Nathalie's POV
After that night, masasabi kong okay na ulit lahat. Back to normal na ulit kami! Siguro masasabi ko na mas naging strong yung friendship namin.. Siguro nga I need to accept that were just friends na lang.
Nakakatawa kasi nagyaya sya mag general cleaning daw kami ng condo nya. HAHA Anong nakain nito? baliw talaga! Habang sya nagwawalis ako naman nagpupunas ng bintana..
"Aaahhh!" sigaw ko kasi muntik na akong mahulog pero nasalo nya ako. Nasalo ako ni Atan kaya hindi ako nahulog. Pero masasalo nya pa kaya ako kapag nalaman nya na mahal ko sya?
"Be careful! Ang clumsy mo talagang babae ka!" sabi nya. O diba pinagalitan pa ako!"Atan! anong balak mo sa birthday mo? malapit na yun ah!" tanong ko sakanya.
"Uuwi daw sila mommy next week sa birthday ko at gusto daw nila magpaparty! sabi ko nga wag na lang e!" inis na sabi nya.
"Ano ka ba! okay lang yun! ahahaha pagbigyan mo na si Tita!!" sabi ko naman.
"Hay nako!" tanging sagot nya.Bumalik kami sa paglilinis, grabe ang alikabok naman dito! parant di talaga sya naglilinis! teka baka atakihin na naman ako nito! Nagulat ako nung bigla syang lumapit at pinunasan ako ng pawis.
"Basang basa kana ng pawis" sabi nya habang pinupunasan nya ako sa muka, ooppss medyo AWKWARD haha pero kinikilig ako!
"Ah okay lang yan!" sabi ko. Tapos inagaw ko yung pamunas sakanya.
"Mas basa ka kaya ng pawis sakin. Magpalit kana baka magkasakit ka na naman!" bilin ko sakanya pero mas nagulat ako sakanya.
"Hoy! ano ba yang ginagawa mo?!" iritableng sagot ko sabay nagtakip ng mata. Naghubad kasi sya ng t-shirt!
"Asus! kunwari ka pa! parang hindi mo to nakikita ah!" nakangising sabi nya. Samantalang ako nakatakip pa din yung mata ko!
"Buksan mo na yan!! yiiee nahiya ka pa! pustahan tayo pinagnanasaan mo din to e!" sabi nya na ikinagulat ko!
"Wow! ang kapal mo din hahaha! puro ka nga taba e!" sabi ko sakanya na nakatingin sa mata! Awts mas lalong AWKWARD .
"Anong taba? tingnan mo nga! may V-line pa ako!" sabi nya . Ang yabang talaga nito minsan.. Pero nakaka distract talaga..
"Eeeww nakakaumay!" sabi ko na kunwari ay nandidiri.
"HAHA ewan ko sayo. Tapusin na nga natin to!" sabi nya atsaka bumalik doon sa kusina.Grabe!! ang yummy nya!! hahaha yuck! ano ba yan , pinagnanasaan ko na nga sya. Matapos kami maglinis ay pareho kaming nagtatalo sa kusina!
" Hindi nga yan nilalagyan ng bawang yan!" sabi nya sa akin.
"Meron nga! ang kulit mo!" sabi ko naman sakanya.
"Sinigang to kaya walang bawang to!" sabi nya naman. Hayy ang kulit!
"Wag ka ngang ano! Sinigang sa miso yan, ginigisa yan!!" sabi ko sakanya.
"Oo na po!!" sabi nya at nagsimula ng magluto. Ako naman nagluto ako ng chicken soup."Atan, paabot ako nung cube!" sabi ko sakanya.
"O eto!" sabi nya sa akin. Tapos nagluto lang ako ng bigla na naman syang nagsalita.
"Cube? diba yun yung isang website para makanood ng videos?" tanong nya sa akin.. Kaya naman ako napataas ng kilay!
"Youtube yun uy!!" sabi ko sakanya at sya naman natatawa ng bongga.
"Hahaha youtube ba? akala ko kasi youcube!! hahaha" ay hala natawa sa joke nya. Napansin nya atang hindi ako natawa.
"Ay waley! ayoko na nga!" sabi nya at nagbakla baklaan!
"HAHAHAHA ang corny mo kasi mag joke!" sabi ko sakanya..
"Oo na!" sabi nya atsaka nagluto na lang.Pagkatapos namin magluto ay napagkasunduang kumain na, gutom na gutom na kami e. HAHAHA
"O ako may logic sayo!" sabi ko sakanya.
"O ano naman yun?" tanong nya sakin.
"Ehem! si ang Ina ni Nina ay may limang anak! Si Nanang, Neneng, Nining, at Nonong. Ang tanong sinong panglima!?" tanong ko sakanya. Sya naman ay nag isip at ilang saglit lang ay sumagot na sya.
"Alam ko na!" sabi nya sa akin.
"sino?" tanong ko.
"Su Nunung!" seryosong sabi nya. Ako naman ay seryoso sa una kaso hindi ko na napigilan yung sarili kong humaglpak ng tawa..
"HAHAHAHA si Nunung daw! Hahaha!" hindi ko talaga mapigilan yung sarili ko.
"Bakit? tama naman ah! si Nanang, Neneng, Nining, Nonong at yung pang lima si Nunung. Kasi tingnan mo vowels sya e. A, E , I ,O ,U." paliwanag nya pa.
"HAHAHA mali!! hahaha si Nunung daw!" sabi ko sakanya at sya talaga nagtataka na!
"E sino pala?!" tanong nya sa akin.
"Intindihin mo kasi yung sentence! Ang Ina ni NINA ay may limang anak!! hahaha nagets mo?" natatawang tanong ko sakanya.
"Ha? di ko talaga magets." sabi nya sa akin na nakakamot ang ulo.
"Si NINA ang sagot! kasi nga ang sabi, ang Ina ni NINA!! HAHAHA gets?" sabi ko at muka namang nagets nya na.
"HAHAHA oo nga noh hindi ko naisip yun haha" at pati sya natawa na din sa sarili nya.
"HAHAHA " di talaga ako makatigil sa pagtawa sa hanggat nasamid ako!!
"Ayan! tawa pa!! hahaha karma!" sabi nya at ako naman uminom na lang ng tubig.
"Number 14" sabi nya na ipinagtaka ko.
"Huh?" tanong ko.
"Sabi kasi nila kapag nasamid ka daw is may nakaalala sayo! Hanapin mo kung anong letter sa alphabet yung 14!" mahabang paliwanag nya. Nag isip ako saglit ng bigla akong nagulat.
"Letter N!" sabi ko sakanya.
"N? sino pa bang N na kakilala mo bukod sa akin?" tanong nya.
"Si Nicole at Nica!" sabi ko.
"Bukod sa kanila? wala na?" tanong nya.
"Wala na!" pagsisinungaling ko.Hindi kaya si Nicolo? huy! hindi noh! imposible!
Bigla naman akong sumeryoso , may pumasok kasi sa isip ko. May naalala akong quote na nabasa ko e. Sabi nya..
"Alam mo kung anong nakakatakot sa pagiging masaya? Yung baka bukas hindi na"
Oo nga noh? bakit hindi ko naisip yun? pano kung hanggang ngayon na lang kami maging masaya? Sana palagi na lang ganito noh? Happy lang.
"Huy sumeryoso ka ata bigla?" nagulat ako sa presensya nya.
"Haha wala may naalala lang ako!" sabi ko sakanya.
"Ahh" sagot nya at natahimik na lang kami. Matapos ang ilang segundo ay may nagdoorbell."Ako na!" sabi ko sakanya atsaka tumayo.
"Miss delivery po para sa inyo!" sabi nung lalaki sa harap ko.
"Ha? kanino galing?" tanong ko ng makita ko ang isang boquet ng bulaklak ulit.
"Hindi po pinasabi e. Sige po ma'am salamat!" sabi nya atsaka umalisTeka? HAHAHA OMG! si Atan na naman to! Adik talaga! pero kinikilig talaga ako! hahaha baka nga nanliligaw na sya!
"O sino yun?" tanong nya ng lumabas sa dining area. Agad ko namang tinago yung boquet sa likod ko
"Wala!" sabi ko na kinikilig pa.
"Ano yang nasa likod mo?" tanong nya sa akin.
"HAHAHA sus! kunwari ka pang hindi mo alam!" sabi ko sakanya na ipinagtaka nya
"Huh? ano ba yun?" tanong nya sa akin.
"Bakit mo ba ako binibigyan ng bulaklak?" tanong ko sakanya at nilabas na yung boquet. Pero mas nagulat sya.
"Huh? hindi sakin galing yan!" seryosong sabi nya.
"Weh? kunwari ka pa hahaha" sabi ko pero ang seryoso nya tlaga.
"Isang beses lang kita binigyan noh! ang feeler mo ha! hahah joke" sabi nya at ako naman ang napaisip.Kung hindi galing kay Atan to? Eh kanino?
BINABASA MO ANG
Seducing Nathaniel Cruz (Completed)
Romance#140 Tragedy Story May isang babae na nasaktan noon kaya nya binago ang sariling pagkatao nya. Hindi na sya muling iibig pa, yan ang pangako nya sa sarili nya. Pero paano na lang kung magbago ang buhay nya sa pagbabalik ng taong pinakamamahal nya...