Loving Her

2.1K 50 37
                                    

@#*&!?#! Kung pwede lang talagang magback out ay ginawa na niya. Kung may karapatan lang siya, hindi niya talaga papayagang lumabas si Mika na ganoon ang suot niya.

Mika was wearing a black dress that hugged her curves in all the right places. Hot. Sexy. Seductive without trying. Damn.

Jho was wearing a simple red dress which made her look good, too. Sila naman ni Bea ay mas pinili na mag tank top at shorts.

They all look good pero si Mika talaga ang pinakakinakabahan siya. Siguradong maraming atensyon ang makukuha nito. Huwag na huwag lang siyang makakita ng taong titingin dito nang may pagnanasa dahil baka makasapak siya ng wala sa oras.

"Daks, sure ka 'yan ang susuotin mo?" tanong niya dito.

Nasa apartment sila nina Zach. Doon kasi sila nag-ayos.

"Oo sana. Bakit? Pangit ba?" tanong ni Mika bago humarap sa salamin.

"No, Bae, it really looks good on you. You look so hot!" sabi naman ni Bea na kakalabas lang sa kwarto ni Mika. Kasunod naman nito si Jho.

"Oo nga, Boo! Pak na pak!" sabi naman ni Jho.

Napalunok naman siya kasi tinitigan lang siya ni Mika nang may pagtataka.

"Ah, eh, oo, Daks. Ang ganda mo. Baka lang kasi hindi ka maging kumportable doon."

"Tss. You're just scared of all the attention Bae might attract," nanunudyong sabi ni Bea.

She clenched her jaw at hindi na lang sumagot. Mauuwi lang sila sa pagtatalo.

"Anuna? Hindi pa ba tayo aalis?" bigla namang putol ni Jho sa titigan namin ni Bea.

Yumakap rin ito kay Bea sa gilid kaya napaharap at napayakap din si De Leon dito.

"Let's go! Mukhang excited na si Boo, eh," yaya ni Mika.

Umalis na rin sila pagkatapos.

Pagdating niya sa bar ay tama nga ang hinala niya. Maraming napapatingin sa kanila. Lalo na kay Mika. Gusto niya na talaga hilahin palayo doon si Mika pero hindi naman pwede.

Ang spot na nakuha nila ay malapit sa isang corner. They ordered their drinks. Alcoholic ang in-order ni Bea para sa kanilang tatlo pero hindi kay Mika kasi ito ang magddrive sa kanila. Isa pa, hindi talaga mahilig uminom si Mika. Ayaw kasi nito ang nalalasing.

Pumunta sa dance floor ang JhoBea at naiwan sila. Sa totoo lang ay plano na rin niya itong yayain magsayaw pero kumukuha pa siya ng lakas ng loob.

Last time kasi na nasa bar silang dalawa, alam niyo na kung anong nangyari. Malamang ay iyon rin ang nasa isip ni Mika kaya medyo awkward noong naiwan sila.

Hindi niya napansin na nakatapos na nang kanta dahil ang sunod niyang namalayan ay yinayaya na ni Bea na sumayaw si Mika. Kaya iyon na nga, wala na siyang nagawa kundi sundan ang mga ito ng tingin.

Kung pwede niya lang patayin sa titig ang De Leon na iyon ay ginawa na niya. Kinakain ng galit at selos ang puso niya.

Paano ba naman kasi ay noong simula ay magkaharap lang sumasayaw ang dalawa. Ngunit noong mapansin ni Bea na nakatingin siya sa mga ito ay inalagay nito ang mga kamay niya sa waist ni Mika. So si Mika rin ay humawak sa shoulders ni Bea. May paikot-ikot pang ginagawa ang mga ito.

Sa sobrang sakit sa mata at sa puso ng nakikita niya ay tiningnan na lang niya si Jho. Nakita niya naman na taimtim ding nakatingin ito kina Bea.

"Jho," tawag niya dito.

Tumingin ito sa kaniya.

"Po?"

Buti pa ito iginagalang siya kahit na hindi naman talaga nagkakalayo ang edad nila. Hindi katulad noong kasama nitong asungot.

Sailing AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon