Aisha's POV
Inalalayan ko si Storm pabalik sa loob ng bahay, umupo siya sa sofa at tinabihan ko siya.
"Sorry talaga, Storm.. hindi ko alam kung ano nanaman pumasok sa isip ko" sising-sisi kong sabi, nginitian naman niya ako at dahan-dahang hinaplos ang tuktok ng ulo ko.
"Hindi ko alam kung anong nangyari sa'yo noong nawala ka.. pero mukhang may ginawa ang kung sinumang kumuha sa'yo noon" sabi niya, "Ano? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"..Pasensya na, hindi ko dapat sinabi 'yon" sabi niya, bigla naman akong nainis na hindi ko maintindihan, "Bakit ba ayaw mong sabihin sa'kin?!" pasigaw kong tanong.
Bigla niya akong hinawakan sa balikat, "Zhane, nagiging pula nanaman ang mga mata mo.." sabi niya at tila para akong natauhan.
"..Sige, sasabihin ko na sa'yo ang nangyari dati" sabi niya, "Pero please, huminahon ka lang.. pakiramdam ko ay kapag tuluyang pumula ang mga mata mo ay mawawala ka sa'kin.." mahinang sabi niya.
"O-Oo, sorry.." mahinang sabi ko at tinignan ko na siya para makinig.
Storm's POV
12 Years Ago..
"Mama? Sino po 'yan?" tanong ko nang makita ang isang batang babae, maganda siya at mapula ang labi.
"Nakita ko siya habang naghahanap ako ng pagkain" sagot ng aking ina, Necroia ang kanyang pangalan.
"Po? Siya ba ang kakainin natin?" tanong ko, naka-ngiting umiling ang aking ina sa aking tanong.
"Nais ko siyang kupkupin.. umuulan sa lugar kung saan ko siya nakita, at hindi ko kayang hayaan lamang siya doon" sabi niya.
Kumunot ang noo ko, "Eh.. diba tao siya? P'ano kung mapatay namin siya ni Blaze?" tanong ko, she patted me lightly on the shoulder.
"Xavier, you and your brother are already full grown, you two should know better" striktong sabi ni mama.
Ako'y 12 years old na kung bibilangin sa oras ng mga tao, at ang kapatid ko namang si Blaze ay 15. Pero sa oras naming mga bampira, kung saan napaka-bilis ng takbo nito, halos 40 years old na kami.
Tinignan ako ng batang babae na nanginginig, hindi ko alam kung nilalamig ba siya o natatakot sa'kin, pero naramdaman ko ang kagaanan ng loob ko sa kanya.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, "H-Hello.." mahinang sabi ko, nagulat ako ng bigla siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ko.
"Aisha!" sabi niya, tumingin ako kay mama, "'Yun 'ata ang pangalan niya, Xavier" paliwanag nito.
"Aaahh.. masaya akong makilala ka, Aisha. Ako si Storm" naka-ngiti kong pagpapakilala sa sarili ko.
"S-Storm?" sabi niya, tumango ako, "Storm" pag-ulit ko. "Hehe, Storm! Storm!" sabi niya at pumalakpak.
"Mama, ang weird ng batang 'to.." reklamo ko na ikinatawa ni mama, "Hayaan mo na siya, anak. Ganyan talaga marahil ang mga batang tao" sabi niya.
BINABASA MO ANG
Sinful Love
VampireHighest Rank: #178 in Vampire Si Aisha Zhane Salcena ay walang alam. Hindi niya alam kung bakit siya nakakakita ng mga kakaibang nilalang, at mas lalong hindi niya alam kung paano ito nawala bigla. Nagulat na lang siya nang may dumating na bagyo sa...