Her Decision

2K 39 14
                                    

Hindi na siya bumalik sa room nila. Nagmukmok lang siya hanggang mag-umaga na.

Noong medyo mataas na rin ang sikat ng araw pero wala pa ring lumalabas na mga kaibigan niya ay tsaka pa lang siya bumalik sa kwarto nila para maligo. Nakita niya naman na mahimbing pa ang tulog ng mga kasama niya sa kwarto.

Alam niya na may tama sa pag-iinom sina Majoy at Kim kaya ganiyan. Pero nainggit at nasaktan lang siya noong maisip niya na wala na nga siguro siyang halaga kay Mika kung kaya nitong matulog pagkatapos ng nangyari.

Tinagalan niya ang paliligo. Muli niyang itinago ang mga luha niya sa likod ng tubig na umaagos sa buong katawan niya.

Paglabas niya ay nakita niya namang gising na silang lahat.

Tinignan lang siya ng bahagya ni Mika bago ito umiwas ng tingin. Ganoon na lang rin ang ginawa niya para hindi maalala ang sakit.

Pagtingin niya kay Kim at Majoy ay halata ang pagtataka sa mga mukha nito pero hindi na lang niya pinansin.

Habang naghahanda naman sila ay nahiga na lang siya sa kami ni Kim. Nasa baba kasi ang kama nito at bigla naman siyang nakaramdam ng pagod.

Ramdam na ramdam ang bigat ng atmosphere dahil wala talagang nagsasalita.

Sakto naman na pagkatapos na pagkatapos nilang maghanda ay bumungad sa may pinto nila si MotherF niya.

"Girls, baba na tayo. Nakahanda na ang pagkain," sabi nito.

Ngumiti at tumango naman sila. Bumangon na siya para sumunod  nang bigla siyang pigilan ni Kim.

"Ay, ate Aby. Sunod na lang kami ni Wafs. Magpapatulong lang ako," sabi ni Kim sabay kindat.

Lahat naman sila ay napangiti kasi alam na nila ang ibig sabihin noon.

Lumabas na nga sina Aby, Majoy, at Mika.

Hindi man lang lumingon si Mika bago ito lumabas. Ang sakit lang.

Wala, eh. Ganoon talaga. ALam naman niya na sa kaniya na dapat magmula ang first move. Pero alam niya na kapag lumapit siya kay Mika ay dapat tanggap na niya na hanggang kaibigan na lang sila at hindi pa niya kaya iyon sa ngayon.

Kailangan pa niya ng kaunting panahon at lakas ng loob. Pero sisiguraduhin niyang bago matapos ang araw ay magiging okay na sila. Kahit kaibigan lang, okay na siya kesa wala siya sa buhay ni Mika completely.

Tinapik naman siya ni Kim at humarap na siya dito.

"So, anong plano for ate Cyd?" tanong niya na nakangiti kasi masaya siya para sa kaibigan niya.

"Loko! Palusot ko lang 'yun. Anong nangyari sa inyo?" tanong ni Kim sa kaniya.

"H-ha?"

"Don't me, Wafs. Hindi ka naman magmumukhang zombie na namamaga ang mata kung walang nangyari."

Napagbuntong-hininga siya.

Ikinuwento niya ang nangyari kay Kim. Nakagaan naman sa pakiramdam niya na may napagsabihan na siya. Buong-buo naman ang tiwala niya kay Kim kaya inalabas niya lahat ng saloobin niya.

"So, anong plano mo?" tanong pa rin ni Kim.

"Anong anong plano? Hindi ka ba nakikinig? Wala na nga diba? Hindi na niya ako mahal," malungkot niyang sabi.

"Susuko ka na lang ulit?"

"Kimmy, sinubukan ko na. Ano pa ba pwede kong gawin?"

"Magpursigi? Magpumilit? Wag sumuko?"

"Ano???"

"Ewan ko lang, Wafs, ah. Nakakalungkot lang na lagi kayong ganiyan. Noong una, nagsettle kayo sa friendship. Parehas kayong sumuko. Sunod, siya naman ang sumuko at umalis pa ng bansa para irespeto ang relasyon mo. Ngayon naman, susuko ka na at hahayang umalis siya ulit."

Sailing AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon