A Glimpse of Her Life

2.7K 66 26
                                    


She's finally coming back. Thank you po, Lord.

Narito kami ngayon sa resort nina Mika sa Bulacan. Malaki na rin ang ipinagbago ng resort nila, mas gumanda at naipaayos simula noong umalis si Mika. Ako, si Kim, MotherF, Ate Cyd, Majoy, Kianna, Dawn, Carol, at Jessey, ay naghihintay lang sa pagdating niya.

May tatlong tables near sa pool area at inooccupy namin ang isa. Wala na rin naman kaming magawa. Prepared na lahat ng pagkain, maganda na rin ang disenyo ng paligid, at nakasabit na ang mga banners na nagsasabing, "Congratulations, Team USA! Welcome to the Philippines!" at "Welcome home, Yeye!"

Nakausap na ni Tita Bhaby si Mika at malapit na rin daw sila. Unang sasalubong ang pamilya ni Mika sa kaniya, siyempre, kaya mag-aabang lang kami dito sa pwesto namin.

Hayyyy. Dalawang taon. Dalawang taon na rin pala simula noong umalis siya. Pero parang higit pang matagal na panahon ang lumipas. Sobrang miss na miss ko na siya. Sa dalawang taon niya sa U.S., mahigit isang taon na rin kaming hindi nag-uusap. Alam ko naman na pati sa ibang kaibigan namin ay ganoon rin pero masakit, sobrang sakit ng mawala siya.

Totoo pala yung sinasabi nila na marerealize mo lang kung gaano kahalaga sayo ang isang tao kapag wala na siya. Eh kasalanan ko rin naman. Gago ako eh. I took her for granted. I did not take care of her or our friendship. I hurt her. Pero ngayon, kung bibigyan niya ako ng chance, babawi ako sa kaniya.

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang busina at makita ang bus ng la salle. Ipinahiram kasi sa kanila yun kapalit ng isang friendly match against them na gaganapin naman bukas.

Tumigil na ang bus. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko sasabog na ito sa kaba.

Bumukas ang pinto at unang lumabas si Mika. Parang tumigil ang mundo ko at wala akong ibang nakita. Ang ganda niya. Naka v-neck na white shirt siya, pants, at rubber shoes, parang kung paano pa rin siya manamit dati. Pero iba na ang tindig niya, parang puno ng confidence, yung parang alam niyang bagay siya sa mundong ito, parang kaniya ang mundo. Yung buhok niya ay maikli pa rin, pero instead na papunta sa right side yung buhok niya ay papunta na sa kabila. Yung kutis niya halatang makinis kahit sa malayo at parang mas pumuti pa siya. Yung pangangatawan niya, sexy! Halatang fit siya and lean ang muscles niya. Napalunok ako kasi sobrang hot niya!

Niyakap niya ang Mommy at Daddy niya, si Kuya Perry, si Miko, at Mikole. Pagkatapos ng moment nila ay napatingin naman siya samin. Nanlaki ang mga mata niya bago napasigaw.

"Uy, guys! Dito pala kayo?!" Tumakbo naman siya papunta samin. Isa-isa niyang niyakap ang mga kaibigan namin.

"Ye," bulong ko nang lumapit siya sakin.

"Vic," ganti niya sabay yumakap sakin ng mahigpit. "Na-miss kita."

Yumakap rin ako sa kaniya. "Mas na-miss kita, Daks. Sobra."

"Anak, pakilala mo naman mga teammates mo," sabi ni Tita Bhaby at bumalik si Mika papunta sa teammates niya na nasa tabi pa rin ng bus.

Grabe. Ang tatangkad ng mga teammates niya. Parang ka-height ko na ata yung pinakamaliit sa kanila. Nakakaintimidate. World champs lang naman ang nasa harap namin.

Habang papalapit sila ay nakita ko namang magkaholding hands si Mika at ang isang red-haired girl na maputi at kasing tangkad niya. Cameron Sutter. Kilala ko siya. Siya lang naman ang pumalit sakin. Kilala sila ni Mika bilang "Perfect Duo" parang yung "Best Tandem" lang namin.

Alam niyo ba yung feeling na parang pinipisil ang puso mo? Yung parang dinudurog? Yun kasi ang nararamdaman ko ngayon. Ako dapat ang kasama ni Mika. Ako pa rin dapat ang ka-tandem niya sa court. Pero hindi na at hindi ko alam kung pwede pa.

Sailing AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon