CHAPTER 34 - *His WORDS .. *

2.7K 38 5
                                    

*CHANCHAN's POV



"salamat ha .. Hana "

diko alam na pede pa pala akong maging masaya ulit ..

"para san ?? sa Starbucks ?? .. nako !! it's a deal naman e !! you won kaya !! :)) " sabi nya ..

"n-no.. "

"e ?? .. para san ? "

"nag-enjoy ako e .. "

nakita kong napangiti sya .. alam ko namang yun lang ang gusto nyang marinig mula sakin e ..

yung masaya ako ..

"a-ano kaba !! wag ka kasing sisimangot !! ang panget mo kaya !! >:PP"

nakakamiss naman yung mga pang-aasar nya .. ngayon niya na nga lang ulit ako inaasar ..

"haha ! syempre mana ako sayo e !! "

"HAHAHAHAHAHAHAH !! "

wagas parin tumawa ~ haha ..

pagkatapos namin ubusin yung iniinom namin ay naglakad lakad na ulit kami ..

"haha ang saya nuh ?!! "

"oo haha " 

nakarating kami sa event center sa megamall nang biglang ..

"AY LECHEEE !!! nakalimutan ko yung bag ko sa Starbucks !! Chan !! t-teka lang teka !! dito ka lang !! tatakbuhin ko lang .. wag kang aalis ha ?!! d-dito ka lang !! " sigaw ni Hana ..

"o-osige .. "

gusto kong matawa .. pero naaawa ako sa ichura nya para kasing nakapaimportante nung bag nya  .. haha akala ko naman kasi kung ano na ..

naisipan kong tingnan muna kung anong event ngayon ... tutal baka matagalan pa yun kasi malayo layo narin to sa Starbucks e ..

ang daming tao .. may artista ba ?? >.<

tumayo nalang ako sa isang pwesto kung san hindi matao pero makikita mo yung nagaganap sa stage ...

at kitang-kita ng dalawang mata ko kung sinu ang pinagkakaguluhan nila ...

T-tristan ?? ...

"ano ang feeling na kilala ka na bilang isa sa pinakabatang businessmen sa buong mundo ??"

"I feel very thankful sa blessings na ibinigay sakin ni God .. salamat din sa mga katrabaho ko dahil kung hindi rin dahil sa cooperation nila ay hindi magiging tagumpay ang aming kompanya haha "



ngayon ko na lang ulit narinig yang mga boses n yan .. pero bakit ramdam na ramdam ko paring ang sakit .. a-at ..



"awww .. napakagenerous mo naman .. no wonder maraming babae ang patay na patay sayo .. "

"haha . .thanks .. "

p-parang ang saya nya na ngayon .. :(( b-buti naman .. diba ?? diba mabuti yun ?? .. masaya na sya ..



"hindi ka lang isa sa pinakabatang businessmen .. isa ka rin sa mga tinitilian ng mga babae , heartthrob ika nga ?? .. haha "

"that's too much haha .. well , thanks for the compliment .. "

"if you don't mind us asking .. maraming babae rin ang nagtatanong .. meron ka raw bang girlfriend ??"

 a-ano kayang isasagot nya ..

"Wala .. "





</3

"wala ?? :))) "

"wala NA .. "

:((((((((( Tristan .. never naman akong nawala sayo e :(( iyo parin ako ...

"aww .. so you've been inlove ?? who WAS the lucky girl ?? "

"ahmm .. haha "

"sige na .. many girls are asking .. paano nga ba mainlove ang isang matalinong kagaya mo .. haha paano nga ba ?? "

"h-honestly , i'm very dumb when it comes to love .. i fell in love with a girl na hindi naman daw maganda .. hindi rin mabait .. sa katunayan napakaingay nya tuwing magkasama kami at nakakahiya syang kasama .. "

ANG SAKIT :(((((((( sorry ha ? di ako perpekto :((

halos di na ako makagalaw sa sobrang sakit .. gusto ko pang makinig ng tenga ko .. pero ayaw na ata ng puso ko ..

di ko na namalayan na nasa unahan ko na pala si Hana dahil hanggang ngayon titig na titig parin ako dun sa may stage ..

tutulo na tlga yung luha ko :((

bigla nalang akong hinila ni Hana palayo .. halos kaladkarin na nya ako makalayo lang ako ..

"CHAN ! ANO KA BA ? HA ? "

"H-hana .. o-okay lang ako .. "

"i know you're not .. "

at bigla nya nalang akong niyakap ng mahigpit ..

"i-iiyak mo na lahat .... :(( "

nang yakapin nya ako , hindi na ako nakapagpigil at humagulgol ako  ... :((

" A-ANG ... S-SAKIT ... :(((((  "



*Making Him Fall*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon