Atan's POV
Nandito kami ngayon sa mall ni Nica mag-date daw kami e. Syempre gusto ko din yun para mapasaya ko sya, ang saya nga namin e ng bigla na lang may nakabunggo sa akin. Ang lakas grabe!
"ARRAAAYYY!" rinig kong sigaw nya at medyo napahiga yung babae sa sahig. Pinagtitinginan na sya ng mga tao..
"Miss okay ka----Nathalie? anong ginagawa mo dito? anong nangyari sayo? okay ka lang ba?" sunod sunod na tanong ko. Tanging iling lang yung sagot nya sa akin.
"Halika na tumayo ka na---"
"AARRRAAYYY!! SHIT!!" di ko na natuloy yung sinasabi ko kasi bigla syang sumigaw.
"Anong problema?" tanong ko sakanya
"Yung ankle ko!! ang sakit!!" sabi nya.Shit! Namamaga yung ankle nya, nasprain na ata sya.
"Babe? Anong nangyari sakanya?" tanong ni Nica.
"Na-sprain sya! tara kailangan na natin syang dalhin sa ospital!" sabi ko sa girlfriend ko at binuhat ko na si Nathalie.
"Ano bang nakain mo at tumatakbo ka ng nakatakong? Adik ka ba?!" inis na tanong ko sakanya, di na naman kasi sya nag iingat e.
"Wala, akala ko kasi may humahabol sakin" sagot nya sa akin.
"Dyan babe, may malapit na ospital dyan." turo naman ni Nica.
"Sa susunod nga mag iingat ka! Alam mo namang may pagka-clumsy ka e!" sabi ko sakanya at sya naman hindi ako pinansin..Dinala agad sya sa Emergency Room para matingnan yung paa nya. Sabi ng doctor baka ilang weeks pa bago sya makalakad ng maayos! Adik kasi e..
"Nasan girlfriend mo?!" tanong nya sakin.
"Wala umalis, bibili ata ng pagkain." sagot ko sakanya.
"Ahh!" maikling sagot nya.
"Atan, ang sakit talaga ng paa ko! paki hilot naman oh!" aba! nagrequest pa. Pero di ko sya matiis kaya ginawa ko na.
"Ano ba kasing nangyari kanina at tumatakbo ka?" tanong ko sakanya.
"Wala nga!" iritableng sagot nya.
"Alam mo! bakit parang andami mong tinatago sakin? akala ko ba magbestfriend tayo? bakit feeling ko may nililihim ka?" mahabang sabi ko sakanya.Nathalie's POV
"T-tinatago? wala no? anong itatago ko sayo? halos lahat naman alam mo e!" nabigla ako sa tanong nya. Hindi ko inaasahan yun.
"E bakit uutal utal ka?" tanong nya ulit.
"Kasi ang sakit mo mag masahe!!" angal ko.Wala naman akong tinatago sakanya, lahat alam nya. Pero wala nga ba? Haist! syempre wala! anong itatago ko sakanya. Tiningnan ko na lang sya sa muka at dumako yung paningin ko sa labi nya. Shit! natetempt na naman akong halikan sya. Para bang nung una kong hinalikan sya is hinahanap hanap ko na agad. Namimiss ko na yung labi nya..
"Huy nakikinig ka ba?" atsaka lang ako natauhan. Masyado kong pinagnanasaan yung labi nya.
"Ano ulit yun?" tanong ko.
"Sabi na e! ano bang nangyayari sayo!!? kanina ka pa lu---" by this time di ko na napigila yung sarili ko at HINALIKAN KO NA SYA!!Atan's POV
Pinagsasabihan ko sya dahil sa kalokohan nya pero hindi sya nakikinig. Adik talaga!!
"Huy nakikinig ka ba?" sabi ko sakanya at para syang natauhan bigla.
"Ano ulit yun?" tanong niya
"Sabi na e! ano bang nangyayari sayo!!? kanina ka pa lu---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi bigla nya akong HINALIKAN..Her lips was so soft and sweet. She's just kissing me and I was shocked when she bit my lower lip, Gosh! t turns me on! Tumugon na ako sa mga halik nya at mas lalong lumalim na to. And I feel that she's in need! Nagulat na lang ako ng may biglang nagbukas ng pinto at nakita ko si Nica!
Shit! this is so wrong! Agad kong tinulak si Nathalie at nakita ko si Nica na galit na galit! Shit! bakit nakalimutan kong may girlfriend ako? Bakit nagpadala ako sa halik ng bestfriend ko!
"Hayop ka! manloloko ka! " iyak na sabi ni Nica at bigla akong sinampal. Tss I deserve that!
"At ikaw! isa ka pa! sulutera ka! walanghiya ka!!" pinigilan ko sya ng bigla nyang susugurin si Nathalie.
"Nica stop please!" mahinang sabi ko sakanya.
"STOP? FUCK OFF PLEASE! NILOLOKO NYO NA AKO WALA PA AKONG ALAM!!" sigaw nya sakin.
"Nica hindi totoo --"
"ANONG HINDI TOTOO? KITANG KITA KO NA NAGHAHALIKAN KAYO!! TAMA NA ATAN! PAGOD NA KONG INTINDIHIN KA!!" sabi nya atsaka umalis! shit! hindi pwede to!!Tiningnan ko muna si Nathalie bago ko sinundan si Nica! Shit! What have I done? Bakit ba kasi ako hinalikan ni Nathalie? Pero bakit ako tumugon? Hindi! nadala lang ako sa pangyayari!
"Nica pag usapan natin to please!" sabi ko sakanya at niyayakap ko na sya.
"Pag usapan? wala nang dapat pag usapan! Nakita ko na yung dalat kong makita!" umiiyak na sabi nya.
"Hindi ko sinasadya yun!" pangangatwiran ko.
"Mahal kita Nica! please pag usapan natin to! Ayokong mawal ka sakin!" hinigpitan ko pa yung yakap nya para maniwala naman syang mahal ko sya at hindi ko sya kayang mawala.
"Mahal? talaga? kaya pala nakikipaghalikan ka sa bestfriend mo? siguro matagal nyo na akong niloloko? Pagod na akong intindihin ka! mahal moko? alam mo bang hindi ko na ramdam yun?! nung nasa resort tayo ng 1 week sino ang bukambibig mo? si Nathalie! Si Nathalie na lang palagi! na ikwento mo n nga buong buhay nya sa akin e. Eh ako? alam mo ba yung kwento ng buhay ko? Hindi! kasi puro ka Nathalie!!" halos matauhan ako sa lahat ng isinumbat nya sakin. Bakit ganun? Nasasaktan ko na pala sya pero hindi ko pa alam! Akala ko okay na lahat pero hindi pa pala! What should I do?
"Ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo ko?!" sabi ko sakanya.
"Alam mo? ayaw kitang papiliin between me or Nathalie dahil natatakot ako sa pwede mong isagot!! Pero pag isipan mo muna! Gusto ko pagbalik ko kaya mo nang mamili!" mahabang sabi nya.
"What? San ka pupunta?!" tanong ko sakanya.
"Tatanggapin ko muna yung offer ni papa na magbakasyon sa Singapore kahit 1 month lang. Cool off muna tayo please!" sabi nya atsaka umalis.Shit! I cant live without her either with Nathalie. Mahirap mamili, sobrang hirap. Hindi ko na alam!!
BINABASA MO ANG
Seducing Nathaniel Cruz (Completed)
Romance#140 Tragedy Story May isang babae na nasaktan noon kaya nya binago ang sariling pagkatao nya. Hindi na sya muling iibig pa, yan ang pangako nya sa sarili nya. Pero paano na lang kung magbago ang buhay nya sa pagbabalik ng taong pinakamamahal nya...