Huge Gap

1.6K 49 10
                                    

Nauna kaming dumating dito sa San Juan Arena. Sumilip ako bago pumunta sa dugout. Marami na rin palang tao. Ramdam na ramdam pa yung excitement nila.

Hindi open to public yung laro ngayon. In fact, requested kasi talaga ng Team USA na volleyball players lang at coaching staff ang pwedeng manuod. So, yeah. UAAP, NCAA, professional volleyball players at piling mga kabataang manlalaro lang ang makakapanuod ngayon.

Hindi rin televised pero allowed naman ang media to take pictures and video clips. Hindi lang sila allowed na ipalabas yung buong laro. Hindi kasi official game at hindi rin naman against the official team Philippines yung laban kaya yun ang naging kondisyon ng Team USA.

Sayang nga eh. Two weeks lang kasi yung notice na naibigay samin kaya hindi naayos yung papers at lahat ng kailangan para maging Team Philippines vs. Team USA talaga yung laban. Pero kasama si Alyssa at si Jaja sa team kasi requested din sila ng Team USA.

So parang team PH na rin kasi ang mga nasa team ay ako, si Alyssa, Ate Cyd, Ate Aby, Ate Cha, Kimmy, Kianna, Majoy, Jaja, at Dawn. Lahat naman kami ay part ng team PH.

Sa totoo lang tahimik lang kami sa dugout. Lahat kami kabado. Siyempre ayaw namin mapahiya pero siyempre alam din namin na malakas talaga mga kalaban namin. Uulitin ko pa ba? World champion eh.

Nakinig lang kami sa mga habilin ni Coach Ramil at ng ibang coaches tapos ay lumabas na kami sa arena.

As soon as nakita ko yung team USA ay unang hinanap ng mga mata ko si Mika.

Ang ganda niya. Ang ganda rin ng ngiti niya. Pero nakakainis na para na naman kay Cameron yun. Grrrrrr. Tsaka hindi rin bagay sa kanya yung blue at white na uniform niya. Hello? Green. Green ang bagay sa kaniya.

Lahat kami ay nagwarm up na. Tahimik lang rin ang mga taong nanunuod. Lahat sila tutok na tutok sa ginagawa ng Team USA. Learning opportunity rin kasi ito sa lahat ng nandito.

Noong magsisimula na ang laro ay kinausap na kami ni Ate Cha.

"Guys, relax lang. Kaya natin 'to. One point at a time, okay?"

"Okay!" Lahat kami ay sumang-ayon.

Tumingin ako sa kabilang side at pilit na pinakinggan ang sinasabi nila. Oo na. Tsismosa lang.

"Alright, Reyes, show them what you got! You're our star player for today," their team captain, Nikki, said.

Grabe namang pressure yun. Hinihintay ko ng magreklamo si Mika.

"Got it!" reply ni Mika.

Napangiti ako. Iba na nga siya pero mukha namang maganda ang pagbabago niya. Mas lumakas pa ang fighting spirit niya.

Unang nagserve si Alyssa pero madali lang itong nasalo ng libero nila. Naghanda na ako at pinagmasdang mabuti ang setter nila. Kayang kaya namin ni Majoy iblock 'to.

Pumito na ang referee at nakuha na ng USA ang first point. Nagkatinginan kami ni Majoy. Shit. Ang bilis.

Sobrang bilis ng pagkakaset ni Cameron ng bola. Tatalon pa lang kami ay naispike na ni Mika ang bola. Grabe namang quick set yun.

"Guys, focus lang. One point lang yan," sabi ni Alyssa.

Service na nila. Nasa harap pa rin namin si Cameron at Mika. Nakita kong ginawa nila yung trademark fist bump nila. Una ay parang sinusuntok muna nila yung palad nila, yung parang naghahamon ng away, tapos tsaka sila magfifistbump.

Nagkatinginan naman kami ni Mika at ngumiti siya sakin.

Fvck. Yung puso ko. Ang bilis ng tibok.

Sailing AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon