Chapter 7

84 7 2
                                    


Aisha's POV

Nababaliw na 'ata si Storm, kung anu-ano ang pinagsasabi.. O baka naman ibang language?

"Okay lang ba si Jarrett?" tanong ko sa kanya nang mukhang tapos na siya sa kung anumang ritual 'yung ginagawa niya kanina.

"Oo" sagot niya at tumayo siya mula sa pagkakaluhod sa harap ni Jarrett, "Bakit nga ba sobra kang naga-alala sa taong ito?" medyo masungit niyang tanong pabalik.

Napa-ngiti ako, "Bakit? Nagseselos ka ba?" pang-aasar ko sa kanya, "Sagutin mo na lang" mariin niyang sabi. Jusme, ang sungit naman nito 'pag nagse-selos!

"Kaklase ko 'yan sa college dati nung nag-aaral pa 'ko, eh kaso 'ayun nga, nag-stop ako kasi wala na akong pera" maiksing eksplenasyon ko.

Napansin kong unti-unting nawala ang pagka-kunot ng noo niya, at hindi na rin siya masyadong naka-simangot.

"Ah.. mabuti naman, akala ko kasi ay.." hindi na niya tinapos pa ang sasabihin niya, "Tapos ka na ba sa iyong trabaho?" tanong niya, umiling naman ako. "Hindi pa dapat tapos 'yung shift ko kaso parang 'di naman na 'ata itutuloy" sagot ko.

"May mga tao pa ba sa baba?" tanong ko sa kanya, nag-kibit balikat siya, "Sa bintana ako dumaan dahil mas mabilis ito" sagot niya.

"Er.. okay? Eh p'ano na gagawin natin?" tanong ko ulit, tinignan ko si Jarrett, "Dadalhin mo ba siya?" tanong ko ulit.

"Kung ito'y iyong nais, maaari natin siyang dalhin" sagot niya, "Uh.. 'di naman? Pwede namang hindi? Okay na 'ko na alam kong buhay pa siya" saad ko.

"Kung gayon ay kay Nemphis ko na lang siya ipapaubaya" mabilis niyang giit, "'Di ba siya kakainin ni Nemphis?" nag-aalalang tanong ko.

Natawa sa tanong ko si Storm at umiling.

"Hindi kumakain ng tao si Nemphis, ngunit kinukuha niya ang kaluluwa ng mga babae" sabi niya, "Hala? Nakakatakot pala si Nemphis.." sabi ko naman.

"Wala kang dapat ikatakot dahil lagi lamang akong nasa iyong tabi" sabi niya at bigla siyang lumapit para yakapin ako.

"Kanina.. masyado mong ginamit ang iyong kapangyarihan, hindi ito kinaya ng iyong utak at ika'y nawala sa katinuan" sabi niya, nanlaki ang mata ko sa narinig at tinignan siya sa mata.

"P'ano mo ako napabalik sa dati?" tanong ko habang tinitignan siya sa mata, "Sa ganoong pagkakataon, inuutusan kita sa wikang Latin" sagot naman niya.

"Te amo" malambing niyang bulong sa'king tenga, I felt shivers run down my spine, hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko naiintindihan ko ang sinabi niya.

"I love you too" mahinang sabi ko, I felt his muscles tense as he heard what I said, he hugged me tighter and slowly brushed my hair away from my neck.

"May I?" tanong niya, I nodded slightly, anticipating his next move. Dahan-dahan niyang idinikit ang kanyang bibig sa aking leeg, bahagya akong napa-ngiwi sa panandaliang hapdi nang kagatin niya ito.

I can feel his hush breathing, the sharp fangs inside me and the blood flowing out of me and into his mouth. Halos marinig ko na ang paglunok niya ng aking dugo, na para bang uhaw na uhaw.

Sinful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon