Sorry kung boring 'tong mga chapters ha. Konting konti nalang talaga, guys. Dedicated nga pala kay Ate Irel (NerdyIrel) kasi ang ganda talaga ng mga story niya. Idol ko nga siya eh. Keep on writing good stories, ate! :)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
DANIEL'S POV
Andito ako ngayon sa kwarto ko. Nag-eemo. De loko lang. Nag-iisip ng mga bagay.
Kahapon kasi nung nagalit sakin si Kath, grabe ang impact saakin. Mabuti na lang pinatawad niya ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung hindi niya pa ako pinatawad kahapon.
Kung wala si Kath, hindi ko talaga alam kung ano gagawin ko. Ang sarap niyang kasama kasi she's always positive, jolly, pag-tumatawa ka parang mahahawa ka 'rin.
Hay. Oo na, aaminin ko. I like Kathryn. Kahit sabihin niyo pa na ang bilis, wala na kayong magagawa para mawala 'to. Grabe, ang corny ko. Kelan pa ako nag-seryoso?
*TOK TOK*
Sino naman yun? Pumunta ako atsaka binuksan,
"SURPRISE!" Sabi ng apat na mga mokong.
"Anong ginagawa niyo dito?" Sabi ko. Hindi ko talaga sila ininvite.
"Ouch. Hurt naman kami, 'bro. Ayaw mo kami dito? Sige, tara na, guys. Uwi na tayo." Sabi ni Katsumi at kuwaring nag-tatampo.
"Isang tanong lang ang tinanong ko, ba't nag speech ka?" Pag-pipigil ko ng tawa. "Ang o-oa ninyo! Pasok!" At hinila ko sila.
"Yey! Alabyu, brad!" Sabi ng loko-lokong lalaki na nag-ngangalang Katsumi. He attempted to hug me.
"Bakla ka, 'tol?" Sabi ni Seth. Habang ako naman ay nilalayo ko si Kats saakin.
"GAAAAAAY!" Sabi ni Lester.
"Look who's talking." Sabat naman ni Kats. Oh, mukhang rambol 'to ah. At nag simula na silang mag...
Sampalan. Oo. SAMPALAN. Amput-.
"Aish. Diyan na nga kayo!" Sabi ko. At nag simulang mag-lakad.
"Saan ka pupunta, brad?" Tanong ni JC.
"Mag-hahanap ng chicks? Sama ako!" Sulpot ni Kats.
"Sumbong kita kay Dae!" Sabi ni Seth. Si Dae po ay girlfriend ni Kats. Kahit loko-loko yan may puso 'rin yan 'no.
"Sige, pare. Ikaw na lang pala." Bawi ni Kats. Kita ninyo? Under sa girlfriend. Tumawa ng malakas sina Seth, Lester, at JC.
"Hindi ako mag-hahanap ng chicks 'no. Loyal yata ako." Sabi ko naman. Hala! "A-ah, r-royal! Oo, royal. Bibili ako ng royal." Palusot ko. Hindi ko pa kasi nasasabi sakanila. At kung sasabihin ko man, siguradong i-hohot seat ako ng mga niyan.
"Libre mo naman kami!" Sabay sabay nilang sabi. Psh. Papanindigan ko na nga 'to.
Lumabas ako at bumili ng limang royal. Nabawasan pa tuloy yung pera ko. Bwiset 'tong bibig ko.
Pag-balik ko ininom na nila yung royal. Ako naman dumiretso sa kwarto ko. Wala nga pala sina Mommy at Daddy dito. Nasa work nila.
"'Tol! Saan ka nanaman pupunta?" Rinig kong may sumigaw.
"Mag-aaral!" Sigaw ko pabalik. Nagulat ako ng isang iglap nasa harapan ko na sila. Whoah. Bilis ah. "Kalahi niyo si Flash?"
BINABASA MO ANG
YOU CHANGED MY LIFE (KathNiel)
Dla nastolatkówSi Kathryn ay isang babaeng hindi naniwala sa love. Ngunit nung dumating si Daniel sa buhay niya, nag-karoon ng spark sa kanilang dalawa.. magkaka-tuluyan kaya sila kahit na may humadlang? O pipiliin nilang sumuko na lang?