Chapter 13

62 7 1
                                    


Storm's POV

Tumingin ako sa aking relo, saktong 11 PM na ng gabi, at oras na para umalis ako. Napapabuntong-hininga akong humarap kay Zhane at hinalikan ang noo niya.

"Babalik ako mamayang alas tres ng hatinggabi" pagpa-paalam ko, naka-ngiti namang tumango si Zhane at niyakap ako ng mahigpit.

"Mag-iingat ka, Storm. Te amo, mi vir" she said while looking into my eyes, I smiled back and kissed her softly on her lips. Mildly sucking on her lower lip, I look up and watch her golden eyes light up.

"I love you, my wife" malambing kong bulong, I pushed a tongue inside her mouth and ravished her delicious taste before I inched away.

"Thanks for the dinner" kindat ko, I laughed inwardly as I saw her cover her face with her hands. "Storm naman eh!! Lalo kitang mami-miss nyan!" reklamo niya, tinawanan ko na lamang siya at tuluyan nang umalis ng bahay.

I raised my hand forward as soon as I stepped outside, "Aer, a loco adduc!" I felt the air inside me swiftly crawl through my veins and out my skin, forming a portal in front of me.

I deliberately stepped inside the portal the air made for me and closed my eyes. Naramdaman ko ang pagka-hulog ko nang makapasok ako sa portal.

Binuksan ko ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagtama ng paa ko sa sahig. Tiningala ko ang palasyong nasa harapan ko, kung isa kang tao ay siguradong mamamangha ka sa iyong makikita, ngunit bilang isang pureblood vampire.. magsisisi kang isa kang immortal.

Umiling na lamang ako dahil sa naisip at naglakad patungo sa malaking gate na binabantayan ng dalawang bampira.

Agad silang yumuko nang makita ako bilang tanda ng pag-respeto, "Maligayang pagbabalik, Sir Lestat! Tamang-tama lang po ang pag-dating niyo" magalang na sabi ng dalawa.

Maligaya nga ba? Sa buong buhay ko, ang mga Linggo na ito ang mga pinaka-gusto kong iwasan.

Tinanguan ko lamang sila at nagpatuloy na sa paglalakad, mahaba ang dapat lakarin bago tuluyang makarating sa palasyo. At ang lahat ng mga tauhang nakakasalubong ko ay yumuyuko at nagbibigay respeto sa akin.

Dahil nga sa isa akong pureblood, siguro naguguluhan na rin kayo kung bakit sobrang importante naming mga pureblood. Well, madali lang naman siyang ipaliwanag.

Ang mga pureblood ay mga bampirang ipinanganak ng mga makapangyarihang bampira, sa vampire world, tinuturing nila kaming mga diyos.

Meron namang mga ibang pureblood na ipinanganak na parehong bampira ang mga magulang, technically pureblood din sila pero iba ang tawag sa kanila. Full-blooded ang mga tawag sa kanila, mas malakas sila kumpara sa ibang bampira.

Ang pangatlo naman, ang mga halfblood, sila ay mga bampirang galing sa isang tao at bampira o kung hindi galing doon, ay mga taong naging bampira ng dahil sa mahika o demonyo.

Ang mga halfblood ang pinaka-mahina sa lahat ng uri ng bampira, kumbaga kung ang pureblood ay S at A class, C class lang sila.

Tumigil ako nang nasa harapan ko na ang malaking pinto ng palasyo. "Buksan ang mga pinto!" sigaw ng isang bampira. Hinintay kong buksan nila ang mga pinto bago ako tuluyang pumasok.

Sinful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon