Nathalie's POV
"Pst! Movie marathon tayo!!" yaya nya sa akin.
"Nako! sige basta wag lang porn ha!? haha" pagpapaalala ko. Naalala ko kasi nung nagmovie marathon kami ng porn. HAHA yuck kadiri!!
"HAHAHA opo hindi na. Natakot ako nun kasi bigla kang nagkasakit!" natatawang sabi nya.
"Ano panonoorin natin!?" tanong ko sakanya.
"Goosebumps!" ngiti nya sa akin.Pumayag naman ako pero bago namin panoorin yun , nagluto muna kami ng popcorn. HAHAHA nakagawian na kasi e! Pagkatapos namin magluto, dating gawi! Nakaakbay sya sa akin habang ako nakasandal sa balikat nya! Ang cute namin muka kaming couple!!
"HAAHAHA ang kulit naman nyan!!" natatawang sabi ko. Kasi naman, akala ko horror to! hindi pala! horror comedy , kaya tawa kami ng tawa.
"HAHAHA kinagat nya yung aso! haha" tawa nya naman.Nakangiti na naman ako kasi ang saya namin, this past few days walang ibang nangyari kundi happy memories. Hindi ko nga alam kung nanliligaw sya sakin or ano e! basta masaya kami. Nakaakbay sya sakin pero bigla nyang inabot yung kamay ko. OMG nikikilig na naman ako!! Tiningnan ko sya at tiningnan nya din ako.
"Bakit?" tanong nya
"Wala naman! natutuwa lang ako sayo!" sabi ko sakanya.
"Sus! alam ko namang gwapo ako e! hahaha!" sabi nya sa akin.
"Hahaha adik ka talaga!" sabi ko sakanya.
Nagulat ako nung hinalikan nya ako sa noo at niyakap ng mahigpit! Awew ang sweet nya talaga."Wag moko iiwan ha, kahit anong mangyari!" bulong nya sa akin.
"Oo naman! ahaha nakakatakot ka naman magsalita!" sabi ko sakanya.
"Wala!! Feeling ko kasi namiss na talaga kita!" sabi nya sa akin. Maya maya lang ay biglang may nagdoor bell.And as usual! Isang boquet ng flowers at box ng chocolates. Naloloka na talaga ako sa nagpapadala nito.
"Oh meron na naman?" tanong nya.
"Oo nga e!" sabi ko naman.
"Kanino ba nanggagaling yan? Ilang araw kana din nakakatanggap ng ganyan!" nagkakamot ng ulong sabi nya.
"HAHA ewan ko ba, ang akala ko nga sayo e. Pero sabi mo naman hindi!" sagot ko sakanya at tumabi na ulit sakanya.
"Baka naman kay Wayne galing yan!" sabi nya. Nakahiga ako ngayon sa binti nya at sya naman pinaglalaruan yung buhok ko.
"Hindi nasa ibang bansa yun!" sabi ko naman.
"Nako ! lagot ka! magagalit sayo si Wayne may ibang manliligaw ka.!" sabi nya at talagang dinilaan pa ako.
"HAHAHA hindi no! " nakangising sagot ko.Natahimik kami saglit dahil nakapikit ako at sya naman nakita ko nage-fb. Tapos bigla na lang syang napamura!
"Shit! Fuck that man!" inis na sabi nya. Kaya napamulat ako agad.
"Huy! bakit ? ano yan? bakit ka nagmumura dyan?" mukang nagulat sya sakin dahil inaabot ko yung phone nya pero ayaw nya ibigay.
"Ano ba kasi yan!!" pangungulit ko!Atan's POV
"Ano ba kasi yan!" pangungulit nya sa akin.
Ayokong makita nya to kasi baka masaktan lang sya! Tang inang Wayne yun! lagot sakin yun! May nakita kasi akong picture nya na may kasamang babae at talagang nakahalik pa sa pisngi ng babae! Fuck you sya! Tina-timer nya bestfriend ko.
"Akin na kasi!" sabi nya at biglang hinablot yung phone ko, pero nagulat ako sa reaksyon nya.
"Ahh hahaha yan lang pala!" natatawang sagot nya.
"Ano? anong yan lang pala?!" inis na tanong ko.
"Oo haha bakit ka ba naiinis?!" tanong nya sa akin.
"Adik ka ba? may kasamang ibang babae dito yung boyfriend mo! at talagang ang caption pa nya ay 'Forever Yours' tina-timer ka nyan! nako lagot sakin yun pag balik!"medyo naiinis ko ding sabi sakanya. Naiinis din ako sakanya kasi parang wala lang sakanya.
"Okay lang yan!" maikling sagot nya.
"Bakit break na ba kayo? kaya ka ba nya iniwan?!" nag aalalang tanong ko sakanya.
"Haha hindi naman naging kami!" sabi nya sa akin. Ha?
"What?" gulat na tanong ko.
"Oo , magkaibigan lang naman talaga kami at alam kong may girlfriend sya!!" sabi nya.. Wait! I dont get it!
"So ? do you mean na nagpanggap kayo sa harap ko?!" tanong ko sakanya.
"Hindi din! HAHA nung panahong tinawag nya ako ng GIRLFRIEND ay dahil nag aasaran kami! at sinakyan ko lang yung trip nya! Ikaw lang naman ang nagsabing boyfriend ko sya e!" mahabang paliwanag nya.Medyo nagulat ako sa revelations! Grabe, ako lang pala ang nag isip na sila na! Nagselos pa mab din ako! Pero ang pinagtataka ko lang, bakit sya nagbago? I mean her looks? Bakit sya nagpapaganda? para kanino?
BINABASA MO ANG
Seducing Nathaniel Cruz (Completed)
Romance#140 Tragedy Story May isang babae na nasaktan noon kaya nya binago ang sariling pagkatao nya. Hindi na sya muling iibig pa, yan ang pangako nya sa sarili nya. Pero paano na lang kung magbago ang buhay nya sa pagbabalik ng taong pinakamamahal nya...