5

846 17 2
                                    

Kim

Papalapit ng papalapit na kami sa first game namin of the season. Of course hindi namin maitatago na pressured kami this season to win the championship. It's been two years na nag kukulang kami. We always make it to the finals but for two years hindi namin na reach yung top. This makes us more aggressive and hungrier for another championship. Lalo na we have 5 graduating seniors na sina Ara, Mika, Mok, Carol and Cyd.

Cyd.

As much as it hurts me, this year is the last playing year of Cyd. It's true na magka batch kami na narecruit but I just started playing two years after our debut in the UAAP. I can't even start imagining na after this season, hindi ko na siya makakasama araw-araw. For sure we'll still be playing together in the pro-league, but it would not be the same not living in the same house as her. Not that I won't miss the other 4 seniors, eh lalo na si Ara at Ye na nakakabit na ang mga pangalan namin sa isa't-isa. Ngayong araw ay maagang natapos ang training dahil may appointment ang coaches with the administration para sa kick off ng season namin. Saturday ngayon kaya naman yung mga juniors lang ang may class na NSTP after ng training.

"San niyo gusto kumain?" tanong ni Mok habang nagaayos ng damit na pinagtraining kanina.

"Mukhang seniors lang talaga ang natira ha." observed by Carol.

Nang tumingin ako sa gym na halos wala ng tao, kaming seniors nga lang ang natira. Nakita kong nag aayos pa ng gamit sina Mok, Ye at Ara. Habang si Carol at si Joy naman ay naka higa lang sa may court side at hinihintay kaming matapos. Asan si Cyd? Tumingin ulit ako sa buong gym ngunit hindi ko makita ang anino ni Cyd.

"Huy ano tinitingnan mo dyan?" usisa ni Ara sa akin. "May nakikita ka bang hindi namin nakikita?"

"Loko." sinabi ko sakanya. "Asan si Cyd?"

Lahat sila ay tila napa tigil ng tinanong ko ito sa kanila. Weird.

"Ayan ka nanaman.." asar ni Ye sa akin. "Si Cyd nanaman ang hanap mo. Nawala lang bigla hahanapin mo agad."

Tumayo si Carol at yinakap niya ako sa aking likuran. "Alam mo Kimmy, hindi mo kelangan hanapin yung mga taong bigla bigla nalang nawawala na hindi man lang nag papaalam." sinabi niya na parang nag dradrama. "Hinahanap mo nga siya, ikaw ba hinahanap ka ba niya? Parang hindi eh."

"Hala ano yan?" tinanong ko sakanya. "Bat ganyan mga sinasabi niyo? Tinatanong ko lang naman kung asan siya eh." I laughed.

"Ate kimmy naman kasi, laging si ate gurl hanap mo eh." agad na sagot ni Joy.

"Hoy mga issue kayo!" sigaw ko ng pabiro sa kanila.

"So may something ba kayo ni didit?" Mok teased me. "Or may something ka ba kay didit?"

I just gave them a puzzled look. Bakit ganito sila maka react ngayon? Sa pag kakaalam ko eh hinanap ko lang siya kasi hindi ko siya napansing umalis ng gym kasama ng iba naming teammates. They are all still staring at me with expectant looks waiting for my answer. Alam kong pinagtritripan lang ako ng mga lokong ito. Eh pag mga may nag tatanong nga kung sinong may maraming manliligaw lagi ako yung sagot nila. Loko talaga ang mga teammates ko eh, lalo na towards me. I wanted to answer a straight no. Or kahit man lang umiling ako sa tanong na yun, but right now I feel frozen. Parang once na ibukas ko yung bunganga ko eh iba yung masabi ko. Hindi ko man makita ang sarili ko, alam kong namumula na ako ng parang isang kamatis. Nararamdaman ko narin ang init sa aking katawan lalo na sa kamay at ulo ko. Parang hot seat ang feeling. Magsasalita na sana ako ng marinig ko ang familiar na boses. At dahil dito ay nakahinga na ako ng maluwang.

Closing TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon