It's starting.. - 12

255 5 3
                                    

KATHRYN'S POV

Kung nag-tataka kayo kung ano ang nangyare nung sinabi ko kay Mom at Dad na nan-liligaw na saakin si DJ, Well, eto ang nangyare,

*FLASHBACK*

Kinakabahan talaga ako. Ngayon ko sasabihin kay Mom and Dad na nan-liligaw na saakin si DJ.

Sana hindi sila magalit. Pumunta na ako sa living room kung saan nandoon sina Mom, Dad, at Kuya.

"U-uhm, Mom, may sasabihin ako sa inyo.." Sabi ko.

"Let me guess, nanliligaw na sayo si DJ, 'no?" Sabi ni Mom. Nanlaki ang mata ko. Paano niya nalaman yon? "Nag-paalam na si DJ bago pa man kayo maka-punta sa Tagaytay."

ANO?! Langya. Kinabahan pa ako. Hindi naman pala dapat.

"Okay lang sainyo? Mom, Dad?" Sabi ko.

"Okay lang saakin. Bagay kaya kayo!" Sabi ni Mom na parang teenager. Feeling ha.

"Okay lang rin saakin basta wag ka lang niya sasaktan. Kasi pag nang-yare yun, sasaktan ko talaga siya." Sabi ni Dad. Natakot naman ako don.

"Yieeee! Malaki na baby sister ko." Sabi ni Kuya Rome. Lol. Baby sister?

"Baby sister ka diyan. Mag-seseventeen na kaya ako. Malapit na birthday ko 'no. Psh." Sabi ko.

"Anong malapit? Eh sa March pa yon eh. September pa lang ngayon 'no." Sabi naman ng KJ kong Kuya.

Binelatan ko siya. "Thank you, Mom and Dad dahil okay lang sa inyo!" Sabi ko and I went back upstairs.

*END OF FLASHBACK*

Ganon, okay lang pala sa kanila. Anyway, nandito kami ngayon sa school. Oo, meron ng class. Nakaka-inis nga eh. Bitin. Hindi ko ma-pigilang ngumiti dahil nakikita ko na si DJ papunta dito na may hawak na flowers at chocolate.

"Good morning, Kath." Sabi niya. He smiled and handed me the flowers and the chocolate. I smiled back.

"Parang magkaka-tonsil na ako nito sayo eh. Kahapon ka pa bigay ng bigay ng chocolate. Hindi pa ba na-uubos pera mo? Ha?" Sabi ko naman. Tumawa naman si Juls sa tabi ko na katabi si Diego habang naka-akbay sakanya si Diegs.

Ay. Nakalimutan ko bang sabihin sa inyo na sila na ni Diego? Sinagot na siya ni Juls nung nasa Tagaytay kami. Kaya eto sila, MEDYO PDA.

"Ano ka ba naman, Kath. Siyempre nanliligaw ako eh. Pero ang gasto nga manligaw." Sabi niya pero binulong niya lang yung last sentence. Bubulong na nga lang, narinig ko pa.

"Eh, hindi mo naman kailangan mag-bigay ng ganyan eh. Contented na ako na nandiyan ka palagi 'no." Sabi ko naman. Totoo naman kasi.

"Okay lang. Gusto kong gawin 'to para sayo." Sabi niya. Kinilig naman ako dun. "Tara na, punta na tayo sa room. Baka ma-late tayo. Terror pa naman si Ma'am."

Habang nag-lalakad kami may nabangga akong babae.

"Sorry, Miss. Hindi ko sinasadya." Pag-hihingi ko ng tawad. Kinuha ko yung mga gamit niya na na-laglag sa sahig. Naka-yuko niyang kinuha saakin.

"Salamat." Sabi niya ng mahina. Teka? Parang familiar yung boses niya ah? Saan ko nga ba narinig 'to?

"Andrea?" Sabi ni Juls. Oo! Si Andrea nga. Yung babae sa park.

YOU CHANGED MY LIFE (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon