Detective Daniel - 13

285 3 4
                                    

DANIEL'S POV

Lintek. Wag na wag lang talaga mag-papakita saakin yang taong yan. Kundi, nako. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nag-uusap kami ni Kath ngayon,

(DJ - Bold and Kathryn - Italic)

"Kath, okay ka na ba?"

"Oo naman. Na-luha lang ako kanina kasi first time na may nag-sabi saakin ng ganon. Pabayaan mo na yun." Tumawa siya. "Matibay yata 'to."

"Nakuha mo pa talaga mag-biro. Bukas na bukas papahanapin ko yung taong gumawa non."

"Nako, hindi na. Gulo lang yan, Deej. Mga papansin lang yan."

"Hindi, kasi paano niya nabuksan yung locker mo? Diba? Meaning meron siya ka-sabwat sa office."

"Kung sabagay. Pero sino naman gagawa non, eh, wala naman akong kaaway?"

"Yan nga rin yung iniisip ko."

"Hay. Pabayaan na nga lang natin yan. Matulog na tayo, may class pa bukas. Good night, DJ."

"Okay. Sleep tight, Kath.. Good night. Mwa."

Tumawa siya at pinatay na ang call. Mabuti na lang at hindi siya gaano ka apektado. Bukas, humanda ka kung sino ka man.

**

Nandito ako sa may locker ni Kath. Binalikan ko dahil baka may CCTV pala. Pero pag-balik ko don, wala na ang mga grafitti. As in, ang linis na ng locker ni Kath.

Wala pa naman kaming pinag-sabihan ah? Na-guilty siguro. Pero kahit na. Nag-hanap hanap ako. BINGO! Meron nga.

Dumiretso agad ako sa taong nag-babantay sa lahat ng CCTV sa buong campus.

"Manong, pwede po ba pahingi ng favor?" Sabi ko sakanya.

"Ano ba 'yon, iho?" Sabi niya naman. Mukhang mabait naman siya.

"Pwede po bang pa-tingin sa CCTV kahapon? Sige na po, kailangan lang talaga."

"Sige." Salamat naman at pinayagan niya ako.

Hinanap ko na ang recordings na may naka-lagay kung ano ang date kahapon. September 20, 2013.

Nakita ko yung sa may locker area. Pina-panuod ko na ngayon yung mga nang-yayare sa may lockers.

Nanunuod lang ako ng may naha-gilap ang mga mata ko. May taong papalapit sa locker ni Kath. Naka-hoodie siya na grey. Mukhang.. lalake?

Sinimulan niya ng mag-sulat ng mga hurtful words at pagka-tapos nun, inopen niya yung locker ni Kath. Saan niya nakuha ang passcode?

Kinuha niya yung basurahan sa gilid at tinapon lahat ng yon sa loob ng locker ni Kath.

Ayon sa time, mga class hours niya ginawa 'to. Para siguro walang tao. Sino ba 'to? Hindi ko makita eh. Ang labo.

"Manong, pwede niyo po bang i-zoom in?" Sabi ko at zinoom in niya.

Parang.. parang may sing-sing siya. Yung ahas na sing-sing. Nasa middle finger niya yun. I-tatry kong hanapin yun.

Sigurado naman akong nasa school campus lang yon eh. Wala kasing nakaka-pasok sa Magic High pag school hours.

*BELL SOUND*

Mag-kaklase na pala.

"Salamat ho, manong." Sabi ko at nag-paalam na. Lalakeng may ahas na sing-sing, lagot ka talaga.

YOU CHANGED MY LIFE (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon