Another Scandal

2.3K 73 24
                                    

(A/N: WARNING! LOTS OF CURSE WORDS AND DEMEANING WORDS. DON'T HATE ME. I LOVE MIKA.)

Tinadtad niya ng pindot ang doorbell ng unit.

Pinagbuksan naman siya ng naghihikab at nakapikit pang Kim Fajardo.

"Gago ka, Wafs, ah. Kapag ako binubulabog mo nang ganito kaaga para lang sabihin kung gaano ka-in love at kinikilig kay Ye, sasapakin talaga kita. Pasalamat ka wala dito si Cyd ngayon."

Kung naiba ang pagkakataon ay tinawanan na siguro niya si Kim sa itsura nito. Halatang bagong gising pero ang lakas makapagbanta.

Pero hindi nga ganoon ang sitwasyon.

"Kim."

Noong marinig ni Kim kung gaano siya ka-seryoso ay parang nawala ang antok nito at tinitigan siya.

"Anong problema? Pasok ka."

Pumasok nga muna sila sa loob at naupo sa sofa nina Kim.

"Anong nangyari?" tanong ni Kim.

Iniabot niya lang ang phone niya kay Kim at iplinay nito ang video na nakahanda na doon.

-

May grupo ng mga magkakaibigang babae sa bar. Maingay at madilim pero kitang-kita ang isa sa kanila, si Shiela Marie Pineda.

Ang mga kasama nito ay sadyang blurred sa video.

Noong may nagsalita ay may nakasulat pang subtitle para siguradong maintindihan ng makakapanuod.

Hindi kita kung sino ang nagsalita.

"Gurl, si Ara at si Mika na pala 'no?"

Umirap naman si Bang bago ito nagsalita. Noong nagsalita ito ay halatang-halata na lasing na ito. Mukha rin namang hindi nito alam na vinivideohan siya.

"Nakuha na nga ng bitch na iyon si Vic."

"Wow, gurl. Bitter na bitter lang."

"Tangina. Sinong hindi mabibitter kung masulot sayo ang girlfriend mo?"

"Paanong nasulot? Eh hindi nga daw nag-uusap iyong dalawa noong panahong nagbreak kayo ni Ara."

Sarkastikong tumawa si Bang.

"Tanga. Eh umamin nga 'yung slut na 'yon na mahal niya si Vic habang kami pa. Nahiya lang ata kaya pumunta ng U.S. Pero hindi naman tumigil iyon sa panlalandi niya kay Vic."

Uminom pa muna ng alak si Bang bago nagpatuloy.

"Ilang beses kaya iyon nagmessage kay Vic. Lalandiin siguro pero nabura ko. Pero malay ko ba kung may iba pang kaharutang ginawa ang babaeng higad na 'yun."

May isa pang kasama na nagcomment.

"Bes, parang hindi naman mukhang ganoong klaseng tao 'yung si Mika, ah."

"Wag kang magpalinlang! Malandi talaga iyon. Eh diba kaya nga sila nagbreak ni Kiefer kasi nakikipaghalikan siya sa ibang lalaki sa bar?"

"Bes, totoo ba 'yun? Eh diba idineny niya?"

"Malamang! Hindi naman ganoon ka-tanga ang babaeng iyon para aminin ang panloloko niya. Pero tingnan niyo sila ni Alyssa ngayon, di sila okay diba? Eh dati magkasama pa ang mga iyon sa Ultera. Ngayon, hindi sila nag-uusap. Hindi siguro siya kayang plastikin ni Aly."

Kita naman sa video na naiiling na lang ang mga kasama ni Bang. Hindi na lang rin nagcomment ang mga ito.

Nagsalita si Bang pagkatapos ng ilan pang shots.

Sailing AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon