Chapter 22

48 0 0
                                    


Blaze's POV

Rinig na rinig ko ang mga hikbi ni Aisha mula sa banyo at hindi ko mapigilang matuwa. Isang malaking hangal ang aking kapatid, isang masyadong mabait na bampira.

Nakangising napailing ako nang maisip ang aking kapatid ngunit bumalik ang atensyon ko kay Aisha nang lumabas ito ng banyo, ngumiti ako sa kanya at agad siyang nilapitan.

"Ais-" sinampal niya ako, "Wala akong kilalang Blaze na ganyan" madiin niyang sabi na ikinangisi ko. "At kahit anong gawin mo o gawin ni Storm, mahal ko pa rin siya! May tiwala ako sa kanya" dagdag pa nito na agad na pinag-igting ng panga ko.

Napa-buntong hininga ako at napahawak sa aking sentido. Sayang lamang at hindi hangal ang babaeng mahal namin ng aking kapatid.

Nagulat siya nang biglang nasa likuran na niya ako at bahagyang nakayakap sa kanya, "Makinig ka sa'kin, Aisha" bulong ko sa kanyang tenga. "Kaya mo ba talagang pagka-tiwalaan si Storm kahit na malaman mong nakatadhana na siya sa iba?" nakangising dagdag ko.

Agad siyang lumingon nang marinig ang aking sinabi, "Ano? Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan niyang tanong. I softly held a strand of her hair and kissed it, "Nakatakda na siyang ikasal sa ibang trueblooded" madiin kong sabi habang tinitignan ang magiging reaksyon niya.

Lumabas ang pagka-lito niya base sa mga mata niya, napaatras siya ng bahagya at muntik ng matumba kaya agad kong hinawakan ang bewang niya. "Mag-iingat ka, Aisha" utos ko.

Kinalas niya ang pagkakahawak ko sa kanya, "I-Ikakasal siya.. sa ibang babae?" halata ang pagkadurog ng puso dahil sa tono ng pagkakatanong niya, ngumisi naman ako at tumango.

"Hindi ba niya.. sinabi sa'yo?" I asked, my voice teasing.

Tumingin siya palayo bago ako tinulak, "Ginugulo mo lang ang isip ko! Hindi totoo 'yan!" pagmamatigas niya, I chuckled from the way she was so desperate to believe my brother. "Why don't you ask him yourself if you trust him so much?" I dared.

Matalim niya akong tinignan at agad na naglakad palabas ng kwarto, "If you need to cry, my shoulder is here!" I teasingly called after she got out of the room.

Aisha's POV

My fists were balled up as I walked down the stairs. 'Wag kang maniniwala kaagad kay Blaze, baka mamaya pakulo lang niya 'to para mawalan ka ng tiwala kay Storm.

Bahagya akong tumango. Tama, tama 'yan. Ganyan lang isipin mo, Aisha.. magtiwala lang tayo kay Storm, magtiwala ka lang sa bampirang walang ibang inisip kundi ang kapakanan mo.

Nakakarinig ako ng mga kaluskos mula sa kusina kaya 'dun ako dumeretso, namataan ko si Storm na nagluluto. Lumunok ako at dahan-dahang lumapit, "Don't bother to sneak, Aisha. Anong kailangan mo?" masungit niyang tanong sabay harap sa'kin.

"T-Totoo ba 'yung sinabi ni Blaze.. na ikakasal ka daw sa isang trueblooded?" tanong ko sa kanya, feeling ko lalong nadurog ang puso ko nang tumango siya. "Totoo 'yon, hindi ko lang sinabi sa'yo kasi ayoko ng drama" deretso niyang sagot.

Nagbabadya ng pumatak ang luha ko pero mas pinili kong lagyan pa ng asin ang sugat ko, "K-Kanino ka ikakasal?" tanong ko sa kanya, nagbuntong-hininga siya at tumalikod para asikasuhin ang niluluto niya.

Sinful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon