Aisha's POV
Natawa ako dahil sa inasal ni Storm, "Halika na nga at umuwi na tayo, gusto kong magpahinga" sabi ko.
"Sumama ka na rin muna sa'min, Jarrett. Masyado nang gabi at 'di ko dala 'yung susi ng bahay ko ngayon" dagdag ko, tumango naman si Jarrett.
Tinignan ko si Storm kung may ayaw ba siya sa sinabi ko, "Okay lang ba sa'yo, Storm?" tanong ko, "Ayos lang basta ikaw ang nag-sabi" hirit niya.
Naka-ngiting umiling-iling na lang ako, "Sasakay ba tayo ng jeep o ano?" tanong ko kay Storm, nagulat ako nang biglang tumingin siya sa'kin na naka-ngisi.
"Sa palagay ko ay panahon na upang turuan ka kung paanong gamitin ang iyong kapangyarihan" sabi niya, naguluhan naman ako. "Ngayon? As in, ngayon na?" tanong ko.
"Gusto kitang turuan, para sa susunod na kailanganin mo ang kapangyarihan mo ay hindi ka na mawawala uli sa iyong sarili" sabi niya, sumimangot naman ako, "Bakit ngayon pa eh gusto ko na ngang mag-pahinga?" pagmamaktol ko.
Mahina siyang tumawa, "Alam ko, at sa paraang ito ay hindi ka talaga mapapagod" sabi niya.
I tilted my head to the side, "Puro lampungan naman kayo, inaamag na 'ko dito" biglang reklamo ni Jarrett.
"'Wag kang magulo dyan, tao. Mag-hintay ka lamang" inis na sabi ni Storm na ikina-ngiti ko.
Parang bata naman 'tong dalawang 'to, nakakatuwa naman.
Tumungtong si Storm sa bintanang binasag niya kanina, "Halika, Zhane" sabi niya habang nakalahad ang kamay niya sa'kin.
"T-Teka.. papatalunin mo ba ako dyan?" natatakot kong tanong, tumawa siya, "Hindi, e'to ang ituturo ko sa'yo" sabi niya.
Bigla siyang tumalon mula sa bintana at sumilip ako sa labas kung saan siya napunta, pero nandoon lang siya sa harapan ko at lumulutang.
"Bilang hangin ang kapangyarihan ko, kaya kong pagalawin ito sa aking nais. At 'yon ang dapat mong matutunan" simula niya.
Nagpa-balik balik siya sa ere, "Sa'yo, ang kapangyarihan mo ay apoy.. at naaalala mo ba noong unang beses mong magamit ang kapangyarihan mo?" tanong niya.
'Yung parang may pakpak ako na apoy? 'Yun ba 'yung sinasabi niya?
Tumango ako nang maalala ang sinasabi nito, "'Yun ang abilidad mo. Magagamit mo 'yon upang lumipad" sabi niya, bigla naman akong na-excite. Pangarap ko kasi talagang makalipad, lahat naman diba?
"Sabihin mo 'to, 'Ignis, agit meus eris et enutries me sperabunt'" sabi niya, naguluhan nanaman ako.
"Ano bang lenggwahe 'yan? Ngayon ko pa lang kasi narinig 'yan eh" sabi ko, "Latin ang aking ibinibigkas, Zhane. Kung gusto mong tuluyang mapasunod ang iyong kapangyarihan, kailangan mong matutunan ang lenggwaheng sinusunod nila" sagot niya.
Napalunok ako sa sinabi niya. Jusko! Latin?! Kaya ko ba 'yan?
"Basta, subukan mo na lang muna" naka-ngiting sabi niya, bigla namang napanatag ang loob ko nang makita ko ang ngiti niya.
BINABASA MO ANG
Sinful Love
VampireHighest Rank: #178 in Vampire Si Aisha Zhane Salcena ay walang alam. Hindi niya alam kung bakit siya nakakakita ng mga kakaibang nilalang, at mas lalong hindi niya alam kung paano ito nawala bigla. Nagulat na lang siya nang may dumating na bagyo sa...