LESTER'S POV
"So, ano nga yung nangyare?" Tanong nilang lahat saakin.
"Interogation agad? Hindi ba pwedeng kumain muna ako? Kaka-gising ko lang kaya." Sabi ko para maka-iwas sa topic. Nagka-tinginan naman sila.
"Sige na nga. Kats, kunan mo nga si Lester ng pag-kain." Sabi ni DJ kay Kats habang naka-tingin parin saakin. Creepy..
Bumalik na si Kats na may dalang crackers. Ba't ang bilis niya?!
"Oh, ayan. Kumain ka na." Sabi ni Kats at binigay saakin yung plato. Kinuha ko naman 'yon at nag-simulang kumain.
"Ano na ang nangyare?" Tanong ni Kath.
"Teka nga lang. Kumakain pa yung tao eh." Sabi ko naman. Kain lang ako ng kain at habang kumakain ako, nag-iisip ako ng pwedeng i-rason sa kanila.
Natapos na ako at sabay-sabay silang nag-tanong,
"Ano na?"
"Uhm. Hindi ko rin alam eh. Basta.. basta pag-gising ko andon na ako sa lugar na yon."
"Hindi mo man lang ba nakita yung kumidnap sayo?" Tanong ni Julia.
"Ha? Wala.. Hindi ko nakita."
"Eh, alam mo ba na nawawala din si Andrea?" Tanong naman ni Diego.
"Andrea? Teka?! Ano?! Bakit?" Gulat kong sagot.
"Hindi namin alam. Sabi nung secretary ata yun ng principal. Na nag-bakasyon daw siya sa probinsiya nila kasi daw may sakit yung lola niya." Sabi ni DJ.
"Ay. Oo nga pala. Naalala ko may sinabi nga siya saakin na ganon." Sagot ko.
"Eh, bakit parang nag-panic ka?"
"Siyempre. Na-kidnap ako eh. Anong ineexpect niyo, maalala ko lahat?" Sagot ko at nag-walk out.
DANIEL'S POV
"Anong nangyare don?" Tanong ko. Umalis bigla eh. Ano 'yon, walk out king?
Nag-kibit balikat nalang silang lahat.
"Uy. Mag-eight na pala. Hindi pa ba kayo uuwi?" Sabi ko sakanila.
"Bakit? Gusto mong ma solo si bes 'no?" Sabi ni Juls at hinila naman siya ni Diego.
"Sige. Una na kami ni Juls. Bye, guys." Sabi ni Diego at lumabas na sila ni Juls.
"Kami rin. Bye, lovebirds." Sabi nina Kats, JC at Seth.
"Teka, asan si Lester?" Tanong ko at bigla namang lumabas na lang bigla bigla sa kung saan si Les.
"Nandito ako." Sabi ni Les. "Bye! Salamat sa pag-ligtas saakin." Paalam niya at lumabas na silang apat.
Kami nalang ni Kath ang natira sa bahay.
"Ikaw, babe? Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko habang naka-back hug sakanya.
"Dito na lang muna ako." Sagot niya at napa-ngiti naman ako don.
Hinila ko siya pa-higa sa sofa. Nasa taas niya ako ngayon.
"DJ!" Sigaw niya at pilit niya akong nilalayo. Habang ako naman naka-smirk lang sakanya. "DJ. Ano ba? Baka mamaya dumating sina Tita at makita tayo."
BINABASA MO ANG
YOU CHANGED MY LIFE (KathNiel)
Novela JuvenilSi Kathryn ay isang babaeng hindi naniwala sa love. Ngunit nung dumating si Daniel sa buhay niya, nag-karoon ng spark sa kanilang dalawa.. magkaka-tuluyan kaya sila kahit na may humadlang? O pipiliin nilang sumuko na lang?