Courting

1.9K 54 39
                                    

"Vic?" Narinig niyang sabi ni Mika.

Pawis na pawis ito at hinihingal. Nakakapit pa ito sa pintuan na binuksan gamit ang sariling susi.

"Daks, pawis ka na. Bakit ba kasi parang tumakbo ka?" sabi niya pagkatapos magpunas ng kamay.

Naghahanda na kasi siya ng dinner nila.

Lumapit siya kay Mika at kinuha ang gym bag nito. Inalalayan rin niya ito papunta sa couch.

"Did you talk to Zach?" naghahabol na hininga nitong tanong at mahigpit na nakahawak sa braso niya.

"Oo."

"Shit. So that message?"

Ngumiti lang siya.

Zach posted that message on Twitter, nakascreen shot siyempre. Mas naintindihan niya kung saan nagmumula ang best friend ni Mika at na-appreciate niya na ipinaalam nito sa kaniya kung anong iniexpect sa kaniya at kung ano ang dapat niyang iexpect.

"Shit talaga. Sorry, Vic. I'll talk to him," mahinang sambit ni Mika sa kaniya.

"Wala ka namang dapat ihingi ng tawad eh. Ako ang dapat magsorry. At wag na, Daks. I have to prove myself to him. Kailangan ko ang approval niya at paghihirapan ko 'yun."

"Vic, pinagpaplanuhan niya ang sadya kang saktan. Hindi naman dapat ganoon. Always return kindness nga diba? At anong approval? Zach will always respect my decision naman. Hindi na kailangan ng approval o magkasakitan."

"Daks," ngumiti siya na may lungkot. "Kailangan ko ang approval niya. Alam ko naman 'yun. Kasi kung magmakaawa siya sayo na layuan ako, alam ko naman na wala akong laban doon."

"Vic," bulong ni Mika.

Tinignan niya ito sa mata. Tinignan din siya nito. Ngunit umiwas din ito.

With that simple gesture, alam niya na tama siya. Sino nga naman ba kasi siya? Ano ang laban niya sa taong hindi ito iniwan? Sa taong kapakanan lang nito ang iniisip?

Lumakad na siya palayo dito papunta sa kusina para hindi nito makita ang sakit at ang luha na pinipigilan niyang kumawala.

Pagharap niya dito ay nakangiti na ulit siya. "Kain tayo? Nagluto ako ng mga paborito mo."

Mabilis naman itong lumapit at nakita niya ang pagningning ng mga mata nito.

"Wow! Ang bango naman! Salamat! Papatabain mo ako eh!"

Natawa naman siya.

"Siyempre naman! Hindi lang kita bubusugin sa pagmamahal, pati na rin sa pagkain!" nginitian niya ito ng pagkalapad-lapad.

Namula nang medyo slight lang si Mika. Bago siya binelatan. "Ewan ko sayo!"

Kumain sila. Alagang-alaga niya si Mika. Nagkwento naman si Mika tungkol sa araw nito at siya ay nakinig lang. Masaya na siya na marinig ulit ang pagiging madaldal ni Mika.

Pagkatapos nilang kumain ay nanood lang sila ng series sa laptop niya. Wala kasing TV sa apartment na 'yun eh. Pagkatapos ng isang episode ng The Big Bang Theory ay pinagsabay na ni Mika ang paggawa ng paper at panunuod. Siya naman ay nanunuod rin. Pero si Mika ang pinapanuod niya nang pasimple lang. Para hindi creepy.

Sailing AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon