Date

2K 59 31
                                    

"So what now?" tanong ni Bea.

Kakatapos lang nilang kausapin sina Cameron, mga magulang ni Mika, magulang niya, at mga patolang kaibigan nila para pagsabihan ang mga ito kung ano ang pwedeng mangyari at na wag magrereact kapag nagkataon.

Nakaupo siya sa couch ni Kim at nakaakbay kay Mika dahil nakasandal sa kaniya si Mika. Ang isa pa naman niyang kamay ay pinaglalaruan ang mga daliri ni Mika. Hindi siya makapaniwala na kahit na ganoon ang nangyari ay ito pa rin sila at mahal na mahal ang isa't isa.

Si Jessey naman ay katabi ni Mika sa kabilang side. Si Bea at Kim naman ay sa sahig nakaupo.

"Hmmn. Siguro instead na iniisip mong hiwalayan ako, i-date mo na lang ako," sabi ni Mika na nakangiti sa kaniya.

"Sama ako!" singit naman ni Bea.

Bago pa siya maka-react dahil ayaw niyang maki-third wheel na naman sa kanila si Bea ay nakasagot na si Mika.

"Sige," nanlumo siya sa sagot ni Mika. "Basta kasama si Jho."

Natawa siya ng bahagya. Hindi na talaga sasama si Bea for sure.

"You could have just said you didn't want me to come," Bea said with a pout. Hindi naman cute.

"I did not say that. I said you could go as long as Jho's with you. Double date tayo."

"Same difference."

Napasingit si Jessey.

"Grabe ring magpakipot 'tong de Leon na ito, eh."

"Excuse me. I'm not pakipot. I'm just being cautious. I learned that from Bae."

Binato naman ni Mika ng unan si Bea. Sapul sa mukha! Yes! Galing talaga ng mahal niya!

"Gaga! Hindi ko naman sinabing paabutin mo rin ng dalawang taon ang panunuyo ni Jho sayo! Idol na idol mo ako?" naiiritang tanong ni Mika.

Ever since kasi nakabalik si Bea dito sa Pilipinas ay parang nililigawan na siya ni Jho pero mukhang gago lang si Bea sa lahat ng pag-iwas at pagpapakipot niya.

"Hey! You can't blame. I got hurt bad. I just want to make sure she really will stay this time," Bea said sadly.

Everyone turned quiet.

"Testing her is one thing. But being a douche about it is another," Mika replied.

Bea did not have a come back.

Lately kasi medyo nagiging unreasonable na si Bea. Alam ni Mika na si Jho ang nagkamali noon pero more than anyone, si Mika rin ang nakakaalam ng pinagdadaanan ni Jho ngayon dahil sa kaniya nagcoconfide si Jho. At sabi ni Mika na kung sa effort at love lang rin naman daw, Jho deserves another chance.

Bago pa lumala ang sitwasyon ay nagyaya na siyang umalis.

"Drama na naman? Tama na nga 'yan. Alis na tayo, Mahal."

Nagpaalam na nga sila at kahit na nagkasagutan si Mika at Bea ay nagbati rin naman agad ang mga ito noong yumakap si Bea kay Mika. Pinagbigyan niya na lang.

Umalis na nga sila ni Mika ng magkahawak ang kamay. Kotse na lang niya ang ginamit pagpunta sa megamall.

Pagdating nila sa megamall ay akala niya ay hindi na hahawakan ulit ni Mika ang kamay niya. Pero pagkalabas pa lang ng kotse ay pinagsama na ni Mika ang mga kamay nila kaya naman napangiti siya at lumundag ang puso niya. Hinigpitan niya lalo ang hawak niya sa kamay ni Mika.

First time nila lalabas ng magkasama sa mall at na may kaunting public display of affection. Pero sa ngayon ay wala siyang pakialam kung may makakita o makakilala sa kanila. Gusto niyang ipagsigawan sa mundo na mahal na mahal niya si Mika kahit na sa mga simpleng kilos lang.

Sailing AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon