3 weeks later...
Ilang araw na rin simula noong nakabalik si Mika galing sa U.S. Oo, kakabalik lang ni Mika kasi nga nagkaroon pa ang mga ito ng tour. Siya naman ay naunang bumalik sa Pilipinas.
Pagbalik niya sa Pilipinas ay parang lahat ng makausap niya na hindi malapit na kaibigan o kamag-anak ay tinatanong siya tungkol sa status nila ni Mika.
No comment siya. Ganoon rin kasi si Mika sa mga interviews nito abroad.
Oo, pinanuod niya lahat ng interviews nito at palagi talagang may nagtatanong kay Mika. Pero simple lang naman ang sagot ng mahal niya:
I would rather not talk about it. When I do say something about it, it will be in the Philippines.
'Yun nga ang desisyon nila. Gusto nila na sabay na nilang ipaalam sa mga tao.
Pero grabeeee ang nakaraang dalawang linggo para sa kaniya. Ang hirap pala ng long distance relationship.
Kahit na noong nanliligaw siya ay mahirap na ang malayo kay Mika pero mas mahirap pala noong sila na talaga.
O.A. na kung O.A. kasi dalawang linggo lang naman sila magkalayo at hindi pa sila matagal na official pero hindi niya talaga kinaya 'yung ganoon sila katagal magkalayo.
Buti na lang at mukhang parehas lang sila ni Mika ng nararamdaman dahil payag naman ito na makipag-facetime sa kaniya kapag free time nito. Lagi rin silang magkausap or magkatext.
Ito na nga sila ngayon, naghahanda para sa interview nila with Vice.
Tumingin siya kay Mika.
Ang swerte niya kasi ang ganda ganda ng girflriend niya kahit na naka-simpleng green blouse, ripped jeans, at white vans lang ito.
Matchy-matchy nga pala sila. Siya rin ay naka-green polo, white knee-length shorts, at white vans.
"Matunaw naman ako niyan," bulong sa kaniya ni Mika.
Napangiti siya.
Bumulong rin siya kay Mika.
"Ang ganda mo, Mahal. I love you."
"Bolera!" sabi nito bago pinisil ang ilong niya. "I love you, too."
Narinig nilang tinawag na sila ni Vice kaya pumunta na sila sa loob.
Nagbeso muna sila kay Vice bago sila umupo.
Pagkatapos ng introduction at kaunting small talks ay tinanong na sila ni Vice tungkol sa relationship nila.
"So, ano nga? Kayo na ba?"
Bigla pang lumabas ang screenshots ng tweets nila sa screen noong araw na naging sila.
Nagkatinginan muna sila ni Mika.
"Hindi po," sabay nilang sagot.
"Weeeeh? Di nga? Eh ano 'yang posts na 'yan? Saka na-inform ako na kayo na! Wag niyo kaming niloloko, ah!"
Si Mika ang sumagot.
"Hindi po talaga. Totoong pakwan po kasi 'yang kinakain ko diyan kaya may 'Real'. Ewan ko po diyan kay Ara kung ano 'yang dream niya."
"Dream ko po na makita mag-succeed ang mahahalagang tao sa buhay, kasama na po doon si Mika, kaya noong nagchampion po sila, parehas pong natupad mga pangarap namin," sagot naman niya.
Tiningnan lang sila ni Vice ng nakakaloko.
"Oh, eh ano palang ginagawa niyo dito? Wala naman pala kami mapapala sa inyo. Guard! Guard!" sabi ni Vice na parang nagtatawag nga ng guards.
BINABASA MO ANG
Sailing Alone
FanfictionAfter becoming a world-renowned volleyball player, Mika Reyes returns to the Philippines. A lot has changed over the course of two years.