Storm's POV
"Wooow! Seryoso? Marunong ka magluto?" tanong sa'kin ni Zhane, tumango naman ako.
"Diba nga dito ka nakatira dati? Ako nagluluto ng pagkain mo noon" sagot ko, tumingin siya sa'kin na para bang naguguluhan siya. Ah.. dapat 'di ko muna sinabi 'yon.
"Tara na, 'dun tayo sa lamesa para makakain ka na" I said to keep her from being confused.
Tumango naman siya at sumunod sa'kin papunta sa hapag kainan. "Hala! Paborito ko 'to ah, hamon tsaka itlog" excited niyang sabi.
Napangiti ako, natutuwa ako 'pag nakikita ko siyang excited eh. "Sige na, kumain ka na" sabi ko, umupo naman siya tapos tinabihan ko siya.
Pinapanuod ko lang siyang kumain, parang stalker tuloy ang dating ko. Bigla siyang tumigil sa pag-kain at tumingin siya sa'kin.
"Nga pala, p'ano na 'yung trabaho ko?" tanong niya sa'kin, "Trabaho? Nagta-trabaho ka?" balik-tanong ko.
"Ay, oo. Kaya nga kita nakita kagabi eh, galing kasi akong trabaho, kaya nga ganito 'yung damit ko" sagot niya, tumango-tango naman ako. "Aahh, kaya pala.."
"Tungkol 'dun sa trabaho mo.. sa palagay ko, ayos lang naman kung magta-trabaho ka pa rin, kung gusto mo ay sasamahan pa kita" naka-ngisi kong sabi.
Nakita ko ang pagpula ng pisngi niya, "A-Ano ka ba Storm! 'Di mo naman na ako kailangang samahan" sabi niya, "Alam mong hindi ako papayag na aalis kang mag-isa, kaya hayaan mo na lang ako, Zhane. Mas gusto ko 'yung nababantayan kita at malapit lang ako kung sakaling may mangyaring masama" litanya ko.
Bahagya siyang sumimangot ngunit sa huli'y tumango na lamang, "Sige na nga, ayoko rin naman kasi may bigla na lang humihipo sa'kin" reklamo nito.
Napadilat ako, "ANO?! May nanghipo sa'yo?!" galit kong tanong, nagulat siya sa inakto ko, "Hala, relax ka lang, Storm! Well 'di naman ako nahipuan pero binabastos ako. Pero.. meron din naman akong past experiences sa ganun.. eh wala eh, kailangan ko talagang mag-trabaho kaya 'ayun, tiis na lang" sabi niya.
Napa-buntong hininga ako, I tapped her head, "Well, from now on, 'di mo na kailangan pang mag-alala tungkol sa mga ganyang bagay, ako na ang bahala sa kanilang lahat" sabi ko para 'di na siya mag-alala.
Ngumiti siya sa'kin at niyakap niya ako, "Maraming salamat, Storm, salamat talaga" sinserong sabi niya.
"Masaya akong natutulungan kita, Zhane. 'Di mo na kailangang magpa-salamat sa'kin" sabi ko naman, hinawakan ko siya sa balikat at inilayo sa'kin.
"Kumain ka na ulit, baka mapakain ako nang 'di oras" biro ko, tumawa naman siya, "Okay lang din naman, 'di naman masakit eh" sagot niya.
Napa-iling ako, "Masyado mo akong inaakit, Zhane. Hinay-hinay lang, kumain ka na muna, ayokong uminom sa mga gutom" pang-aasar ko.
"E'to na po, kakain na" parang nagrereklamo niyang sabi at nagpatuloy na uli sa pag-kain.
May biglang kumatok sa pinto kaya nagpaalam muna ako kay Zhane na titignan ko kung sino ito.
Binuksan ko ang pinto at tumambad sa'kin si Nemphis, ang bakulaw na tengu. "Ah, magandang umaga, dakilang Pureblood" nang-aasar niyang bati, sinimangutan ko lang siya.
BINABASA MO ANG
Sinful Love
VampireHighest Rank: #178 in Vampire Si Aisha Zhane Salcena ay walang alam. Hindi niya alam kung bakit siya nakakakita ng mga kakaibang nilalang, at mas lalong hindi niya alam kung paano ito nawala bigla. Nagulat na lang siya nang may dumating na bagyo sa...