

"Oo nga, nakaka-halata na 'ko ha!" Sang ayon naman ni Juls. Tinignan ko si Kath, makikita mo sa mga mata niya na hindi niya ma-intindihan yung mga pinag-sasabi nina Juls at Kats.

KATHRYN'S POV

Okay, ako na OP. Ano ba 'tong pinag-uusapan nila? Ako at sina Seth, Lester and JC lang ang hindi nakaka-intindi. "Tulala saan?" Hindi ko na na-pigilan. Tinanong ko sa kanila. Sasagot na sana si Katsumi ng i-cover ni DJ yung palad niya sa bibig ni Kats. Matapos ng magulong lunch na 'yon. Uwian na.

"Hatid ko na kayo, Kath." Sabi ni DJ. May choice pa ba ako? Eh magka-tapat lang kami ng bahay ni DJ at ang bahay nina Juls eh katabi lang namin. Oo alam ko, ang layo naming tatlo 'no?

"Palagi mo naman kaming hinahatid eh." Natawa kami ni Juls. Napa-kamot nalang si DJ sa ulo niya. At ayun nga hinatid niya kami pa-uwi. Ng nag lalakad kami, umakbay si DJ at parang may naramdaman ako? Parang..parang may spark?

Palagi nalang nang-yayari yun kapag hinahawakan niya yung kamay ko o ina-akbayan niya 'ko. Ewan ko kung ano yun. First time ko lang naman maranasan yan eh. Ka bilang ako sa mga NBSB girls, kaya ganun.

Pag dating namin sa bahay, "Thank you, DJ." Sabi 'ko.

"Kahit ano, para sayo." Sabay kindat. Parang may butterflies sa.. sa tiyan ko. Ano yun?

"HEH. Uwi ka na." Tinulak ko na siya at pumasok na kami sa loob. Hindi ko na talaga ma pigilan, ngumiti ako ng pagka-laki.

"Ano yan ha?" Epal ni Juls. De joke lang, lab ko yan 'no.

"What?" Kahit anong pilit ko, hindi talaga ma alis ang ngiti ko. Ano na ba 'tong nangyayari saakin?

"YANG NGITI MO! Kinikilig ka 'no? Ha?"

Hindi naman ako makapag-sinungaling sa babaeng 'to, kaya,

"Sigur..o?" At ayun na, tumili ng pagka-lakas. Tumatalon pa.

"AH! Ang bespren ko, dalaga na!" Dalaga? Eh matagal naman na akong dalaga ah? Baliw talaga 'to. No, ako yata yung baliw eh. Kung ano ano ang nararamdaman ko. "Uwi na 'ko bes ah! Baka pagalitan ako ni mama eh." Paalam niya.

"Sige, bes. See you tomorrow!" At nag-beso kaming dalawa. Nung lumabas na siya, hinanap ko si Kuya, "KUYAAA!" Pumunta ako sa kwarto niya at sumilip ako, AYUN!

"Ano, bebe girl?" Bebe girl? 16 na po ako! I just rolled my eyes at nag-tanong.

"Kuya, may mga naging girlfriends ka na diba?"

"Oo, ba't mo naman na tanong?"

"Ah..Uhm, ang mga lalake ba may mga na-fifeel rin na mga sparks at.. At butterflies sa tiyan?" Tanong ko ng may pagka-alanganin.

Tumawa ng malakas si Kuya. Alam ko namang nakaka-hiya yung tanong ko eh, pero sana naman wag na niyang ipa-mukha sakin.

"Oo naman, baby sister. Lahat man ata ng mga taong kinikilig, nararamdaman yan eh." Kinikilig? Ibig sabihin? "Bakit naranasan mo na ba yan?"

"NO! Wala pa 'no!"

"Okay, sabi mo eh."

"Kuya talaga! Hmp. Maka-alis na nga."

"Ikaw na nga yung nag-tatanong, ikaw pa yung magagalit!" Natatawa niyang sigaw.

Nakaka-inis talaga si Kuya. Ang galing mang-asar. Leche. Pero kilig? Kinikilig nga ba ako? Ni hindi pa nga ako nakaramdam nun eh. Bakit ko nga ba pino-problema yun? Nung matutulog na sana ako may nag-text,

*Bzzzzt*

------------------------------------------------------------------------

From: DJ

Tulog na, Kath. See you tomorrow. Good night. :*

------------------------------------------------------------------------

Ewan pero napa-ngiti nanaman ako. Nireplyan ko,

------------------------------------------------------------------------

To: DJ

Oo na, boss. Good night din. :)

-------------------------------------------------------------------------

Ano ba 'tong ginagawa mo sakin, Daniel John Padilla?

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kinikilig na si Kath, ayaw pang aminin. Na-fifeel rin kaya ni DJ ang sparks? Abangan!

YOU CHANGED MY LIFE (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon