Missing couple - 21

165 3 0
                                    

KATHRYN'S POV

Last week lang nung na-hospital si DJ, nag-kabati kami, at nung sinabi kong 'I wish life was this easy' pero may problema nanaman.

Nawawala si Lester. Hindi namin siya makita simula kahapon pa. Hinanap namin siya kahit saan. Pumunta na rin kami sa bahay nila at sabi ng mama niya nag-paalam daw si Lester na may pupuntahan lang.

"Sa tingin niyo, bakit umalis si Les ng hindi nag-papaalam sa atin?" Tanong ni Seth. Nag-kibit balikat kaming lahat. Pare-pareho kaming hindi alam pero biglang sumigaw si DJ.

"Si Andrea!" Sigaw niya. Tinignan naman namin siya.

"Oh? Anong kinalaman ni Andrea dito?" Tanong ko.

"Diba girlfriend siya ni Les? Baka sakaling alam niya kung nasaan si Les." Sagot niya.

"Oo nga pala." Sabay sabay naming sagot.

"Tara, hanapin natin siya." Sabi ni Juls at tumayo na kami at nag-simulang hanapin si Andrea sa school campus.

Nakaka-ilang ikot na kami sa whole campus hindi pa rin namin nakita ssi Andrea. Kaya naapag-desisyonan naming pumunta sa principal's office.

Mag-tatanong kami kung nag-absent ba si Andrea.

Nasa tapat na kami ng office ng principal's office. Bubuksan na sana namin yon ng makita namin ang secretary ng principal.

"Anong maitutulong ko sa inyo?" Sabi niya.

"Ah, mag-tatanong lang po sana kami kung nag-absent po ba si Andrea Baretto?" Sagot ko.

"Oh. Come with me." Sabi niya saamin. Sumunod naman kami papunta sa office niya. Pumasok na kami at umupo siya sa upuan niya at may kinuha siya. Mga files ata.

Umupo lang kami at nag-hintay hanggang sa sinabi niyang,

"Andrea Baretto? Ah. Nag-paalam siya saakin kung pwede daw siyang pumunta sa probinsya nila dahil may sakit ang lola niya."

May sakit? Lola niya? Siguro.. Siguro ganon nga ang rason pero ang weird don eh, sabay sila ni Lester nawala? Hindi kaya?

"Ah, sige po. Thank you." Sabi ni Juls at lumabas na kami.

DANIEL'S POV

Ba't naman kaya nawala si Les? Kay Andrea alam na namin ang rason eh pero kay Les, may pupuntahan daw?

"Baka nag-tanan na yung dalawang 'yon!" Sabi ni Kats at tumawa ng malakas. Sabay sabay naman kaming kumuha ng throw pillow at hinagis iyon kay Kats. Nandito kasi kami sa bahay namin. "Aray! Talagang sabay sabay pa kayo?!"

"Eh, ikaw naman kasi! Nag-aalala na nga kami dito, nag-jojoke ka pa diyan." Sabi ni Juls.

"I was just trying to lighten up the mood. Ang paparanoid niyo kasi." Sabi ni Kats.

"Oo nga. Baka naman talagang nag-bakasyon lang sila pero magka-iba ang pinuntahan." Pagsasang-ayon ni Diego.

Siguro nga. Nagulat kami ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko, may text pala.

"Sino yan?" Tanong ni Kath.

"Hindi ko alam. Unknown number eh." Sagot ko. Binuksan ko ang text.

From: 09253678***

Having a hard time looking for your so-called-barkada? If only you and your stupid friends can see Lester's situation right now. HAH. I would die laughing at your expressions. Good luck finding him.. IF YOU CAN.

YOU CHANGED MY LIFE (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon