Starting Over Again

1.8K 45 5
                                    

"BF, sa tooo lang, oo, mahal ko pa."

Naramdaman niyang umupo si Jessey sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya na para bang binibigyan siya nito ng lakas. 

"I don't think what I feel for her will completely go away. She is the only girl I've ever loved. No, she's the only person I've loved that much. For that, she will always be special. So I do, I love her."

Mika let out the deep breath she was holding. 

"But I'm also absolutely sure I am no longer in love with her."

The difference between loving someone and being in love with someone was a concept she did not have to explain to Jessey. Ilang beses na nga ba nilang napag-usapan iyon? Masyado ng marami para makalimutan. 

It was the truth. Mahal niya si Vic pero hindi na sa kung paano niya ito minahal noon. 

Bumilis ba ang tibok ng puso niya noong nakita niya ito? Oo. Sumasaya pa rin ba siya kapag nginingitian siya nito? Oo. Na-miss niya ba itong kasama, kausap, at ka-partner sa laro? Oo.

Pero kung gaano kabilis ang tibok ng kaniyang puso ay ganoon rin kabilis ang pagbagal nito at pagbalis sa dating ritmo. 

Masaya siya sa ngiti na ibinibigay sa kaniya ni Vic pero ganoon rin ang saya niya kapag niloloko siya ni Kianna, kapag kinakausap siya ni Majoy, at kapag binibiro siya ni Ate Kim. 

Na-miss niya itong kasama, kausap, at kalaro pero lahat ng ala-ala na bumalik tuwing sila ay magkasama ay mga ala-ala noong sila ay magkaibigan lamang. Na-miss niya ang pagkakaibigan nila at wala nang iba pa.

If anything, she felt confused because she was happy and sad at the same time. Masaya siya na wala na siyang romantic feelings para kay Vic. Pero malungkot rin siya na wala na nga ang kaniyang mga nararamdaman. It was as if she was missing being in love with her. 

She quickly vanished that thought. Masaya siya. Period. 

Nakita naman niya na parang nagdadalawang-isip si Jessey sa pagsasalita. 

"BF, ano yun?" tanong niya. 

"BF, paano pala kung mahal ka na niya? What if she realized that she was in love with you all along and she wants to do something about it?"

Napakunot ang noo niya. 

"BF, anong klaseng tanong yan?"

"Hypothetical lang, BF. You guys have been there before diba? You both were in love pero hindi ka ready. And then, you fell in love with her. What if ganoon din siya? This time siya naman ang in love sayo? Anong gagawin mo?"

Anong gagawin niya? Ano nga ba? Nadismaya siya kasi ilang beses ba niyang hiniling noon na sana siya na lang ulit ang mahal ni Vic? Ilang beses ba niyang inisip kung paano niya tatanggapin ang apeksyon nito kapag sa kaniya na ito nakatuon? Hindi na mabilang. Ngunit ngayon, hindi na nga niya maisip ang ganoong sitwasyon. 

"BF, if that happens, don't you think it happened one too many times already to be a case of wrong timing? Maybe it's just not meant to be."

"Pero BF, what if ligawan ka niya? Will you give her a chance? Don't you think you can fall in love with her again?"

Humiga na si Mika sa kama niya. Sumasakit lang ang ulo niya sa usapan nila. Sinagot pa rin niya si Jessey para matapos lang. 

Sailing AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon