KATHRYN'S POV
Nandito ako ngayon sa bahay. Nag-aalmusal. Walang klase eh. Habang kumakain ako, narinig kong may kumatok.
8:30 am, may kumakatok? Sino ba 'to?
Tumungo ako papuntang pintuan at pag-bukas ko wala namang tao.
Isisira ko na sana ang pintuan nang may nahagilap ang mga mata ko sa ilalim. Isang box.
Box? Kanino galing 'to? Kinuha ko at binuksan. Nagulat ako sa nakita ko. Isang chocolate cake na may naka-lagay na 'Hi, Kath.' At may heart pa sa gilid.
Sino nag-bigay nito? Teka, parang alam ko na. Lingon ako ng lingon hanggang sa makita ko siya. Ang lalakeng cocompleto ng buhay ko.
Naka-tayo siya sa may puno at may hawak na bulaklak. A boquet of white roses. He never fails to surprise me. Kahit simple lang, maappreciate mo talaga.
"Labas ka na diyan. Nakita na kita." Sigaw ko sakanya. Lumabas na siya. "Para saan 'to?"
Hindi niya ako sinagot. Instead kumanta siya.
(Play music at the side.)
"Simpleng tao lang ako na nagmamahal sa'yo
Hindi ako katulad ng mga manliligaw mo
Pasikat sa porma, sa iPad, o sa high-tech na cellphone
Hindi man ako nagsusuot ng mamahaling relo
Pero sa'yong-sa'yo ang oras ko..."
Anong kanta 'to? Hindi ko pa 'to narinig ah?
(A/N: Kunware si DJ nag-compose nito ah. HAHAHA)
"Gagawin ko ang lahat para makapiling ka
Kapag kasama kita 'di mapigilan ang saya
You know it feels so good
Kapag nagmamahal sa'yo
Pag-ibig ko ang diskarte sa puso mo.."
Patuloy pa rin siya sa pag-kanta habang papalapit siya saakin.
"Lahat ng bagay ay lumilipas at kumukupas
Pero di mawawala ang pag-ibig ko
Para lang sa'yo.."
Nasa tapat ko na siya ngayon. Kumakanta pa rin siya habang tinitignan ang mga mata ko.
"Gagawin ko ang lahat para makapiling ka
Kapag kasama kita 'di mapigilan ang saya
You know it feels so good
Kapag nagmamahal sa'yo
Pag-ibig ko ang diskarte..."
"Gagawin ko ang lahat para makapiling ka
Kapag kasama kita 'di mapigilan ang saya
You know it feels so good
Kapag nagmamahal sa'yo
Pag-ibig ko ang diskarte sa puso mo.."
Natapos na siya at hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Kath, I love you. Ikaw lang ang kailangan ko. Ikaw ang comocompleto ng araw ko. Kapag hindi kita nakikita parang hindi ako completo. Walang silbe ang buhay ko kung wala ka. Kath, will you be my girlfriend?"
BINABASA MO ANG
YOU CHANGED MY LIFE (KathNiel)
Teen FictionSi Kathryn ay isang babaeng hindi naniwala sa love. Ngunit nung dumating si Daniel sa buhay niya, nag-karoon ng spark sa kanilang dalawa.. magkaka-tuluyan kaya sila kahit na may humadlang? O pipiliin nilang sumuko na lang?