JULIA'S POV
"AAAAAAH! Ang sweet niyo talaga, bes! Gumawa pa talaga siya ng kanta!" Pasigaw kong sabi. Si Kath naman nilagay niya ang mga daliri niya sa tenga niya.
"Paki-lower ng volume please." Sabi niya.
"Eh, sorry naman. Kinikilig kasi ako eh!"
"Ah, talaga? Kinikilig ka? Grabe, hindi halata." She sarcastically said. Baliw talaga 'tong babaeng 'to. Hinampas ko siya.
"Oo. Hmp. Ano na?"
"Anong ano na? Diba andon ka?"
"Oo pero gusto kong ikwento mo saakin lahat. As in lahat." Sabi ko. At kinuwento niya saakin lahat. Mula sa pag-aalmusal niya hanggang sa muntik na siya masagasaan. Wait- muntik masagasaan?!
"BES?!" Sigaw ko bigla.
"ANO?!" Sigaw niya rin pabalik.
"Anong muntik ka nang masagasaan? Sino? Sino yung lintek na muntik na makasagasa sayo?" Sunod sunod kong sabi.
"Teka. Kalma ka lang, bes." Sabi niya at pina-upo ako. Mapatayo kasi ako nun eh. Sorry naman, mahal ko 'tong bespren ko 'no. "Wala na 'yon. Pabayaan mo na. Mabuti na nga lang at nandoon si DJ eh. Kung wala, nako-"
"STOOOP! Wag mong sasabihin yang word na yan." Pag-titigil ko sa kanya. Ayaw na ayaw ko kasing marinig yan eh.
"Alam ko namang ayaw mo marinig pero I'm just stating the truth 'no." Sabi niya. I just hugged her.
KATHRYN'S POV
Ang sweet talaga ng bespren ko. Hihi. Kinikilig ako.
"Oh, sige na. Tama na 'tong saakin. Sayo naman, 'musta na kayo ni Diegs mo?" Tanong ko at nag-smile na pang-asar.
"Okay lang." Sabi niya. Weh?
"Talaga? Kilala kita. Ilabas mo na 'yan." Sabi ko at etong baliw na bestfriend ko tumili ng pagka-lakas. Sabi sa inyo eh.
"BES! INAYA NIYA AKONG MAG-DATE!" Sabi niya.
"Oh? Anong bago don?"
"SA CRUISE SHIP!" Sigaw niya ulit.
"AAAAAH!" Sigaw naming dalawa at nag-tatalon kami sa kama ko.
Nagulat na lang kami ng bumukas ang pinto.
"ANONG... nangya..re?" Sabi ni DJ at Diego na halos gibain na yung pinto ko sa kwarto.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sakanila. "Akala ko naka-uwi na kayo?"
"Uuwi na sana kami ng marinig naming may sumigaw." Sabi ni DJ. "Bakit kayo sumigaw?"
"Oo nga. Okay lang ba kayo? Anong nangyare?" Sabi naman si Diego.
Tumingin kami ni Juls sa isa't isa. "A-ah. Wala, may..may ipis kasi." Palusot ni Juls.
"Ah. Akala naman namin kung ano. Sige, mauna na kami. Bye." Sabi nila saamin. Tatalikod na kami sana ng tawagin kami,
"JULS!" "KATH!"
"Ha?" Sabay naming sabi.
"I love you!" Sabay nanaman sila ni DJ at Diego. Ano ba 'to? Ba't palaging chorus?
BINABASA MO ANG
YOU CHANGED MY LIFE (KathNiel)
Teen FictionSi Kathryn ay isang babaeng hindi naniwala sa love. Ngunit nung dumating si Daniel sa buhay niya, nag-karoon ng spark sa kanilang dalawa.. magkaka-tuluyan kaya sila kahit na may humadlang? O pipiliin nilang sumuko na lang?