Magdamag silang gising ni Mika para sagutin ang mga tawag ng pamilya at kaibigan. Marami rin ang ginusto na i-defend si Mika pero dahil alam niyo naman si Mika, hindi pumapatol sa ganiyan, pinagsabihan niya ang lahat na huwag.
At mag-away na sila ni Mika kung mag-aaway pero hindi siya tatahimik lang at hahayaan ang mga tao na kung anu-ano ang sabihin kay Mika. Hindi talaga.
Pero paano ba naman siya makakakilos kung ayaw siyang paalisin ni Mika sa tabi nito. Yinakap na lang niya ito mula sa likod habang busy ito sa pakikipagtext at usap sa mga kakilala.
Nagulat na lang sila noong magperiscope si Bea.
"Hi, everyone! Bea de Leon here!" Bea said in the video.
"Oops. Wait. Don't call me, Bae. I am not gonna answer."
She seemed to be ending a call on her phone's screen.
"Okay. So first of all, Bae, I am not defending you. You said bawal diba? I'm just clearing up my name," Bea just looked at the video and smiled.
"So, yeah. I just wanna clear it out with everyone that I have never cheated on any of my previous relationships. Definitely not with Mika Reyes and I was never in a romantic relationship with her," Bea sighed. "I think it's really sad that you find it hard to believe that two people can be just great friends and live under the same roof without anything romantic or physical developing between them, even if they can actually be in a relationship. If you don't have that one friend who will always be there for you despite everything just as a friend, I pity you. Wag niyo na lang kaming idamay ni Mika. Because that's what we have."
Bea was all serious as she said those. But she smiled sheepishly before talking again.
"And for the record, my ex and Bae have a pretty solid friendship. Lagi ngang kinakampihan ni Bae si ex, eh. Parang hindi ako ang best friend. Tsk. Yun lang. Have a nice day, guys!"
Bea ended the video.
Naramdaman na lang niyang nailing si Mika habang sinusubukan ulit tawagan si Bea. Pero hindi talaga siya sinagot ni Bea.
"Ugh. Ang sakit sa ulo talaga ng de Leon na iyon!" iritang sabi ni Mika.
Napangiti na lang siya. Ayaw talaga ni Mika na may magreact pa sana sa video pero kahit paano ay siya naman ay natuwa kay Bea. Sige na. Pwede na silang maging magkaibigan ni Bea. Sabi naman ni Bea friends lang sila ni Mika, eh.
Humiga na lang siya sa couch at iniaayos ang kamay niya bago niyaya si Mikang humiga sa mga bisig niya.
Humiga naman si Mika at yumakap sa kaniya.
"Buti nga ginawa iyon ni Bea, eh. Saka di ka naman niya dinifend, Mahal."
Bigla naman siyang pinitik ni Mika sa ilong. Aray!
"Tigil-tigilan mo ako, Victonara, ah. Alam kong kanina mo pa rin gustong may gawin. Wag na wag mong masubukan!" banta ni Mika sa kaniya kaya napa-pout na lang siya.
Inangat naman ni Mika ang ulo niya at binigyan siya ng pagkatamis-tamis na halik sa labi.
"Stop pouting. Masyado ka ng magandang-gwapo sa paningin ko."
Ngumiti naman siya at nagnakaw pa ng isang halik bago sunud-sunod na tumunog ang phone ni Mika.
Pagtingin nila ay series of tweets mula sa mga teammates ni Mika sa USA ang bumungad sa kanila.
Si Cameron ang nagsimula.
Cameron Sutter @cameron_sutter
Look at her. Yes, she really is like that. ALL THE TIME. #ClingyAF
BINABASA MO ANG
Sailing Alone
FanfictionAfter becoming a world-renowned volleyball player, Mika Reyes returns to the Philippines. A lot has changed over the course of two years.