Author's Note: Si Aisha 'yung picture dyan sa taas~ Ganda nya 'no?
Aisha's POV
Tawa ako ng tawa dahil naririnig ko ang mga sigaw ni Jarrett mula sa itaas, "Grabe ka naman, Storm! Kawawa naman si Jarrett" komento ko, ngumisi siya na parang pinipigil ang tawa.
"Dapat lang sa kanya 'yan, ang lakas ng loob niyang mang-istorbo" pagre-reklamo niya, natawa ako lalo, "Para ka talagang bata!" sabi ko.
Bahagya siyang ngumuso na parang nagmamaktol na bata, "Hahaha! Grabe, ang cute mo, Storm!" sabi ko na bigla niyang ikinahiya kaya itinago nanaman niya ang kalahati ng mukha niya gamit ang braso niya.
Mabuti kaya kung itanong ko kung p'ano niya ako tuturuang gamitin ang kapangyarihan ko? Hm.. sige na nga, subukan natin.
Tumikhim ako, "Uh.. Storm? P'ano mo nga pala 'ko tuturuan gamitin ng maayos 'yung powers ko?" tanong ko sa kanya, ibinaba niya ulit ang kamay niya at tinignan ako.
"Katulad ng sinabi ko kanina, kailangan mong matuto ng Latin dahil 'yun ang pang-trigger sa kanila" sagot niya, pero bigla siyang tumingin paibaba.
"Pero.. natuto ka na 'nun dati.." mahinang sabi nito, "..So, tama nga 'yung hinala ko na natutunan ko na 'yun dati? Kasi malakas din pakiramdam ko na ganun na nga ang sitwasyon, kasi 'pag nagsasalita ka ng Latin, for some reason, naiintindihan ko siya ng konti" litanya ko.
"Kung ganon, maganda 'yon.. konting pagsa-sanay pa ay sa palagay ko'y mapapasunod mo na ang kapangyarihan mo ng husto" sabi niya.
"Storm, gusto ko na talagang matutunan 'tong kapangyarihang binigay mo sa'kin.. gusto kitang protektahan ng maayos, 'yung hindi ako nakaka-gulo lang lalo sa'yo.." sabi ko.
Lumapit siya sa'kin at hinalikan ang noo ko, "Et dabo tibi animam meam, te amo, uxor mea" sabi niya at dahan-dahan akong ikinulong sa kanyang bisig. Niyakap ko siya pabalik.
"Sed non est, vir meus" sabi ko naman, kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at hinalikan ako, nag-simulang mabagal at unti-unting dumiin, naging mas mapusok.
Kung naguguluhan kayo sa usapan namin, sinabi niya na handa niyang ibigay sa'kin ang kaluluwa niya, kaya sabi ko, hindi na niya kailangan gawin 'yon.
Hehe, sorry, panira ako ng mood! Peace tayo!
Tumigil naman siya maya-maya sa pag-halik sa'kin, "Kung nais mo talagang matutunan ang iyong kapangyarihan, sumama ka sa akin sa likod ng bahay" sabi niya.
Nag-ningning naman ang mga mata ko sa narinig at excited na tumakbo pababa ng hagdan at palabas ng bahay mula sa likod ng pinto.
"Ang bilis mo naman masyado, Zhane" naka-ngiting sabi ni Storm, "Hehe, sorry na! Excited talaga ako eh" tuwang-tuwa kong sagot.
Pumunta siya sa harapan ko, "Ang una nating gagawin, magka-kabisado ka ng mga Latin spells" sabi niya.
I groaned. Bakit 'yun?! Akala ko pa naman action kaagad, ano ba naman 'yan!
Narinig ko ang mahina niyang tawa, "'Wag ka nang mag-reklamo, kapag masyado nating minadali ang kapangyarihan mo, baka mahimatay ka nanaman" pang-aasar niya.
BINABASA MO ANG
Sinful Love
VampireHighest Rank: #178 in Vampire Si Aisha Zhane Salcena ay walang alam. Hindi niya alam kung bakit siya nakakakita ng mga kakaibang nilalang, at mas lalong hindi niya alam kung paano ito nawala bigla. Nagulat na lang siya nang may dumating na bagyo sa...