Storm's POV
"Chronus, ne derelinquas me et adiunge te novos erus ego iure careat culpa rubet vultus tibi nomine ludum" sabi ko, tuluyan ko ng isinuko ang mga chronus at ibig sabihin 'nun ay wala na akong karapatang makuha silang muli.
"S-S'an ka nanggaling? Bakit hindi ka kaagad nagpakita?" tanong ko sa kanya, umupo siya sa tabi ni Zhane, "Dinakip ako ng mga DeSinned upang patayin" simula ni Blaze.
"Ngunit nang makita nilang wala na sa akin ang chronus.. marahil ay inilipat 'yon ng ating ina mula sa akin at sa iyo, ay lubos silang nagalit at.." bigla siyang natigilan at parang nanghina sa naalala.
Lumapit ako sa aking kapatid at bahagyang tinapik ang balikat nito, "'Wag mo ng sagutin kung hindi mo kaya" sabi ko, tumingala naman siya, "Si Aisha.. anong nangyari sa kanya?" tanong niya sabay lingon sa aking kabiyak.
Napalunok ako dahil sa binigay na tingin ng aking kapatid kay Zhane, isang tingin na puno ng pagnanasa at pagmamahal. Ibig sabihin ay hanggang ngayon ay hindi pa niya nakakalimutan ang babaeng nagpa-amo sa kanya.
"Nasaktan ko siya" mahina kong sagot, agad niyang ibinalik ang tingin sa'kin at biglang tumayo upang sakmalin ang taas ng damit ko. "Bakit mo siya sinaktan?!" galit na galit niyang tanong, lumihis ako ng tingin, "Hindi ko na-control ang chronus, patawad" sagot ko.
Binitawan naman niya ang damit ko at agad na bumalik sa tabi ni Zhane, "Ginawa mo ba siyang zena mo?" tanong niya, tumango naman ako. "Kung ipapabawi ko 'yon, papayag ka ba?" mahina ngunit madiin niyang tanong, sandali akong tumingin kay Zhane at winagli ang nararamdaman ko para sa kanya.
Sa ngayon.. mas importante sa akin ang aking kapatid, patawarin mo 'ko, Zhane. Ngunit matagal ko ng pangako na kapag nahanap ko si Blaze ay kayong dalawa ang magkakatuluyan at masaya na ako kapag nakita ko kayong dalawang masaya. Hahayaan ko na kayo..
"Oo naman, kinailangan ko lang naman ng pansamantalang pangpa-upos ng uhaw" pilit ang ngiting sagot ko, ngumisi naman si Blaze at kinagatan ang kanyang pulso.
Tumingin ako palayo habang ginagawa niyang muli ang ritual upang gawing zena niya si Zhane, bahagya akong nagulat nang maramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa aking kamay. Madiin na pala masyado ang pagkakasara ko nito.
**WARNING: The next paragraphs will be containing scenes of rape, trigger warnings! You may skip some parts if you can't take it!**
Aisha's POV
Nagising ako dahil sa lasa ng dugo sa aking bibig, unti-unti akong dumilat at nagulat nang makitang may lalaking humahalik sa'kin. Agad ko siyang sinampal at lumayo ito na nakangisi.
"Napaka lambing naman ng iyong bungad, aking zena" nakangising sabi ng lalaki, kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Anong zena? Kailan pa niya ako naging zena? Zena ako ni Storm!
"Storm, ipaliwanag mo sa kanya ang nangyari" utos ng lalaki kay- Teka, si Storm? Nilingon ko kung saan tumingin ang lalaki at nandoon nga si Storm at nakatingin lamang sa amin na blanko ang ekspresyon.
"Storm? Anong ibig sabihin nito?" naguguluhan kong tanong, lumapit siya sa amin at ngumiti. "Aisha" bigkas niya na agad ikinadurog ng puso ko. Wala na ang usual lambing niya sa pagtawag sa akin at hindi na rin Zhane ang tawag niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Sinful Love
VampireHighest Rank: #178 in Vampire Si Aisha Zhane Salcena ay walang alam. Hindi niya alam kung bakit siya nakakakita ng mga kakaibang nilalang, at mas lalong hindi niya alam kung paano ito nawala bigla. Nagulat na lang siya nang may dumating na bagyo sa...