Pakwan

2K 69 33
                                    

Tinawag naman siya ni Cameron kaya hindi na nakapagprobe ang interviewer.

Hindi naman siya nakasama agad sa pamilya niya ng matagal dahil nga marami pa silang kinailangang gawin as champions.

Isama mo pa na ayaw talaga humiwalay ni Cameron sa kaniya. Ganoon din naman siya dito dahil sinusulit na nila ang mga huling araw na magkasama sila.

4 years. 4 years silang magkasama ni Cameron. She had become a better person and a better player because of Cam. Cam brings out the best in her inside the court. Two best middle blocker awards were made possible by her honey. Nakakalungkot talaga na kailangan na nilang maghiwalay.

She spent most of her time with Cameron kaya ibinilin niya na lang sa pamilya niya at kay Bea na wag muna hahayaan mag-online si Vic.

That night while they were having their team dinner party, lumabas na kasi iyong article tungkol sa interview niya.

Ayaw pa niyang makita iyon ni Vic. Surprise iyon.

Saka na-misinterpret kasi ng iba ang sinabi niya. Akala nila si Bea. Medyo mali.

Pero tama nga naman kasi one of her closest friends si Bea tapos volleyball player naman ito. Siya ang nagkamali. Masyado siyang vague.

Idagdag mo pa na unti ang social interaction nila ni Vic in public or online compared sa kanila ni Bea. Mali talaga.

Pero mabuti na rin siguro na malito muna ang mga tao. Na-extend kasi ang victory tour nila. Instead na one week ay naging two weeks. Gusto niya sana na kung ipapaalam nila ni Vic kung anong meron sa kanila ay magkasama na sila sa Pilipinas.

So better na hindi muna mag-online si Vic. May isa pa naman siyang ibibigay dito. Iyon na lang muna uunahin niya.

Kaya ito na nga siya, maagang nagising at naligo. Nagulat nga siya na wala si Vic sa kwarto nila, eh.

Nasa hotel pa kasi sila. Ang pamilya niya at si Bea ay nasa ibang rooms. Sila ni Vic ang magkasama sa room. May dalawa namang single beds kaya hindi sila magkatabi.

Pagkalabas niya sa bathroom ay naroon na si Vic at may dala itong tray ng pagkain.

"Good morning!" bati nito.

"Good morning," sabi rin niya na nakangiti.

"Daks, nagprepare ako ng favorite breakfast mo, oh. Kain na tayo?"

Sabi nito habang inilalagay ang mga pagkain sa mini table na inilagay nito sa tapat ng bed niya.

Umupo siya sa kama niya.

Tinitigan niya lang si Vic.

Bumilis ang tibok ng puso niya.

Napangiti siya.

Ito na iyon.

"Daks, matunaw ako," namumulang sabi ni Vic.

Ang gandang-gwapo lang may kasama pang ngiti! Para tuloy lalong sasabog ang puso niya.

"Vic, upo ka muna," she patted the space beside her.

Nagtataka man ay sumunod naman si Vic. Magkatabi sila pero magkaharap.

"Vic, tanungin mo na ako."

"Huh? Tanungin ng ano?"

Napailing na lang siya.

"Para matapos na ang panliligaw may itinatanong diba?"

Nakita niya na nag-loading pa sa isip ni Vic ang sinabi niya. Medyo slow po ang taong mahal niya. Pagpasensyahan niyo na.

Sailing AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon