Absent - 6

411 6 0
                                    

KATHRYN'S POV

"Hoy, bes!" Nagulat ako ng sumigaw si Juls. At sa tenga ko pa talaga. "Tulala ka nanaman. Siguro iniisip mo si DJ no? Tawagan mo na kasi."

"DJ? Psh. Hindi no." Sabi ko naman. Pero sa totoo niyan.. Nag-aalala ako sakanya. Paano ba naman kasi, absent siya. Ano kayang nangyari don?

"Deny pa 'teh. Push mo yan." Sabi ni Juls habang nag-tetext. Nandito kami ngayon sa cafeteria. Lunch na pero wala pa talaga si DJ. Akala ko nga late lang eh, pero hindi na dumating.

Ewan ko pero parang nasanay na rin kasi akong nanjan ang makulit na DJ sa tabi ko kaya pag-wala siya parang hindi ako kumpleto-Aish. Ang corny. Matawagan nga.

"Sandali lang, Juls. Tatawagan ko." Hindi na talaga ako mapakali eh. I dialed his number.

Ring lang ng ring, walang sumasagot. Leche.

*BELL SOUND*

Ugh. Lunch is over pero hindi ko pa siya nakaka-usap. Mamaya na nga lang.

DANIEL'S POV

Siguro nag-tataka kayo kung bakit ako absent, 'no? Well, I have a fever. Ganito kasi yun...

To be honest, hindi ko din alam kung bakit ako nagka-lagnat basta pag uwi ko kahapon sinipon na lang ako at biglang sumakit yung ulo ko. At eto nga yung kinalabasan. Siguro dahil sa pagod kaya ganun.

Nandito lang ako ngayon sa bahay, naka-higa. Ayaw ko nga sanang umabsent kasi baka mag-alala si Kath pero ang nanay kong maingay gustong dito lang ako sa bahay. Magpa-hinga daw ako. Tss.

Hindi ko din ma text si Kath dahil nasa living room namin yung phone ko. Bakit hindi ko kunin? Kasi nga ayaw akong palabasin ni Mommy. Hay, maka-tulog na nga.

KATHRYN'S POV

"Ma'am! May I go out?" Sabi ko kay Ma'am Flores. Math kasi ngayon yung subject namin. Ayaw na ayaw ko pa naman sa Math.

"Yes you may, Ms. Bernardo." Sagot niya. Lumabas na ako at dumiretso sa C.R.

Susubukan ko ulit tawagan si DJ. Baka sakaling sagutin na ng mokong na yun.

*RING RIN-*

Hay salamat, sumagot narin sa wakas.

"Hello?" Sabi ng tao sa speaker. Wait? Parang hindi si DJ 'to ah? Parang babae?

"Hello? Kathryn, anak?" Ay, si Tita Karla pala. Jusko. Akala ko kung sino na.

"Hello po, Tita. Asan po si DJ? Bakit po kayo ang sumagot?" Sagot ko ng magalang.

"Ah, may lagnat siya eh. Nakita ko kasing umiilaw yung phone niya sa living room kaya sinagot ko." Sagot ni Tita. Ah, kaya pala. Wait? LAGNAT?

"May lagnat po si DJ? Bakit po?"

"Hindi ko nga rin alam, anak. Baka dala narin siguro ng pagod." Hala, baka talagang na pagod si DJ sa lakad namin kahapon.

"Ah, eh. Tita? Pwede ko po ba siyang bisitahin diyan?"

"Aba'y oo naman."

"Sige po, thank you. Pupuntahan ko po siya diyan. Bye po." Sabi ko at binaba ko na.

Lumabas na ako sa C.R. Pupuntahan ko siya ngayon. Nag-lakad ako sa Clinic para kumuha ng permition slip.

YOU CHANGED MY LIFE (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon