Chapter 1

413 12 0
                                    


Aisha's POV

Kakatapos ko pa lang maligo, ulit, kasi papasok na ako sa part time job ko bilang isang waitress sa isang bar. Tumingin ako sa orasan na nasa pader, 11 PM na, at 12 ang simula ng trabaho ko, kaya dapat lang ay umalis na ako kaagad, buti na lang ay hindi gaanong kalayo 'yung pinagt-trabahuhan ko kaya hindi ako masyadong mag-aalala tungkol sa traffic.

Ni-lock ko na ang pinto ng bahay at naghintay ng jeep, buti na lang ay may dumaan kaagad kaya nakasakay ako.

Mabilis magmaneho si manong kaya sandali lang ang byahe ko, pumasok na ako sa loob ng bar at nagpalit na ng uniform namin.

Long sleeves, slacks at stockings ang uniform dito, syempre pampagana na rin siguro sa mga customer, malas lang kapag may customer na biglang nanghihipo, nakakainis eh. Bwiset. Nasasapak ko tuloy sila, tapos kinakaltas sa suweldo kong kakaunti na nga. Huhu.

"Hi miss, ano specialty niyo ngayon?" biglang tanong ng isang lalaki sa'kin, na halatang lasing na lasing. 'Di ko pa alam kung ano ang specialty namin ngayon kasi kaka-start pa lang ng shift ko at hindi ko pa natatanong sa bartender. Hays, tulong naman.

Lumingon-lingon ako kung meron bang ibang waitress na malapit sa'kin para matanong ko sila, kaso wala! Hassle, day!

"Sorry sir, 'di ko po alam kung ano 'yung specialty ngayon eh, kakasimula ko pa lang po ng shift" sagot ko, "Ha? Ay ganun.. e'di kung ganun, pwede bang ikaw na lang ang orderin ko?" naka-ngising asong tanong ng lasing.

Napairap ako, "Kung o-orderin niyo po ako, hindi lang kayo makakapagbayad at mababaon pa kayo sa utang, kaya kung ano sa inyo, lalayo na lang ako" nakangiti kong sagot, sumimangot naman ang lalaki at biglang umakbay sa'kin.

"E'to namang si Miss Beautiful o, nagpapa-hard to get ka ba, eh halata naman sa mga katulad mo na pera lang ang habol mo, b'at ka pa nag-iinarte?" bastos niyang tanong.

Sinipa ko siya sa bayag, at agad siyang napaluhod dahil sa sakit. "Putangina, b'at mo ginawa 'yon?!" sigaw niya, 'di ko siya pinansin at sa halip ay pumunta na lang sa ibang customer. Buti na lang ay nasa bandang likod kami kanina kaya wala masyadong nakakita, kung hindi ay lagot nanaman ako at walang makikipag-usap sa'kin na customer ngayong gabi.

Nagpatuloy lang ako sa pagt-trabaho hanggang sa matapos ang shift ko, maliban 'dun sa lalaking lumapit sa'kin na lasing na lasing, wala nang ibang nakakainis na nangyari.

Bumalik ako sa locker room namin at nagpalit na ulit ng damit, bago ako tuluyang makalabas ng locker room ay hinarangan ako ng manager namin.

"Kanina may nagre-reklamo na sinipa mo daw, ano nanaman bang ginawa mo, Aisha?" tanong nito, napakamot ako ng ulo, "Pasensya na boss, hindi ko na po kasi napigilan eh, sobra na po 'yung sinasabi niya sa'kin" sagot ko na alanganing naka-ngiti.

Napabuntong-hininga na lang siya, "Sige, pero may bawas ka sa sahod, hindi kita tatanggalin kasi magaling kang humawak sa mga customer, pero sana iwas-iwasan mo naman na nangyayari 'to lagi" sabi naman niya, tumango naman ako.

"Pasensya na po talaga, boss. Hindi ko naman po gagawin 'yun kung hindi nila ako pinagsasalitaan ng masama eh" sabi ko naman, hindi na umimik si manager at umalis na lang. Wow, snobber na siya.

Lumabas na ako ng bar at naglakad papunta sa sakayan, wala kasing dumadaan na jeep, kaya maghahanap na lang ako sa iba.

Kapag ganitong oras at wala akong masakyan, may dinadaanan ako laging eskinita, kailangan ko talagang dumaan 'dun, shortcut kasi, lalo na ngayon, pagod at puyat na ako, nakakatamad na maglakad ng malayo.

Sinful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon