Chapter 6

95 7 0
                                    


Author's Note: Nilagay ko itsura ni Storm~ Hehehe

Aisha's POV

Ayos! Napagana ko 'yung powers ko, at himala, 'di dumudugo ang ilong ko ngayon, siguro dahil isa na 'kong ganap na zena?

Agad na lumayo sa'kin si Jarrett nang makita ang mga apoy mula sa aking kamay, tinignan ko ang mga taong nasa gilid kung nawe-weirduhan na ba sila sa'kin, pero mukhang nagtataka lang sila.

'Di nila nakikita 'yung apoy? Seryoso?

Nag-kibit balikat na lang ako at tinignan muli si Jarrett, "Bakit mo ginagawa 'to, Jarrett?" pagsusumamo ko.

Tumingin siya palayo, "K..ailangan ko... ng kapa..ngyarihan.. da..hil.. isa.. lamang ako..ng ta..o.." mahinang sagot niya.

Teka, ano daw? Kailangan niya ng kapangyarihan? Kaya ba nagkaroon siya ng chronus?

"At.. naririto.. ang kapangyarihang.. kailangan ko.. mukhang nasa iyo.." parang demonyong sabi niya, dahilan para kilabutan ako.

Teka, nasa akin daw? Hala? Eh diba zena nga 'ko ni Storm? P'anong may iba akong kapangyarihan?!

Pinalakas ko ang mga apoy na nagmumula sa kamay ko at sinubukan kong pagapangin ito sa sahig papunta kay Jarrett.

Pero dahil sa sobrang bagal ng kilos ng mga apoy ko ay madali lang siyang nakailag rito, pinalakas ko pa ito lalo at ipinulupot sa kamay niya, napasigaw si Jarrett sa sakit.

"Umalis na kayo dito! Ano pa bang hinihintay niyo?!" utos ko sa mga taong nanunuod at takot na takot. Mabilis silang nagtakbuhan pababa ng hagdan at iniwan kaming dalawa ni Jarrett.

Unti-unti nasunog ang balat ni Jarrett ngunit nagpumiglas ito at nakawala. Bigla siyang tumakbo papunta sa pader at dumikit dito.

Punyemas para naman akong lumalaban sa sinapian! P'ano ko ba makukuha 'yung chronus or mapapatay 'to? Eh parang wala naman masyadong epekto ang apoy ko sa kanya.

Mabilis siyang gumagapang papunta sa'kin mula sa kisame, gumawa ako ng bolang apoy sa aking palad at pinalipad ito patungo kay Jarrett.

Pero as usual, nailagan nanaman niya, feeling ko tuloy ang useless ng abilidad ko. Kaiyak, bes.

Tumawa siya nang mahina gamit ang malalim at distorted niyang boses kaya lalo akong kinalibutan, lalo na't parang babaluktot na ang balikat niya sa paraan ng paggapang niya.

I summoned more ball of fires which encircled me, sa hindi ko maintindihang dahilan ay kahit anong init mula sa mga ito ay hindi ko maramdaman.

Okay, sa paraang 'to, 'di niya 'ko basta-bastang malalapitan dahil masasaktan siya 'pag lumapit siya sa'kin. Sige! More fire!

Ibinuklat kong muli ang aking mga palad, pinanuod ko ang pag-form ng isang magic circle sa mga ito. May lumabas na parang mainit na portal, napa-ngisi ako.

"Hindi ka pa rin ba susuko, Jarrett? Kayang-kaya kitang prituhin" sabi ko, napatigil siya sa pag-gapang, kaya ginamit ko ang pagkakataon para gamitin ang kapangyarihan ko.

Sinful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon