Atan's POV
"Good morning Atan HAPPY BIRTHDAY !! " pagkagising na pagkagising ko palang nakabungad na si Nathalie sa pinto ko para batiin ako at bigyan ako ng isang malaking hug! Nakaka good vibes naman!
"Salamat " sabi ko sakanya.
"Kain na tayo! Nagluto na ako!" sabi nya sa akin. Agad naman kaming pumunta ng dining area para kumain."Sabi nga pala nila tita is naka cater yung handaan mo mamayang gabi dun sa mansyon nyo! " sabi nya sa akin. Naka uwi na kasi sila mama at abala na sa birthday ko!
"Hay, sabi ko kasi wag na e! For sure madami na naman silang bussiness partners na dala dala at ipapakilala sakin!" medyo iritable kong sabi. Ayoko naman kasi talaga ng bonggang handaan! okay na ako sa kami kami lang.
"Hindi naman siguro! ahaha pabayaan mo na si Tita, minsan lang sila umuwi dito!" nakangiting sabi nya. Bakit parang ansaya saya nya?
"Oo nga pala! eto na yung regalo ko!" sabi nya sa akin at iniabot ang isang kahon.
"Oh ang aga mo naman magbigay? Mamaya na lang sa party!" sabi ko sakanya.
"Eh! Ayoko nga! Gusto ko kasi magamit mo yan mamaya!" nakangising sabi nya, natatakot ako sa ngiti nya. Napatalon ako pagkabukas ko ng regalo nya!!"AAAHH IPIS IPIS!! AAHH!" sigaw ko sa harap nya at sya naman tawa ng tawa!
"HAHAHAHA sorry maling box naibigay ko!" halos di na sya makahinga sa kakatawa. Haist! alam nya talaga kinakatakutan ko! Sabi na nga ba at may planong hindi maganda to e.
"Eto na talaga yung regalo ko! Appetizer lang yan haha!" sabi nya at iniabot pa ang isang box.
"Eto kapag kalokohan na naman ,makakatikim ka ng halik sakin!" pagbabanta ko sakanya!
"HAHA hindi ka kalokohan yan!" nakangiting sabi nya. Nagulat ako pagkabukas ko nung box."Teka? mahal to ah! tsaka pano mo nalaman na gusto ko to?!" tanong ko sakanya. Niregaluhan nya kasi ako ng isang relo. Wengger! Mahal kaya to! Nakita ko lang to sa mall pero hindi ko binili.
" Simple lang! Nung nag CR kasi ako nun , nakita kitang tinitingnan yan kaya binili ko na! Gamitin mo mamaya ha?!" sabi nya sa akin. Sa sobrang saya ko niyakap ko sya. Di ko inexpect na ito yung regalo nya.
"Salamat talaga!" sabi ko sakanya.Maya maya lang may tumatawag sa landline namin. Kaya sinagot na ni Nathalie yun.
"Opo... sasabihin ko na lang po.... opo... sige po thank you po..." sabi nya then she hunged up the phone.
"Sino yun?" tanong ko sakanya.
"Si Tita! Ang sabi nya kailangan mo daw ng kapartner sa entrance! yung girlfriend mo daw kung maaari!" paliwanag nya sa akin. Teka? Paano? e wala si Nica?
"Si mama naman kasi, bakit kailangan pa ng ganon , ganon!" pag aangal ko!
" Ewan ko , tsaka kaya girlfriend ang sabi nila para ipakilala mo daw sa mga bussiness partners nyo!" paliwanag nya ulit. Nako! mamomroblema na naman ako!
"Sige I'll try to call Nica." sabi ko sakanya at napatango na lang sya.Ilang beses ko nang dina-dial ang number ni Nica pero hindi ko sya macontact! Nakakainis! Bahala na nga!!
Nathalie's POV
Masyadong busy yung mga tao ngayon dahil sa birthday ni kups! Grabe 21 na pala sya at ako 19 pa lang! HAHA . Grabe na-miss ko tong mansyon nila. Yung sobrang lawak kaya pwedeng gawing venue ng events. 6:30 na at malapit nang magsimula ang event kaya nagpalit na ako ng damit. Sinuot ko yung Off-shoulders na dress na binili nya sa akin. Nung napadaan ako sa hallway nakita kong nagtatalo yung mag ina. Ay may problema ata!
Naglibot libot muna ako at nagpunta sa likod ng bahay, may garden kasi doon na hindi gaanong kita ng mga tao. Peacefull tsaka mahangin dito. Maya maya pagbalik ko bigla na lang akong hinatal ni Atan!
"Aray naman!!" reklamo ko.
"Can you do me a favor? Just for this night! Please!" seryosong sabi nya sa akin.
"Ano yun?" tanong ko sakanya.
"Pwede bang ikaw na lang yung partner ko sa entrance? hindi ko kasi nacontact si Nica e. Please, just for tonight." tanong nya sa akin. Nag isip ako saglit. Siguro I need to grab the chance na! hahaha yehey!!
"Sige sige!" nakangiting sagot ko.
"Talaga? Thank you ,thank you!" natutuwang sabi nya tsaka ako niyakap.Maya maya lang nasa Entrance na kami at nakakonsorte ako sakanya. Medyo kinakabahan ako , hahaha adik talaga!!
"You look so beautiful in that dress" sabi nya ng nakangiti.
"Haha oo na! lalo mo ko pinapakaba!" sabi ko sakanya. Napansin ko namang hinigpitan nya yung hawak nya sa kamay ko.
Maya maya lang nagsalita na yung Announcer sa harap.
"Please all welcome the handsome and the only son of Mr. & Mrs. Cruz.. Nathaniel Cruz!" pagkatapos nyang sabihin yun ay nagsimula na kaming maglakad.Shit! kinakabahan ako! arrgghh di ako sanay humarap sa maraming tao.
"Just relax!" bulong nya sa akin at ngumiti lang sya. Ginaya ko na lang sya at naglakad. Maya maya nasa stage na kami at nakahawak pa din ako sakanya."Thank you everyone! You may take your sits" panimula nya at naupo na lang din ako.
"Salamat po sa lahat ng umattend sa birthday ko. Hindi ko akalain na marami pala tayo! And also thanks to my gorgeous mother who organized this party. Wala naman akong gustong sabihin pero may gusto akong ipakilala po sa inyo!" nagulat ako sa sinabi nya. Sinong ipapakilala nya.Nilapitan nya ako at iniabot ang kamay nya. Teka? Bakit nya ako ipapakilala? Ahh oo nga pala bestfriend nya ako at sinabi nya din sakin kanina na ipakilala nya ako sa lahat. Kaya naman tumayo na ako at sumama sakanya. First time kong tumayo sa harap ng maraming tao.
"She's my bestfriend" panimula nya hahaha yes! Im his bestfriend! Humarap sya sa akin at tiningnan ako sa mga mata.
"My girlfriend. The Love of my life, my world and my everything!" sabi nya at humarap sa lahat! Shit! is this happening? Totoo ba ito or nananaginip lang ako? Im so speechless by this time! Wala sa napag usapan to!
" This is Nathalie Cole Velasquez and soon to be Mrs. Nathalie Cole Cruz" sabi nya sa lahat at nagpalakpakan ang lahat. Sana hindi ako nananaginip! At sana totoo ang lahat ng ito! He kiss my hand before we left the stage.Sana hindi ako nananaginip at kung sakali mang panaginip man to, please lang wag nyo na akong gisingin pa!! . Sana hindi na matapos tong gabing ito!
BINABASA MO ANG
Seducing Nathaniel Cruz (Completed)
Romantik#140 Tragedy Story May isang babae na nasaktan noon kaya nya binago ang sariling pagkatao nya. Hindi na sya muling iibig pa, yan ang pangako nya sa sarili nya. Pero paano na lang kung magbago ang buhay nya sa pagbabalik ng taong pinakamamahal nya...