Storm's POV
Ano ba talaga ang nangyayari kay Zhane? Bakit tila may kakaiba sa kanya? At bakit gustong-gusto niya akong paslangin?
Tinignan ko ang mukha ni Zhane habang natutulog at dahan-dahang hinawi ang hibla ng buhok niyang napadpad sa kanyang pisngi. Sa ganitong sitwasyon, mukha siyang birhen at ang mga katulad niyang birhen ay hindi dapat sumasama sa katulad kong demonyo.
Umiling ako dahil sa aking naisip. Ano bang pinag-iisip mo, Storm? Mahal ka ng babaeng kaharap mo ngayon, sa tingin mo ba ay nais niyang malayo sa iyo? Napa-buntong hininga na lamang ako at hinawakan ang isang kamay ni Zhane.
I held her soft, small hand in between my hands and raised it to my forehead, "I'm sorry.. sa inakto ko, Zhane. I know it was wrong.. but I didn't expect that three chronuses would take this much toll on me, I'm sorry" mahinang sabi ko, hindi ako sigurado kung naririnig ba niya ako o kung maaalala man niya ito kapag siya'y nagising.
Dahan-dahan kong nilapag ang kamay niya sa gilid niya at tinignan ang mga marka ng chronus sa aking katawan, dahil sa mga chronus na 'to.. nasaktan ko ang aking kabiyak. Nasaktan ko ang nais kong protektahan.
"Storm.." narinig kong bigkas ni Zhane na biglang nagpatigil sa'kin, bahagya akong tumayo upang tignan kung gising na siya ngunit mukhang nagsalita lamang siya habang natutulog, marahil ay masyado niyang nagamit ang kanyang kapangyarihan.
Ngunit nakakapag-taka.. paanong napapasunod pa rin niya ang hangin gayong wala na ang mga hiniram niyang chronus? At bakit tila mas malakas pa siya kaysa sa aking tatatlo ang chronus? Ano ang kababalaghang nakabalot kay Zhane.. at ano ba talaga ang nangyari noong nawala siya?
"Aer, praesidium meum" utos ko sa hangin habang nakatapat ang isa kong kamay sa katawan ni Zhane, nais kong protektahan muna siya ng hangin dahil kailangan kong umalis.
'Yung lalaki kanina, nakakapagtaka dahil hindi ko mabasa ang isipan niya at dalawa lang ang pwedeng ibig sabihin nito. Ang una ay isa siyang makapangyarihang demonyo o may chronus siya.
At sa palagay ko ay ang pangalawa ang dahilan, dahil hindi siya mukhang makapangyarihang demonyo, kung makapangyarihan siya ay hindi ko siya mabibihag gamit ng hangin ng ganun-ganun lang.
Nag-teleport ako palabas ng bahay at sinara ang aking mga mata. Pinakiramdaman ko ang buong paligid, kapalit ng aking paningin ay tumalas ang aking pandinig at pang-amoy.
Malakas kong nadidinig ang kada yapak ng mga tao, ang pag-andar ng mga gulong ng sasakyan, ang pagsayaw ng hangin at ang tinig ng mga ibon. Ramdam ko ang init ng araw, ang kada pagnginig ng sahig sa tuwing may dumaraan at ang galaw ng paligid habang ako'y nakapikit.
"Huy baliw!" nasira ang focus ko nang may marinig akong boses ng lalaki, dumilat ako at tinignan kung sino ang nagsalita. Agad kong nakita ang isang lalaking naka-ngising aso at parang tuwang-tuwa pa sa sinabi, tinignan ko ito ng masama.
Fac dormire eum. Agad na bumagsak ang lalaki, 'wag kayong mag-alala dahil pinatulog ko lamang ito, hindi na kailangan ng mundo ng mga ganyang klaseng tao.
Muli akong pumikit at bumalik sa aking ginagawa, "Duc me ad eum" sabi ko sa hangin, lumakas ang ihip ng hangin at tinangay ako. Dumilat ako at tinignan kung saan ako dadalhin nito, napadpad ako sa harapan ng isang building.
BINABASA MO ANG
Sinful Love
VampireHighest Rank: #178 in Vampire Si Aisha Zhane Salcena ay walang alam. Hindi niya alam kung bakit siya nakakakita ng mga kakaibang nilalang, at mas lalong hindi niya alam kung paano ito nawala bigla. Nagulat na lang siya nang may dumating na bagyo sa...