Chapter 14

41 7 1
                                    


Aisha's POV

Nasa labas kami ngayon ng bahay ni Storm, "Teka nga.. Nemphis? P'ano mo naman ako dadalhin 'dun kung iisa lang ang pakpak mo?" tanong ko sa kanya.

Tinawanan niya ako bigla. Aba! Ayos 'to ah? Kanina pa 'ko nito tinatawanan ah?

"Isa akong demonyo, zena. Sa tingin mo ba ay gagawin nila akong taga-bantay ng mga grijesio kung mahina ako?" sabi naman niya. Okay, may point siya.

He raised his hand, "Daemon ostium, ostium enim mihi apertum est!" sabi nito, hindi ko masyadong maintindihan 'yung sinabi niya pero parang humihingi siya ng portal?

A swirling entrace appeared in front of us, at parang hihigupin ka nito. Ano na, Aisha? Itutuloy pa ba natin 'to? Portal palang 'yan takot ka na, p'ano pa 'pag sa palasyo kuno ka na?

Nemphis walked towards the portal and stopped right before the entrance, "Zena, halika na" sabi niya at inilahad ang kamay niya sa'kin, dahan-dahan kong kinuha ang kamay niya.

Bigla niya akong tinulak papasok ng portal, "AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!" sigaw ko, P'ANO BA NAMANG 'DI AKO SISIGAW, NALALAGLAG AKO! NAHUHULOG AKO!! AKALA KO TELEPORT 'TO? B'AT NAHUHULOG?!

Napapikit ako at tuloy pa rin sa pag-sigaw, maya-maya ay naramdaman ko ang pagtapak ng paa ko sa sahig kaya napadilat ako.

"L-Ligtas ako?" tanong ko sa.. ewan ko kung kanino, lumingon-lingon ako para hanapin si Nemphis pero mukhang wala siya dito.

Ang walanghiya! 'Di ako sinamahan?!

"Tarantadong Nem-" natigilan ako ng biglang sumulpot si Nemphis sa tabi ko, "Ano 'yon?" masungit niyang tanong, ngumiti naman ako sa kanya.

"Tara na kay Storm" sabi ko habang naka-ngiti, he eyed me suspiciously before walking towards two men guarding a humongous gate.

Agad silang yumuko nang makita si Nemphis, "Bakit po kayo napadpad dito?" tanong ng isa sa kanila.

"Kasama ko ang zena ni Storm, at nais niyang makita ang kanyang kabiyak" sabi niya na pinakilala ako.

Tinignan ako ng dalawa nang mabuti, at feeling ko nangangatog na ang mga binti ko dahil sa nararamdaman kong kaba.

"Kung totoo ngang ikaw ang zena ng dakilang pureblood, ipakita mo sa amin ang kapangyarihan mo" utos nila. Ang sungit naman nitong dalawang 'to, parang papasok lang eh?

I opened my hand, "Flamma, ostende te" I commanded, the same heat surged through my body and into my hand. A magical circle formed and my flame showed itself.

"Mukhang totoo nga, sige, maaari na kayong pumasok" sabi ng isa at binuksan na nila ang malaking gate.

Nagpa-salamat naman ako bago kami tuluyang makalayo ni Nemphis, mahaba ang daanan patungo sa palasyo, at sobrang laki nung palasyo.

Parang Hogwarts lang pero puro itim ang paligid, at sobrang dilim dito, hindi ko alam kung bakit.

Nang sa wakas ay nasa harap na kami ng pinto ay pinigilan kami ng dalawa nanamang lalaki.

Sinful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon