New friend? - 4

351 5 3
                                    

DANIEL'S POV



Magandang araw sa inyong lahat! At fyi, seryoso ako ngayon, maganda talaga ang gising ko. Kasi naman, si Kath eh. Hindi ko na nga din alam kung ano ang nangyayari saakin. Kahapon kasi, nung inakbayan ko si Kath, parang na-kuryente ako. May mga naging girlfriends din ako noon pero flings lang yon eh. Hindi ko pa 'to nararamdaman, maniwala man kayo oh hindi, kay Kath ko lang naranasan 'to.

I may sound gay pero totoo yung sinabi ko. Parang nag-eenjoy na yata ako mag-kwento ah. 7:00 na, 8:00 yung klase namin. Mag-shoshower na 'ko.

Pagka-tapos ko, pumunta ako sa bahay nina Kath.

*TOK TOK*

"Sandali lang!" Narinig kong may sumigaw galing sa loob ng bahay nina Kath. Si Kath nga ata yun eh. Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto. "Ginagawa mo dito?" Ganun lang? Ouch.

"Good morning rin, Kath." Nag-act ako na parang nasaktan.

Tumawa siya. "Joke lang yun, ano ka ba!" Sabi niya. "Tara, pasok ka." Pumasok ako at nakita ko dun si Juls na nag-lalamon-este kumakain.

"Hindi ka nag-eenjoy kumain, 'no Juls?" Sabi ko. Nag-roll lang siya ng mata niya. Ba't ba ang hilig hilig ng mga taong mag roll ng mata nila? Lumabas yung mommy ni Kath galing kitchen, "Good morning po, Tita Min."

"Good morning rin, DJ. Ba't ang aga mo yata?" Tanong ni Tita Min.

"Ah.. Tatanungin ko po sana kung gusto ni Kath, sumabay saakin?"

"Paano naman ako? Ayaw kong mag-lakad 'no!" Sabi ni Juls. Ay, sorry Juls nakalimutan kita. Haha.

"Pati narin ikaw, Juls." Nag-pipigil lang ako ng tawa kasi alam kong magagalit yun.

"Oh, Julia at Kath, gusto niyo ba?" Tanong ni Tita Min kay Kath at Juls. Tumango naman silang dalawa. Pagka-tapos nilang kumain tinawag ko na yung driver namin at nag drive na siya papuntang school.

SCHOOL

Habang nag lalakad kami sa hallway, pinag-titinginan kami ni Kath. Bakit? May mga bulong-bulongan pa kaming narinig,

"Bagay talaga sila."

"Sana magka-tuluyan sila, 'no?"

"KathNiel FTW."

KathNiel? "Pst, Kath. Bagay daw tayo oh." Sabi ko sakanya. And I winked at her. Bigla naman siyang namula. Wait--Namula? Ano 'yon?



KATHRYN'S POV



"I agree with them." Bulong ni Juls. KathNiel? Gusto kong matawa. Kahit na magka-gusto ako kay DJ eh he won't like me back rin naman eh. Kasi palagi niya akong inaasar. Sapat na yun. Pero kasi.. Nevermind.

"Ewan. Tara na nga. Ma le-late na tayo niyan." At binilisan na naming mag-lakad. Nang nasa class na, sabi ni Ma'am ngayon daw ibibigay yung report cards. Sana naman mataas ako 'don. Ewan ko nalang kay DJ, graduating na pero hindi parin nag-titino. Palagi ko nga yan sinasabihan eh. Hindi naman nakikinig. Ayan na, ibibigay na.

"Ms. Bernardo, here's your card." Pag-abot niya sakin binasa ko, 97.8%. Okay nayun. Ano kaya yung average ni DJ at ni Juls? "Mr. Padilla, here's you card." Hinablot ni DJ kay Ma'am. Grabe, hinablot talaga. Tatanungin ko nalang sila mamaya.



DANIEL'S POV



78.6%. Yan, yan yung average ko. Taas diba? Sigurado akong papagalitan nanaman ako ni Mommy nito. Eh, 'la akong pake.



JULIA'S POV



Hi guys! First time ko ata mag POV ah? Ako nga pala si Julia Montes. Pwede niyo rin akong tawaging Juls. Bestfriend ako ng bida ninyo.

Andito pala ako sa C.R, nag re-touch ako ng make-up ko. At pa-punta na 'ko sa cafeteria ng may narinig ako sa isang room. Parang nag-aaway ata. At dahil chismosa ako, tinignan ko. Nag-aaway nga. Parang mag-syota.

"Ano pa ba ang kulang? Binigay ko nga lahat sayo diba? Bakit.. Bakit siya pa yung mas gusto mo?" Umiiyak yung lalake habang sinasabi niya yun. Kawawa naman. Pinagpalit siguro.

"Sorry, Diego. But I don't love you anymore.." Sabi nung babae. Grabe naman yun, ang hard.

"Sige, kung yan ang makapag-pasaya sayo. I'll let you g-go." He stopped crying pero nag-cracrack pa yung boses niya. Hala, mukhang lalabas na yung lalake. Tumakbo na ako agad bago pa niya ako makita.

CAFETERIA

Ayun! Nakita ko na sina Kath at DJ. Asan na yung apat na baliw? I mean, asan na sila Seth, Kats, Lester at JC? Eh, bahala na nga sila. Pumunta na 'ko kay Kath at DJ.

YOU CHANGED MY LIFE (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon