Nemphis' POV
Tignan mo 'tong dalawang 'to.. sa sobrang lambingan nila nakalimutan na nilang pinapalibutan sila ng mga bangkay at ng isang tengu.
Mukhang kailangan kong tawagan ang mga Cleaners mamaya.. Masyadong maraming bangkay para ako lang ang mag-ayos nito, masyadong reckless talaga 'tong pureblood na 'to.. 'di katulad ng kapatid niya.
"Uwak" napatingin ako kay Storm nang bigla ako nitong tawagin, I arched a brow.
"Hindi mo pa sinasabi ang totoong dahilan kung bakit mo dinala si Zhane dito" madiin niyang sabi, nag-kibit balikat naman ako bilang sagot.
"Kilala mo kaming mga tengu, Storm, mga mapanlinlang kami, at sa totoo lang ay gusto ko lamang tulungan ang iyong zena, halata sa kanya ang pangungulila, at kasalanan mo 'yon, pureblood" sagot ko.
Tinaasan ako ng kilay ng bampira, "Aer, tollere summitatem ejus" nanlaki ang mga mata ko nang magbigkas ng isang command si Storm sa hangin.
I felt excruciating pain as my wing was dragged out and cut in half, napaluhod ako habang hawak-hawak ang likod ko. Tinignan ko ang nagkalat kong mga balahibo sa sahig at itinaas ang tingin sa bampira.
"Bakit mo ginawa 'yon?!" galit kong tanong, ngumisi naman ito. "Dahil alam mong ayokong malaman ni Zhane ang tungkol dito ngunit itinuloy mo pa rin" madiin niyang sagot.
"Storm.. please, tama na.." pakiusap naman ng zena, mapait akong ngumiti, "'Wag kang mag-alala, Zhane. Tutubo ulit ang pakpak niya, kalahati lang ang pinutol ko" mahinang sabi niya.
"Alam mo na ang gagawin mo, Nemphis, mauuna na kami" sabi niya, tumango na lamang ako at hinayaan silang umalis.
Kahit kailan talaga ay wala siyang patawad.. Nakakabilib na minahal pa siya ng kanyang zena.
"Nemphis" nangilabot ang buong katawan ko nang marinig ko ang boses ng nagsimula ng laro.
"..Ikaw pala" mahinang sabi ko, ngumisi ito nang makita ako at sa isang iglap ay biglang nasa harapan ko na.
"Mahusay ang ginawa mo.. wala na ang mga traydor.." galit na galit niyang sabi, tumingin ako palayo.
"Salamat sa pagdala mo sa zena ni Storm dito, tama nga ang nasa isip ko, kaya niyang isugal ang lahat para sa babaeng 'yon.. para sa.." natahimik ito bigla at tinakpan ang kalahating mukha.
"Ipagpaliban natin 'yon, natagpuan ko na ang susunod na chronus, ang Gluttony. Sabihin mo ito kaagad sa mga kalahok, nararamdaman ko na ang nalalapit na pagkaligaw ng grijesio ng chronus" sabi niya.
Tumango naman ako, "Masusunod" sabi ko, tumango siya pabalik at biglang nawala na parang hangin.
Napa-buntong hininga na lamang ako habang unti-unti kong nararamdaman ang muling pag-tubo ng aking pakpak.
Aisha's POV
Nasa bahay na uli kami ni Storm at sobrang panatag na uli ang loob ko.. Oo, nagsi-sisi pa rin akong pumunta ako doon at.. ganun ang nangyari, pero mabuti na rin siguro 'yun.. at least hindi na kailangan ni Storm na pagdaanan pa ulit 'yon..
BINABASA MO ANG
Sinful Love
VampireHighest Rank: #178 in Vampire Si Aisha Zhane Salcena ay walang alam. Hindi niya alam kung bakit siya nakakakita ng mga kakaibang nilalang, at mas lalong hindi niya alam kung paano ito nawala bigla. Nagulat na lang siya nang may dumating na bagyo sa...