Loving Her Back

2.5K 52 29
                                    

(A/N: The excerpt from the chapter 'Feelings' is now an official part of this story. The story continues from there.)

Naghihikab pa si Mika habang nagluluto ng makakain nila ni Bea. Masakit pa ang ulo niya dahil sa jetlag at puyat. Buong gabi siyang nakikipag-usap because of that damned video.

She had to calm Vic down pa. Nagalit ito na nasampal siya. Nagselos ito na sa condo siya ni Bea tumuloy kahit na ang mga gamit niya ay nasa sarili na niyang condo. (Yes, may condo na siya. One of her investments simula noong pukunta siya sa U.S.) Nag-alala pa daw ito na baka kung ano ang gawin ni Bea sa kaniya.

Napakalma niya lang ito noong medyo nagalit na rin siya kasi gising pa ito ay may game pa sila. Sinabi na lang niya na manunuod siya ng game kaya dapat matulog na ito.

So, yeah, her head hurts as fuck pero kailangang kumilos. Anytime pwede magising si Bea at marami pa silang pag-uusapan.

Naisip naman niya kung gaano kabilis lumipas ang panahon at ang mga pangyayari.

-

It has been over a year and two months since Vic started courting her.

Vic never failed to make her feel special and loved kahit na malayo pa ito. Aaminin niya noong simula ay ayaw niya talaga maniwala dito and she kept waiting for the time that Vic would decide to just stop. That's why she didn't let Vic inside her heart for the first few months of their courtship.

Ang hirap lang na hindi paniwalaan si Vic habang lumilipas ang panahon. Lahat ng ginagawa at sinasabi nito ay ramdam niya ang sinseridad.

Kahit nga nasasaktan ito ay hindi ito nagreklamo. Kahit noong panahong hanggang pagkakaibigan lang talaga ang ipinararamdam niya dito ay hindi ito sumuko. At alam niyang nasasaktan ito. Alam niya kung gaano kasakit ang magmahal ng taong hindi kayang suklian ang pagmamahal mo.

Vic loves her. Never siyang binigyan nito ng rason para pagdudahan ang nararamdaman nito sa kaniya. Never. Until now.

Bang posted a picture of her and Vic seemingly on a date. Silang dalawa lang sa picture at mukhang masaya pa ang mga ito.

Binalot ng takot, selos, at sakit ang puso niya. Sakit at selos sa nakita niya. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon kung kailan she's letting herself fall in love with Vic again? If she's gonna be honest about it, she has fallen already. May reservations lang. Takot na masaktan pa siya lalo. Takot na baka nagkakamabutihan or magkamabutihan na ulit si Vic at Bang. She just doesn't know what she'll do if Vic breaks her heart again. Ayaw niyang isipin.

Just some minutes after the picture was posted, she saw Vic's name on her phone. She didn't answer the phone.

Ayaw niyang kausapin ito. Magpapaliwanag ito or baka sasabihin sa kaniya na mahal na ulit nito si Bang dahil hindi na siya nahintay. Either way, ayaw niyang marinig. Hindi siya handa.

For the first few hours, Vic tried to contact her by any means possible. Kahit through their friends. Wala siyang sinagot sa mga ito.

After noon ay tumugil na ito. Alam niya na busy ito sa training dahil may nalalapit itong do-or-die game. Talo kasi sila sa game 1 ng conference finals.

Sailing AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon