Feelings - 7

311 4 0
                                    

DANIEL'S POV

"Kath, sige na please. Hinge ako." Andito kami ngayon sa school nag-lulunch. At kung nag-tataka kayo kung ano ang hinihingi ko kay Kath, chocolate po. Ayaw niya akong bigyan. Damot. At oo nga pala, okay na 'ko. Nawala na yung lagnat ko. Ang galing kasi ng nurse ko.

"Ayaw. May pera ka naman eh. Bili ka ng sayo." Sabi niya at bumelat pa talaga siya. HUH. Ayaw niya akong bigyan ha. Teka. Nung kina-kain niya yung chocolate bar, inagaw ko sa kamay niya.

"Huy, DJ naman eh! Akin na yan, please?" Sabi niya habang tumatalon para kunin sakin yung chocolate. Hindi niya 'ko ma-abot eh. Ang taas ko kaya. Tinatawanan ko lang siya hanggang sa natapilok siya at nahulog kaming dalawa..

KATHRYN'S POV

Nakaka-inis si DJ. Inagawa pa talaga. Eh hindi ko ma-abot. Ang taas taas niya. Hmp. Tumatalon ako para kunin yung chocolate sa kamay niya but an unexpected thing happened. Natapilok ako AT nahulog kaming dalawa. Ngayon? Nasa sahig kami at nag-titinginan.

"Nag-eenjoy ka yata, Kath?" Narinig kong sabi ni Juls. At doon na ako nata-uhan. Hinablot ko kay DJ yung chocolate at tumayo na.

Pag-tayo ko, nagulat akong halos lahat ng tao naka-tingin saamin. At may naririnig pa akong bulungan ha.

"Ang sweet talaga nila! OMG!"

"Ang swerte ni Kath! Sana ako yung nasa posisyon niya."

"Bagay na bagay talaga sila! KVness!"

"MY KATHNIEL HEART!"

Ay? Me ganon? Ang o-oa ha. Naka-tayo narin ngayon si DJ at tumatawa siya. Anong tinatawa niya diyan?

"Ang bigat mo, Kath!" At tumawa na siya ng malakas. Hmp.

"S-sa sexy kong 'to? Mabigat? Mukha mo!" Sagot ko naman. At tuluyan ng kinain ang chocolate bar. "'Di kita bati. Tara na, Juls." Narinig ko pa siyang tinawag ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon.

"Anong echosan yun, bes?" Tanong ni Juls habang tumatawa.

"Eh, nakaka-inis siya eh. Sinabihan ba naman akong mataba. Sino hindi magagalit doon?"

"Sabi niya mabigat hindi mataba." Sagot niya.

"Pareho lang yun, 'no."

*BELL SOUND*

"Oh, tara na. Nag-ring na yung bell oh." Pag-aaya ko kay Juls.

At nag-lakat na kami papuntang classroom.

"Blah, blah, blah.." Yan lang yung naririnig ko galing kay Mrs. Fuente. Physics teacher namin. Hindi ako makapag-focus eh. Galit ako kay DJ. Atsaka alam ko na rin naman yan eh, kaya, no worries. Last subject namin eh, physics. So, pagka-tapos nito uwian na.

"That's all, class. Class dismiss." Narinig kong sabi ni Mrs. Fuente. Hay, salamat. Lumabas na kami at pauwi na sana.

"Wait lang, bes. Samahan mo muna ako sa locker ko. Please? May nakalimutan kasi ako." Sabi ni Juls. Alam niya kasi na badtrip ako kaya nag-puppy eyes pa. Psh.

"Sige na nga."

Nung nag-lalakad kami papunta sa may locker area, nakita namin si DJ. Saan pupunta 'yon? Hindi pa siya nakaka-uwi? Aish. Galit ako sakanya.

"Uy, bes! Si DJ yun diba? Saan siya pupunta?" Sabi ni Juls. Galit nga ako kay DJ tapos sasabihin niya pa.

"Ewan ko sakanya." Pero sa totoo lang na cu-curious talaga ako.

YOU CHANGED MY LIFE (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon