Chapter 35

1.1K 21 0
                                    

Nathalie's POV

Lahat naging ayos na nang magkausap kami ni Nicolo, nalaman ko na kung bakit nya ako iniwan. Wala syang kasalanan, sadyang napilitan lang sya dahil sa maling desisyon ng papa nya.

"O mukang masaya ka ata ah!" bungad sakin ni Atan pag pasok ko ng bahay.
"Ah hindi naman , sakto lang" sabi ko sakanya.
"So? Anong nangyari sa usapa nyo ni Nicolo? okay na ba kayo?" seryosong tanong nya.
"Ah oo, okay na kami. Nalaman ko na yung dahilan kung bakit sya nakipaghiwalay. Haha basta ayoko na pag usapan, ang mahalaga okay na kami. Magkaibigan na ulit!" nakangiting sabi ko sakanya.
"Magkaibigan lang?" nakataas na kilay na tanong nya? ha? bakit? ank bang gusto ng tukmol nato?
"Oo! adik ka ba? hindi ganun kadali magpatawad at hindi rin madali na tanggapin na lang ang lahat." mahabang paliwanag ko sakanya.
"Ahh" maikling sagot nya.
"Tsaka iba naman yung mahal ko e" pabulong na sabi ko.
"Ha? sinong mahal mo?!" tanong nya sakin. Shit! narinig nya..
"Ikaw?" pabulong ulit.
"Ano sino?" hala! wag nya sana marinig.
"WALA!" sigaw ko sakanya.

"Oo nga pala, kailangan daw natin pumunta sa office ngayon!" sabi mya sa akin.
"Ha? bakit daw?!" tanong ko naman.
"Kasi kailangan na daw ako itraining sa pag hawak ng company!" paliwanag nya..
"Ahh! teka? bakit kailangan na kasama pa ako?!" tanong ko sakanya.
"Kasi girlfriend kita at kailangan palagi kitang kasama!" paliwanag nya. Medyo mag si-sink in pa din sa utak ko yung mga sinabi nya..

WHAT!? KASI GIRLFRIEND KITA!

Atan's POV

"Huy! bilisan mo naman dyan! male-late na tayo!" pagtawag ko sakanya. Ambagal nya kasi e.
" Oo na! eto na! " rinig kong sigaw nya atsaka lumabas ng kwarto nya. Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na natuloy dahil sa sobrang ganda nya. She looks so stunning today!

"Oh baka naman matunaw ako sa kakatitig mo! baka hindi na ako makarating sa kompanya nyo nyan!" nagulat ako sa sinabi nya kaya natauhan ako.
"Tara na!" yaya ko sakanya.

Mabilis naman kaming nakarating sa kompanya namin. Well isa ang kompanya namin sa pinakamagagaling at pinaka best seller sa lahat ng Toy Company . Yes! Toy, mahilig kasi sila mama at papa sa mga laruan.

"Good morning ma'am , sir!" bati s amin ng guard pati na din yung mga staff dito.
"Good morning din!" bati naman nitong kasama ko. May mga narinig pa nga akong bulung-bulungan e..
"Sya ba yung girlfriend ni sir? grabe ang ganda nya pala!"
"Oo nga bagay talaga sila!"

"O andyan na pala kayong dalawa" bungad samin ni Papa.
"C'mon then I'll show you something" sabi nya tapos sumunod na din kami. Medyo tahimik lang si Nathalie, hindi ko alam kung bakit.

"So youre going to be officemates! " sabi ni Papa.
"Pero tito, wala po akong alam sa mga ganitong trabaho." nag aalangan na sabi ni Nathalie.
"Andyan naman ang boyfriend mo para turuan ka ! Don't worry!" nakangiting sabi nya.
"Sige po Pa, salamat!" sabi ko at paalam sakanya.

"Huwag kang mag alala Nathalie akong bahala sayo!" sabi ko sakanya ng nakangiti.
"Salamat" sabi nya ng nakangiti. Sana si Nica yung kasama ko dito , kamusta na kaya sya?

Maya maya lang lumabas kami ni Nathalie para kumain kaso may nakasalubong kami..

"Hi Nathalie!" nakangiting bati nya sa kaibigan ko.
"Uy Nicolo, anong ginagawa mo dito?"  nakangiti rin si Nathalie sakanya. Anong meron?
"Ah kinausap kasi ako ni Tito kaya ako pumunta dito. Ikaw? anong ginagawa mo dito?" tanong naman ni Nicolo. So OP ako sakanila.
"Ah dito na kasi ako magtatrabaho e, alam mo na dahil boyfriend ko si Nathaniel!" nakangiting sabi nya halos namumula nga yung pisngi nya e.
"Aahh so pre san kayo pupunta?" tanong nya sakin
"Kakain sa labas" pormal na sagot ko.
"Ah ganun ba? Sabay na pala ako wala akong kasama e!" nakangiting sabi nya. Ano ka hilo? ayoko nga.
"Oo nga Atan! para madami tayo!" nakangiting sabi ni Nathalie! hay! bakit ba pag kay Nathalie hindi ako makatanggi? Nakakainis.

Sinama na namin si Nicolo kumain kahit hindi bukal sa loob ko, nakakainis may sumisingit pa! nakaka beastmode.
"Kamusta kana pala Nathalie? antagal na nating hindi nagkausap!" masayang sabi nya.
"Okay naman ako! heto masaya naman!" nakangiti rin naman sya. Out of Place na naman ako. Sana hindi na ako sumama.
"Anong matagal na hindi nagkausap? E parang kahapon lang magkasama pa kayo!" taas kilay na sabi ko.
"HAHAHA oo nga pala noh!" natawa naman si Nicolo.
"Nathalie may itatanong ako!" nakangisi pa ding sabi nya habang nakain kami. Nawawalan ako ng gana!
"Ano yun?" napatinging tanong ni Nathalie.
"Natatanggap mo ba yung mga bulaklak na pinapadala ko sayo?" tanong nito.
"Ikaw pala nagpapadala nun?" tanong nya ulit.
"Alam mo bang nagmukang garden yung condo ko sa kakapadala mo ng bulaklak!" inis na sabi ko.
"Atan?" nanlalaking mata na suway sakin ni Nathalie.
" Bakit?" tanong ko sakanya. Pero lalo nya lang akong nilakihan ng mata.
" Ikaw pala yun, haha salamat" nakangiti pa rin sya.
"Miss na kita Mosh!" biglang sabi ni Nicolo na ikinagulat naming dalawa.
"Excuse me nga!" paalis na sabi ko.

Nakakainis! Nakakabuwisit! bakit ba ako nagkakaganito? Argh!

Seducing Nathaniel Cruz (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon