"A video was posted online, I think," sabi ni Cameron pagkatapos niyang magkwento.
Oo. Nakita naming lahat yung video na iyon. Nagsimula na yung video sa part na may isinusulat si Mika doon sa banner.
Alam na alam ko yung video na yun. Ilang beses ko na nga bang pinanuod yun? Hindi ko na alam. Hindi ko na mabilang.
Paulit-ulit kong pinanood. Paulit-ulit rin akong parang pinapatay habang ginagawa ko yun. Akala ko ay kasiyahan ang maidudulot sa akin ng video na yun kasi sa wakas, may video na ni Mika na mas personal na akong mapapanuod. Hindi lang puro volleyball. Pero mali ako.
Nasilayan ko nga ulit ang kaniyang mukha, ang kaniyang ngiti, at ang kaniyang nga kilos na nagpapakitang para siya pa rin ang Mika na kilala ko, ang Mika na best friend ko, ang Mika na mahal ako. Pero mali ako.
Sa isang pangungusap, gumuho ang mundo ko. Tumulo ang mga luha ko. Nagising ako sa katotohanan na hindi na siya katulad ng dati. Malayo na ang kaniyang narating at hindi ako kasama sa mga iyon.
"We are not the best tandem anymore but... I'd like to think that we once were."
We once were. Past tense. Parte na lang ako ng nakaraan niya. Nakamove on na siya. Kasi ang Mika na kilala ko ay hindi magbibitaw ng mga ganoong salita kung may puwang pa ako sa buhay niya. Mananahimik lang siya o kaya ay sasabihin sa mga fans niya na wag silang mag-alala dahil okay kami. Pero hindi, patapos ang mga binitiwan niyang salita.
Paulit-ulit kong pinanood yun at pinilit tanggapin na tapos na kami. Hindi pa man kami nagsisimula, lagi na lang mali ang timing, ay tapos na kami.
Pero pinigilan ako ni Kimmy. Susuko na naman daw ba ako? Mag-aassume? Hanggang doon lang daw ba ang pagmamahal ko?
Hindi. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Hindi ako susuko. Walang bibitaw. Napagdesisyunan ko na hangga't hindi sinasabi sakin ni Mika na huli na ang lahat, na wala na akong puwang sa puso niya, hinding hindi ako susuko. Ako naman. Ako ang may dapat patunayan.
"GRABE!" pagod na sabi ni Mika habang umupo ulit sa pwesto niya.
Susubo na siya ng pagkain pero bigla ulit tumunog ang cellphone na ibinigay sa kaniya ng Mommy niya. Tiningnan niya ito ng masama na parang napakalaking kasalanan ang nagawa sa kaniya.
"Sorry po. Kakain muna ako," sabi na lang niya at tinanggal ang battery ng cellphone.
Lahat kami ay tumawa sa ginawa niya. Ito talagang si Ye, hindi magpapapigil kapag pagkain ang usapan.
"Hahaha. What did you expect? It's a wonder you still have time to breathe considering you're only gonna be here for two weeks."
"Two weeks?!"
"Ano?!"
Lahat kami ay napasigaw. Napatingin na rin samin ang mga tao sa ibang table pero parang alam na naman nila kung anong ikinagulat namin.
"Oo, eh. Kailangan ko pa kasing asikasuhin yung Master's ko. I wasn't able to attend to it during the league. I got lucky that they're letting me handle it now."
"Pero ate Ye, may bonding time naman tayo doon sa two weeks na iyon?" tanong ni Kianna.
"Oo naman. I'm all yours next Friday until Saturday morning."
"Overnight lang? I guess that's better than the dinner party we got before you suddenly left us."
Tinitigan ko lang si Mika. Alam kong nakikita niya ang inis sa aking mukha. Walang makakapagsabi sa akin na wala akong karapatang magalit dahil hindi naman sila ang biglaang iniwan sa ere.
BINABASA MO ANG
Sailing Alone
FanfictionAfter becoming a world-renowned volleyball player, Mika Reyes returns to the Philippines. A lot has changed over the course of two years.