10

898 19 1
                                    

Cydthealee

Mika Reyes: Ate Cyd, free ka ba ngayon?

Nag flash sa screen ng phone ko ang text ni Ye. Weird. Sunday ngayon and mostly pag Sunday eh umuuwi si Ye sa bahay nila to spend time with her family. Same with the other ladies na nakatira around Manila lang. Well for us na mga taga province, pag nag start na ang season hindi na kami nakakauwi so we just stay sa dorm during Sundays. I checked the time and it's just 9:37 in the morning. Kaya naman unusual talaga na mag text si Ye ng ganito sa akin especially sa ganitong time na most of the time eh tulog pa siya pag ganito. I unlocked my phone and started typing my reply.

"Hindi ba pwedeng mag mahal naman ako ngayon? Lagi nalang akong free eh. Char."

Wala pang isang minuto eh naka tanggap na ako ng reply.

"Corny mo teh. Ano free ka?"

"Oo. Why ano meron?"

Ewan ko talaga kay Ye. Kung siya maka bully eh ang saya saya niya tapos pag siya yung linoloko ayaw niya.

"Tara lunch tayo, G?"

And ito naman na talaga yung pinaka weird niyang text. Si Mika Reyes nag tawag ng lunch? Kahit kilala ng lahat si Ye dahil ayun nga marami nga siya endorsements and extra activities outside volleyball, siya ang pinaka kuripot sa mga Lady Spikers. Never yan mag aaya ng labas or kain sa labas, dapat siya yung inaaya and as much as possible eh ililibre mo siya.

"G. With who?"

I replied back really curious kung bakit siya nag tatawag ng lunch out. It's been a long time and hindi na nag reply si Ye. So I decided to get ready at baka anytime eh sunduin na niya ako dito sa dorm. After ko maligo eh nag hanap pa ako ng pwede kong isuot. As usual I went for my usual shorts and shirt get up. But for today eh naisipan kong mag suot ng cap. This cap though. Ewan ko nga kung bakit nasa akin itong New York Yankee cap ngayon. Umiikot kasi ito sa aming Lady Spikers. Kung sinong may kelangan, hahanapin lang ito. Luckily nasa room namin kaya hindi na ako nag effort na nag hanap.

11:00

Hindi ko namalayan na isang oras mahigit na pala akong nag ready. I checked my phone kung may text na si Ye pero wala parin. Napaisip tuloy ako kung drawing itong lunch out na to. Nainip na ako na maghintay sa room ko kaya naman lumabas na ako. I wanted to check kung sino yung mga tao pa dito sa dorm. Mostly kasi eh may sari-sariling kaming lakad. Naka ilang katok na ako sa iba ibang rooms eh mukhang ako lang pala ang walang lakad today. Napaka loner ko naman. Kaya naman I decided to just go downstairs and hopefully may mahintay akong Mika Reyes na dumating. Naupo ako sa may couch while I started to scroll down into my social media. Wala pang ilang minuto eh may narinig akong pababa ng stairs. Wow. May kasama pala ako dito. Nakita ko yung shoes na Vans so I automatically assumed na si Ara ito and I am correct, at sumunod sa kanya si Kim.

"Oh bat andito kayo?" bati ko sakanila habang papunta sila sa couches to sit.

"Ay grabe si Thea oh." sagot agad ni Kim. "Ayaw mo ba kami dito?"

"Corny mo Kimmy." I pouted. "Kanina pa kasi ako kumakatok sa mga rooms eh walang sumagot kaya kala ko mag isa lang ako sa dorm ngayon."

"Eh mukhang may pupuntahan ka ata eh." sabi naman ni Ara.

"Nag text si Ye sa akin kanina, nag tawag ng lunch tapos ngayon di naman na nag reply so I dont know kung tuloy parin." sinagot ko siya.

Kim and Ara looked at each other like they are thinking 'kasama si Cyd?' . Pahalata naman kasi tong dalawang to.

Closing TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon