Chapter 12

1.2K 25 3
                                    

Atan's POV

Aba! sino yung lalaking yun? Ang kapal ng muka nun ah! Ako nga never kong nahalikan yung cheeks ni Tibo e.. Tapos naunahan nya pa ako!

"Babe? Sino yung kasama ni Nate? Akala ko ba Tomboy sya? bakit may humahalik sa cheeks nya?" akala ko ako lang nakapansin pati pala si Nica.
"I don't know, huwag na lang natin pansinin." sabi ko at kumain na kami. Halos katapat lang kasi namin sila ng table kaya kita ko sila.

"HAHAHA!! Talaga? Hindi ko alam!! salamat Wayne!!" malakas na hagalpak ng tawa ni Tibo. Hindi na nahiya!
"Hoy! Maging mahinhin ka nga!! Ang ingay mo!!" sabi sakanya nung kaibigan nyang babae, she looks familiar.
"Ay sorry po!" mahinhin na sabi ni Tibo. Yuck! hindi bagay!!

Nakatapos na kami kumain at pati na rin sila, at medyo nakangiti si Tibo habang kausap ang dalawa nyang kausap. Mukang masaya sya!

Nate's POV

Sa totoo lang nagkakatuwaan kami ditong tatlo dahil ang galing pala mag joke nitong si Wayne! At panigurado kung nandito si Atan malamang nabatukan nya na ako. Pero alam ko distraccted sya ngayon!

"Girl! Si Atan! Hahaha mukang nagjejeling na!" bulong na sabi ni Nicole.
"Nagseselos!!" sabat ni Wayne!
"Teka? diba salitang bakla yung jeling jeling? bakit alam mo Wayne? wag mong sabihing... HAHAHAHA!!" hindi ko na natuloy sasabihin ko dahil sobrang natawa ako..
"Hey!! Im not a gay!! diba nga liligawan kita?" at nabigla ako sa paglapit ng muka nya sakin.. Okay! part of the act!
"Tama na nga yan!! Ang sweet nyo!!"pasigaw na sabi ni Nicole na mukang nanadyang paringgan sila..

May binulong si Nicole kay Wayne at napangiti syang nakatingin sakin at itong si Nicole naman nag thumbs up sakin. Mukang may planong hindi maganda! Tumayo si Wayne sa harapan ko at iniabot ang kamay nya

"Hatid na kita?!" pagyayaya ni Wayne! Aabutin ko na sana yung kamay nya kaso..
"Sasabay na sya samin!" nagulat ako sa presensya ni Atan sa harap ko.
"Uhm, Im sorry but ako na ang maghahatid sakanya!" pagpipilit ni Wayne at si Nicole pataas taas ang kilay sakin. Mukang ito ang pinaplano nila..
"No! Dahil sa Condo ko sya nakatira! sa amin na sya sasabay ng girlfriend ko!" muling sabi ni Atan, medyo may pagkainis na yung boses nya.
"Para walang gulo! Si Nathalie na lang ang papiliin natin kung kanino sya sasama!" suggestion ni Nicole. At bakit sa akin napunta?
"Okay!! Atan! mauna na kayo ni Nica! kayla Wayne na lang ako sasabay." Nakangiting sabi ko sakanya at umalis na kami!

"Atan mauna na kayo ni Nica! kayla Wayne na lang ako sasabay. PAK! GANERN SABAY WALK OUT! HAHAHA ANG GANDA MO DUN BESS!!" etong si Nicole kanina pa nang aasar! sa totoo lang parang nagi-guilty nga ako sa ginawa ko e. Never ko pa kasing tinanggihan si Atan!

"Nakita mo yung muka nya Wayne? HAHAHA PRICELESS!" sabi pa rin ni Nicole. Adik talaga to!
"Oo nga pala, Nate kailangan mo na mag change ng mga damit mo baka kasi hindi maniwala si Nathaniel na nanliligaw ako sayo" bilin sakin ni Wayne.
"Kailangan ko ba talagang gawin to?" tanong ko sakanila
"If you do love him Yes! kailangan mo sya ipaglaban kasi mas matagal na kayong nagkasama, dont worry saglit lang to!" paliwanag sakin ni Wayne. Sabagay sabi nga nila pag mahal mo ipaglaban mo!
"O sige na babush na girl andito na tayo sa inyo! Bukas ha?" paalam ni Nicole bago sila umalis ni Wayne.

Hindi ko alam kung tama ba tong ginagawa ko parang ang nangyayari kasi magiging sulutera ako! pero okay lang MAHAL ko naman na talaga si Atan e.. Noon pa! Noong bata pa kami , sana matapos na lahat ng to.

Atan's POV

Nakakainis!! Bakit mas sumama pa sya dun sa lalaking yun eh dito din naman sya uuwi! I was never been rejected like that! Banas!!

Narinig kong nagbukas yung pinto so it means nandyan na sya. Sus, dapat hindi na lang umuwi. Dapat dun na sya tumira sa kasama nyang lalaki kanina.

"Oh umuwi ka pa!" sabi ko sakanya.
"Oo bakit? bahay ko din to e" sagot nya.
"Sana di kana umuwi!" sabi ko . Papasok na sana ako kaso nagsalita pa sya.
"Ano bang problema mo?" sigaw na tanong nya.
"Wala! ang kina-iinis ko lang e dun ka pa sumabay kaysa sakin!! Sino ba yung lalaking yun at ano mo ba yon?" deretsong tanong ko!
"Eh alangan naman makisiksik pa ako sa inyo ni Nica sa kotse? At si Wayne yun manliligaw ko!" naiinis rin na sagot nya. Ano? manliligaw?
"Tama ba yung narinig ko? Yun nanliligaw sayo?" nakangising tanong ko.
"Oo bakit?" maangas na sabi nya.
"Lolokohin ka lang nun! Ikaw tomboy ka! at malabong magkagusto sayo yun! Ang kagaya mong tomboy! walang karapatang magmahal!! tandaan mo yan!!" huling sabi ko at pumasok na ng kwarto.

Seducing Nathaniel Cruz (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon