Feelings

2.1K 48 21
                                    

Sarili palang mundo, ah. Baka lang. Asa. Feelingero. Assumero. Gago.

Iyon ang nasa isip ni Vic patungkol sa sarili niya.

Akala niya kasi okay na. Akala niya pwede na ulit. Akala niya lang pala.

Masaya naman kasi ang naging gabi. 'Yung connection nila, ibang level. Hanggang sa ihatid nga niya ito noong halos hating-gabi na ay para siyang nasa cloud nine.

Noong bababa na si Mika sa sasakyan noong nasa tapat na sila ng bahay nito ay pinigilan niya ito.

"Daks, wait lang," sabi niya.

Kumunot ang noo ni Mika pero hindi naman ito nagtanong.

Mabilis na bumaba siya at pumunta sa side ni Mika para pagbuksan ito ng pinto.

"Akala ko naman kung ano. Ang gentlewoman lang, Daks, ah," biro ni Mika.

Medyo gay pero kinilig na siya sa simpleng pagtawag ulit sa kaniya ni Mika ng 'Daks'.

"Ganiyan talaga, Daks. Masanay ka na."

Biglang nalungkot ang itsura ni Mika pero bago pa siya makapagtanong ay nagsalita na ulit ito.

"Sorry, hindi na kita maimbitahan sa loob. Maaga pa kasi kami bukas."

"Okay lang, Daks. Gabi na rin naman talaga."

"Sige, Daks. Ingat," sabi ni Mika bago ito humalik sa pisngi niya.

Beso lang pero kinilig na naman siya. Namaaaaaan. Ano na, Vic?

"A-ah, s-sige, Daks. Kayo rin, ingat sa biyahe."

Nautal pa siya. Leche. Ang smooth, Vic. Tsk.

Dahil nga gabi na ay wala ng traffic. Mabilis siyang nakauwi at naghanda para magpahinga.

Noong nakahiga naman siya ay nagbukas siya ng instagram at twitter kasi gusto niya i-share kung gaano siya kasaya.

Labis pa siyang sumaya kasi bumungad sa kaniya ang post ni Mika, ilang segundo pa lang ang lumilipas.

Pictures iyon ng mga kinain nila at 'yung view mula sa balcony niya. Naka-tag pa siya at ang caption ay:

reyesmikaaa I've missed these. Sarap pa ng luto ng hipon at ganda ng view! Thank you @vsgalang!

Tinakluban niya ng unan ang mukha niya at nagpagulong-gulong sa kama pagkabasa niya. Eh di siya na ang kinikilig! 😆

Ilang minuto na ang lumipas pero para siyang baliw na nakatingin lang sa mga pictures at paulit-ulit na binasa ang caption. Nag-iisip pa siya ng magandang reply nang bigla niyang mai-refresh ang page.

Gumuho ang mundo niya. Para siyang hinampas ng realidad. Nagising siya katotohanan.

Picture ni Mika at ni Richard Juan. Sa bahay nila kung saan niya ito inihatid. May bouquet na hawak si Mika. Nakahawa naman sa waist nito si Richard. Ang lawak ng kanilang mga ngiti.

Tinignan niya ang caption:

reyesmikaaa Thank you for the flowers and the visit @richardjuan! Bawi na lang ako kapag pumunta ka ulit sa U.S. 😄😘

Ulit?! Tapos ganoon pa ang emoticon?!

Nakita naman niya ang comment ni Juan.

richardjuan Thank you for entertaining me even though you're really busy! I get to see you naman every few months so I understand. Enjoy the rest of your stay here na lang! 😉

'See you every few months'?! Fvvvvvvck.

Itinext niya agad si Jessey para maliwanagan.

To: JZ de Leon

Sailing AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon