Chapter 36

1K 16 1
                                    

Nathalie's POV

Anong problema nun? Bakit biglang umalis, wrong move Nicolo. Ano bang gusto nya na namang palabasin.

"Nicolo alam mo naman diba?--"
"Oo alam ko na hanggang magkaibigan tayo and sorry I just want to express myself. Oo nga pala boyfriend mo sya kaya magseselos yun." mahabang sabi nya .
"Hindi!" sabi ko.
"Ha? Anong hindi?" naguguluhang tanong nya.
"Hindi ko sya bpyfriend!" sagot ka na ikinagulat nya.
"What? All this time? pero why did he tell or announced that you are his girlfriend!?" inis na sabi nya.
"Hindi ko din alam. May girlfriend na sya Nicolo pero nag cool off sila ng dahil sakin. At kahit ako nagulat nung ginawa yun ni Nathaniel sa birthday nya. So sinakyan ko na kasi mahal ko sya!" maluha-luhang sabi ko sakanya.
"Hey, do not cry. Nagselos pa man din ako kasi kayo na pero hindi pala kayo. Alam mo hindi ka dapat umiiyak ng ganyan. You dont deserve to cry !" pag comfort nya sa akin.

"Pero alam mo Nicolo nagmumuka na akong tanga. Kasi kahit alam ko na hanggang bestfriend lang yung tingin nya sakin, nagpapakatanga pa din ako sakanya." mangiyak ngiyak ma sabi ko.
"Haayy, just believe okay? Nothing is impossible. Wag kang mag alala mamahalin ka din nya kahit mahal na mahal pa kita!! " sabi nya sa akin kaya hindi na ako nakapagsalita. Lalo akong naiyak ng bigla nya akong yakapin.

"Basta Nathalie, Im always here for you. Hindi kita iiwan, mananatili ka sa puso ko kaya kapag hindi mo na kaya tumakbo ka lang sakin , nandito lang ako!" yan yung huling kataga nya kaya lalo akong naiyak.

Sa kanya ko lang naramdaman yung sincerity. Kahit alam nyang hindi ko na sya mahal hindi nya pa din ako iiwan. Sana hindi ka na lang nawala noon Nicolo, sana hindi mo na ako iniwan at sana kaya pa din kitang mahalin ngayon. Pero si Nathaniel na nagmamay ari ng puso ko e.

Atan's POV

"Uy pre tama na! wag kana nga mambasag !" pag awat sakin ni Zach.
"Tsk, naiinis ako na nakikita silang masaya!" inis na sabi ko. Badtrip! hahatakin ko na sana ulit si Nathalie kanina nung naabutan kong magkayakap sila. Grr, kaasar!

"Pare bakit ka naiinis? " tanong nya sakin.
"Hindi ko alam!!" sigaw na saad ko sakanya
"Baka naman nagseselos ka?" sabi nya. What? is he serious?
"What? the fuck! ako? magseselos? no!" sabi ko sakanya. Pero may posibilities ba na magselos ako?
"Dont deny it pare! halata sayong nagseselos ka!" sabi nya sakin.
"May girlfriend ako, at wala akong pake sa kanila!" seryosong sabi ko.
"Fine! if thats what you said" sabi nya.

Umuwi ako sa bahay pero wala pa din sya. Huwag na lang sana syang bumalik please! He's driving me crazy!! nakakainis!

"Salamat sa paghatid Nicolo ha? pasensya na sa abala!" rinig kong sabi nya sa labas.
"No problem ,basta ikaw!" sagot naman nung isa.
"Sige ingat sa pag uwi!" sabi nya at binuksan na ang pinto.

"Bakit moko iniwan?!" tanong nya sakin.
"May kasama ka naman na diba? " walang emosyong sagot ko sakanya.
"Kahit na! Sana tinext mo man lang ako, hindi yung naghantay ako syo dun ng ilang oras!" inis na sabi nya sakin. What? is that true? hinantay nya ko?
" Bakit sinabi ko bang maghantay ka?!" cold na sabi ko.
"Hay! ewan ko sayo!" sabi nya at pumasok ng kwarto.

Kasalanan ko ba kung hinantay nya ako? Wala naman akong sinabi, tsaka magkasama naman sila ni Nicolo hindi pa sya masaya. Totoo kayang nag seselos ako? But how? Wala ako sa posisyon para magselos, Im just her bestfriend!

Nathalie's POV

Naasar ako sa lintik na Atan na yun! Iwan ba naman ako! anong klaseng boyfriend sya! Kaya siguro sya iniwan ni Nica.

"Grrr nakakainis! nakaka walang gana!" inis na sabi ko pagkapasok ko mg kwarto.
"Ano bang problema nya kay Nicolo? Diba sya pa nga ang nagsabi skin na bigyan ko sya ng second chance tapos ngayon nagkakaganyan sya. Hindi kita maintindihan Atan!" inis pa ding sabi ko sa sarili.

Hindi kaya?? wait! agad kong tinawagan si Nicole para matanong sakanya..

"Hello?"
[O bess napatawag ka!?]
"Pwede ko bang matanong lung anong sintomas ng selos?" ang adik ng tanong ko diba?
[What? ano yan sakit? hahaha]
"Seryoso ako!!" inis na sabi ko.
[Okay! fine! pagnagseselos ang tao, nasasaktan yan. Palaging naiinis, cold ang mood at hindi ka nya pinapansin!] mahabang sabi nya.
"Ganun ba? I think nagseselos si Nathaniel kay Nicolo"
[Who? Nicolo? your ex?]
"Yes!"
[What? why? I mean how?] tarantang tanong nya.
"Long story! tsaka ko na ikukwento pag uwi mo," sabi ko sakanya
[Eh andaya mo naman!] inis na sabi nya.
"HAHA sige na bye, I love you" huling sabi ko at binaba ko na ang telepono..

Ayoko naman isiping nagseselos sya pero parang ganun naman kasi yung lumalabas. Masungit sya sakin kanina! Ano kayang mangyayari sa susunod na araw?

Seducing Nathaniel Cruz (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon