Ako nga pala si Aisha Zhane Salcena, at may isa akong sikreto. Maliban sa mga magulang ko, wala nang ibang nakakaalam nito, nakakakita kasi ako ng mga demonyo at kung anu-ano pang anyo ng ibaba.
Syempre, bilang isang tao, matatakot ka at iisipin mo kung bakit binigyan ng ganitong klase ng pahirap, pero hindi eh, imbes na ako ang matakot sa kanila, sila pa ang natatakot sa akin, at hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganun sila tuwing nakikita nila ako o natitignan ko sila.
Kahit saan ako lumingon ay nandoon sila, at sa tuwing napapadpad ang mga mata ko sa kanila, agad silang umiiwas at nawawala bigla. Nakakapagtaka, pero hindi ko na lang masyadong inaaalala.
Ngunit, pagkasapit ng ika-labing walo kong kaarawan, nawala nang biglaan ang kakayahan kong makakita ng mga demonyo, bakit? Wala akong ideya, pero siguro mabuti na rin 'yon diba? At least, wala na ako masyadong ipaga-aalala na abnormal ako.
Pero sa hindi ko maintindihang dahilan ay kinakabahan ako, pakiramdam ko ay pagkatapos ng pagkawala ng kakayahan kong ito ay may kapalit naman na iba.
Sana mali ang kutob ko..
Pero.. pakiramdam ko ay may darating na malupit na bagyo.
BINABASA MO ANG
Sinful Love
VampireHighest Rank: #178 in Vampire Si Aisha Zhane Salcena ay walang alam. Hindi niya alam kung bakit siya nakakakita ng mga kakaibang nilalang, at mas lalong hindi niya alam kung paano ito nawala bigla. Nagulat na lang siya nang may dumating na bagyo sa...